"P-Peter" hinihingal na tawag ni Karylle kay Peter. "Malapit na ba ??" tanong nia rito.
Tumango ito at inalalayan sia, " Malapit na,." hinihingal na sagot sa kanya ni Peter.
"H-Hindi ko na kaya, Ahhhh!!.." maktol ni Karylle sabay punas sa sariling pawis.
"Humawak ka lang kasi sa akin, kunti nalang.. as in.." wika ni Peter sabay malakas na hinga nito.
Narinig niya itong nagmura sa likod niya dahilan para ngumiti siya.
Karylle POV.
Kasalukuyang nasa isang kilalang View Park sila sa Carmen (where the chocolate hills can be found), matagal na niyang gustong makapunta sa lugar na iyon kaso lagi siyang busy kaya nong nang aya si Peter sa kanya ay di siya nagdalawang isip na sumama tyaka wala naman din kasi siyang masasakyan dahil masyadong gabi na.
Tumigil si Karylle sa paghakbang at tiningala nia si Peter, "Kasama ba to sa last request mo??"
Ngumiti si Peter at nilingon siya. "Nope, I just ask you to come with me, hindi to kasama sa wish ko.."
"What??!" Nagulat na wika ni Karylle, "Cheater!"
Tumawa ito. " Come on Karylle alam kong gusto mong pumunta rito, dali." Bumaba ito at hinila siya, wala rin siyang nagawa kundi magpahila rito.
.
.
.
.
"Woah.." gilalas ni Karylle ng maka abot sila sa tuktuk ng bundok, napakaganda ng view, at dahil maliwanag ang buwan ay kitang kita ang chocolate hills na nakapalibot sa kinatatayuan nila, at sa dulo ng chocolate hills ay ang City Lights at ibang kabahayan. Tingin niya mas maganda ang View rito kung umaga.
"Mas maganda daw ang View rito pag umaga." Wika ni Peter sa tabi nia.
Ngumiti sia. "Agree.. sayang gabi tayo pumunta rito.."
"Gusto mo bang bumalik tayo rito?"
Nilingon nia ito, at tumango. "Oo ba basta libre mo.."
Ngumiti ito ng malaki.
"What?" nagtatakang tanong nia rito.
"Nothing.. " at saka muling inibalik ang tingin sa view.
Nagkibit balikat sia at muling enenjoy ang View.
.
.
.
.
.
"Karylle?" maya-mayay tawag ni Peter sa kanya.
"Hmmm??"
"Go out with me.."
She looked at him, "Peter, I.. I---"
Lumapit ito at hinawakan ang kanyang kamay.
"I know." Bumugtong hininga ito. "I know." Pabulong na wika nito. Nakayuko ito habang pinipisil ang kanyang kamay.
"Peter.."
Tumingala ito tumitig ito sa kanyang mga mata. "I love you.."
Natigil siya kanyang pag hinga, alam niyang may gusto si Peter sa kanya pero hindi niya ene-expect ang confession nito. Nakailang lunok siya bago siya muling nakapagsalita. "I-I'm Sorry.."
"No, don't.." ngumiti ito, may pait sa mga mata. "I just want you to know, but honestly, nag hope ako na di yan ang sagot mo, na after sa lahat ng ginawa natin today ay mag babago ang isip mo pero.." parang dinurog ang puso niya ng makita ang pagpatak ng luha nito, pero nanatili parin itong nakangiti sa kanya. "Masakit pala K."
Tinaas niya ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang luha nito, nasasaktan siya para kay Peter, naging espesyal rin ito sa kanya, he can make her laugh and forget all the pain she's been through, if only.. if only, kaya niyang turuan ang puso niya para mahalin to ay gagawin niya, pero wala sa kanya ang puso niya ngayon na kay -----
*rinnnngggg**rinnnnggggg*
Sabay silang napatingin sa cellphone na nasa bulsa niya, nang ilabas niya ito para tingnan ang caller ay pareho silang napatda.
*VICE CALLING*
Tumingala siya at tumingin kay Peter, kumawala ito sa kanya at nag iwas ng tingin.
"Hello?" sagot niya sa tawag ni Vice.
"Hello? K??" boses sa kabilang linya, at alam niyang hindi si Vice iyon.
"Sino to, nasan si Vice?" nag tatakang tanong niya.
"Si Buern to, Vice is in the hospital."
Napakurap siya . "What??"
"Nadatnan nila sa Vice sa office niya ng walang malay----"
Naputol ang usapan nila dahil hinablot ni Peter ang kanyang Cellphone. Madilim ang mukha nito.
"Pe-Peter.. " pilit na inaabot niya ang cellphone sa kamay nito.
Napanganga siya ng pinindot nito ang END BUTTON.
"What the hell is wrong with you!??" galit na sigaw niya rito.
Tahimik itong napahilamos ng mukha. "I'm sorry.. nawala ako sa sarili ko at .."
"Vice is in the hospital! Wala ka lang bang malasakit sa kapatid mo?"
"Damn him! Alibi lang niya ron para pumunta ka sa kanya, para makuha ka muli niya ---"
"Pano kong totoo, pano kong nasa hospital siya—"
"Hell I care! Kahit wala siya sa hospital , It always gonna be him.. always him!!!"
"Ewan ko sayo Peter, mag usap tayo ulit kong di na mainit yang ulo mo.." wika niya rito at tinalikuran.
Bago pa siya makalayo narinig niya ang patawag nito sa kanya. "Karylle!"
Di niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad.
"I will have my last wish." Sigaw ni Peter.
Napatigil siya at nilingon niya ito, nakita niya sa mga mata nito ang takot at lungkot, dahan-dahan itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Stay with me.." deklara ni Peter.
#ThousandYears
#airanewkulitz
Author's Note:
Oh my God! im baacckkllaa!! may mag nagbabasa pa ba nito? i know binubulok na to because of my mala century na update, i'll try my best na yearly nalang >.< . Please let me know na may nag aabang pa rito, pampagana lang. BTW.. I LOVE YOU ALL. See you ulit sa next update, please bear with me malapit narin to matapos, i'm gonna end it before the year end. Stay tuned sibs,beh!!
BINABASA MO ANG
Thousand Years || ViceRylle Story
FanfictionA story began when AnaKarylle Tatlonghari found out that her father used her to pay for his own debt with his Friend Jose Marie Viceral, a hardened businessman. She has no choice but to Marry him.