A Last Day to Remember (Short Story) PART 1

125 4 3
                                    

All rights reserved © 2013 by FrancesAnneInocencio

PART 1

BUCKET LIST:

1. Pumunta sa puntod ni Mama.

2. Manood ng fireworks kasama si Andrew.

3. Sumakay ng jeep, tricycle at bus.

4. Pumunta sa isang amusement park at sakyan lahat ng nakakatakot na rides.

5. Mamigay ng pera sa  lahat ng palaboy na madadaaanan.

6. Kumain ng lunch sa isang simpleng carenderia at street foods.

7. Magsimba kasama si Andrew.

8. Magbisikleta ng eksaktong 5 am.

9. Magpalipad ng kulay dilaw na lobo.

10. __________

“Lucy ano nanamang kalokohan ito?”

Hindi ako makapaniwala sa mga pinaglalagay nya sa bucket list. Dis oras na ng gabi at heto ang napakagaling kong bestfriend sa bahay at nangungulit sa akin na gawin naming lahat ng nasa bucket list nya sa isang araw.

“Sige na Andrew, Please samahan mo na ako.” pilit nya pa rin akong inaalog.

“The hell! Ano itong mamigay ng pera sa lahat ng madadaanan. Nababaliw ka na ba? Eh sa sobrang dami ng palaboy sa Pilipinas baka pati ikaw mamulubi na rin.”

“Grabe ka naman Andrew, sige na please” At nag-beautiful eyes pa ang loko.

“At eto pa, ano itong magpalipad ng dilaw na lobo? Ano ka bata?”

“Ang sama mo.”

“Saka bakit syam lang ito?”

“Secret na muna yung #10. Bukas mo na malalaman. Bakit ba ang dami mong tanong?” Inis na tanong nya sa akin.

“Teka nga bakit ba atat na atat kang gawin ang lahat ng ito? Para namang mamatay ka na ah.” Pagbibiro ko

Bigla naman itong natigilan. Nung tinignan ko sya madali naman nyang iniwas ang tingin nya sa akin.

“Ano bay an para namang hindi ito kaibigan. Simpleng bagay lang ang hinhingi ko ayaw mo pa akong pagbigyan.”

Nakakatuwa talaga itong si Lucy nagkandahaba haba nanaman ang nguso. Nagtatampo nanaman ito sa akin.

Kung hindi lang kita mahal…

“Hoy Lucy, ayan ka nanaman.”

Akin na nga yang journal ko. Bahala ka sa buhay mo” Akmang bubuksan na nya ang gate ng bahay naming ng yakapin ko sya galing sa likod.

“Nagtatampo nanaman ang bestfriend ko.”

Inalis nya ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang nya. Humarap sya sa akin gamit ang malungkot na mata.

“Please Andrew, ngayon lang. Kahit ngayon lang pagbigyan mo ako. Ibigay mo sa akin ang kahit isang araw mo. Yung lang Andrew. Yun lang.”

“Bakit ka ba ganyang magsalita. Pakiramdam ko iiwan mo na ako. May hindi ka ba sinasabi sa akin?”  Seryosong tanong ko sa kanya.

Hindi sya nagsalita. Nung una lungkot sa mata ang makikita mo pero kinalaunan ay nginitian nya lamang ako. At hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

“Ano ka ba. Hindi naman ako aalis eh. Ano ba yang pinagsasabi mo?”

“Hindi mo ko iiwan?”

“Of course I won’t, you silly man!”

“Promise yan ah.”

“Promise. So, ano sasamahan mo na ba ako bukas?”

Nagkunwari pa kong pinagiisipan ang sinabi nya.

“ANDREW!!!!”

Natawa naman ako sa inasal nya.

“Oo na. sasamahan na po kita.” Pagpayag ko sabay kurot ng pisngi nya.

“ARAAAAAY!!!!!!!!!”

“Hahahaha. Sorry na.”

“Andrew naman eh! Ang sakit kaya.”

“Sorry na nga. Nangigigil lang talaga ako sa pisngi mo. Tara hatid na kita sa bahay nyo. At baka mapano ka pa.”

Hinawakan ko ang kamay nya at saka nagumpisang maglakad.

to be continued...

A Last Day to Remember (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon