i need an advice.............

79 0 0
                                    

Sinumang ang makabasa nito kaylangan ko po ng advice.

Alam ko namang masama ang mainggit sa kapwa lalo na sa kaibigan, ngunit may mga pag kakataon na di mo talaga maiwasan.

Masama ba na mainggit kahit minsan lng? Buong buhay ko ngayon ko lng to naramdaman.  At sa kaibigan ko pa.

this is what happen, kung bakit ko nasasabi ang ganito.

Mula kasi ng malaman ko kung ano talaga ang gusto ko sa buhay hindi na ako nawalan ng pag asa na  darating din ang araw na mang yayari ang pangarap ko. Dahil naniniwala ako na hindi man maipag kaloob sa akin ng Panginoon ngayon ang pangarap ko, pero umaasa parin ako na darating ang araw na sa tamang panahon ang lahat ng gusto ko mang yayari. 

Ano nga ba ang gusto ko sa buhay. Iyon ay ang magin isang Pastry Chef mula noon hanggang ngayon iyon ang pangarap ko. Kaya nung makapagtrabaho ako ay unti unti nakakabili ako ng mga gamit para sa baking. hanggang sa makumpleto ko ang mga gamit na kailangan.  Then bumibili ako ng mga ingredients na kailangan ko tapos nag reresearch ako ng mga recipe tapos magpraktis ako mag isa dahil wala namann akong ganon kalaking pera para makapag enroll sa isang baking school.

Nung una confident pa ako sa sarili ko na kaya ko, then nalaman ng lolo ko ng un ang gusto ko, (nasa U.S kasi si lolo sya ang tumutulong sa amin financially), then sinabihan nya si mama na maghanap kami ng isang school kung saan ako pwedeng makapag aral natumawa ako nun sobrang saya ko kasi sa wakas makakpag aral na ako. 

Pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakapag aral. hindi naman masama ang loob ko sa lolo ko naiintindihan ko naman sya kasi sya rin ang nag papaaral sa dalalwang kapatid ko sa college kaya naiintindihan ko kung bakit di ako makapag aral.

Pero nag patuloy parin ako magpraktise mag bake ng magisa dito sa bahay minsan nag dadala aq sa work ng mga gawa ko tapos pinapatikim ko sa mga kaibigan ko. Natutuwa ako pag sinasabi nila masarap ang gawa. Kaya mas lalo akong naiinspire. 

Then nakausap ko yung isang friend ko sa work sya ang pinaka malapit sa akin sa lahat, dahil halos mag kasing edad lang kami at kami ang laging mag kasama sa pwesto. Nag karron ng time nung nagdala ako ng cake sa work at natikman nya gawa ko. Nag usap kami ng kung ano ano , at dun ko nalaman na gusto nya ding matututong mag bake. Tapos sa tuwing mag kasama kami about sa baking at ang mga cakes ang pina uusapan namin, dahil pareho kami ng gusto. Then biniro ko sya na mag aral kami ng baking sabi ko sa kanya may alam ako. Pumayag naman sya, tuwang tuwa pa nga sya noon, pero sabi ko di muna ngayon kapag may pera nlng tayo. 

The lumipas ang mga araw na nakapag desisyon sya na gusto na nyang mag aral, ako naman ang niyaya nya. Gustuhin ko man pero wala akong pera. Sabi ko sa kanya kung mag aaral man ako ayokong matigil sa trabaho, para may pansuporta parin ako sa pangangailangan sa schol at sa bahay. Hindi din naman kasi biro ang mag aral ng baking, dahil lahat ng gagamitin sa araw araw na pag luluto ay kailangan bilhin, pag nag resign ako saan ako kukuha ng pera para dun. Hindi naman ako kayang suportahan financially ng magulang ko dahil din dalawang kapatid ko ang nasa college.

Ung kaibigan ko kasi mag isang anak lang sya tapos, may isang maliit na negosyo sila at may inaasahang pera sila galing probinya tuwing anihan dahil may sarili silang lupa sa probinsya.

Natuloy syang mag aral, nag resign sya sa work at ngayon ay nag aaral sya.

Hindi naman ako naiingit dahil nakapag aral sya at ako hindi. Naiingit ako kasi noon sa akin lagi sya nagtatanong kung pano gawin ung ganito ano ang mga kailangan para sa ganitong cake, pero ngayon mas marami na syang nalalaman kasya sa akin. Alam ko naman kung bakit gano eh. Pero di ko lang talaga maiwasan.

Masaya ako para sa kaibigan ko na unti-unti na nyan natutupad ang pangarap nya. Inggit lng ako kasi sya malapit na pero ako malayong malayo parin sa pangarap ko.

PASENSYA NA PO SA KA DRAMAHAN KO ...TAO LANG DIN NAMAN AKO NA MARUNONG DIN MAIINGGIT.............hahahahahha....

NOTE:  May part 2 pa po ang Daily Devotion ko kasi po hanggang 200 chapters lng po ang pwede per story..

MY DAILY DEVOTION....part1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon