Chapter Two-2 - Acceptance

8 1 0
                                    

Chapter Two-2 - Acceptance

Miyuki Shane

"You need space kasi nahihirapan ka ng pigilan ang alin? Selos ba yan?"

Hindi ako nakaimik. Sapul ako ron. Kilalang kilala na talaga ako ni Shing.

I'm very sorry, Shing. "S-sorry. Sige na. Uwi na tayo. Bye. Ingat kayo." dali dali na akong umalis at hinila na si Gab papunta sa kotse niya.

Habang nagmamaneho si Gab ay bigla siyang nagtanong. "Ano bang nangyari? Anong meron?"

"W-wala lang yun. Samin na lang yun." sabay ngiti ko sa kanya. Di na siya umimik. Huminga ako ng malalim. Aamin na ako.

"Hm.. Gab, I have something to tell you. Dati pa dapat. But, promise me first na walang magbabago after kong sabihin 'to." seryoso kong sabi. It's a confession.

"Okay, I promise. So, what is it?" Gabby. Itinabi niya muna yung sasakyan sa gilid ng kalsada bago ako magsalita. Kinakabahan ako at the same time buo na loob ko. Tatanggapin ko kung ano man yung sasabihin niya.

Tinignan ko siya sa mata kahit na 'di naman siya nakatingin sakin. "Well, I.. I like you, Gab."

Tinignan ko kung ano magiging reaksyon niya dahil natulala lang siya bigla sa harap. Pero unexpected yung tumawa lang siya ng malakas na parang kala mo nakakita siya ng taong tanga tanga na biglang nadapa. Pero dahil sa curious ako kung bakit nga siya tumawa ng ganun eh tinignan ko rin kung saan siya nakatingin. Wala naman ah?

"HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga, Shane. HAHAHA! Yun lang pala sasabihin mo, kung magseryoso ka naman diyan. Gusto rin naman kita ah? Edi sana 'di tayo naging magkaibigan." sabi niya ng nakangiti pero alam kong alam niya kung ano yung talagang ipinapahiwatig ko!

"Gab.. Alam mo kung ano yung ibig kong sabihin. Don't fool me." Iniiba niya lang para 'di ma-awkward.

Bumuntong hininga siya at humarap sa 'kin. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko at tinignan ng seryoso. "Shane.. Dati pa lang alam ko na. Hindi naman ako manhid para hindi mahalata yung pang- aasar nila sayo sa 'kin. Yung sa mga kinikilos mo pa lang 'pag kasama niyo 'ko. Sa mga tingin mo pa lang sa amin ni Shing at accidentally ko kayong napakinggan na nag-uusap tungkol nga sa may gusto ka pala sa 'kin, nagkunwari lang ako nun na walang narinig. Pero.. Sorry talaga." inalis na niya yung pagkakahawak niya sa balikat ko. Sumandal siya ng maayos sa upuan niya at tumingin ulit sa harap. "I like.. No, not just like. I love someone else.. I'm sorry, Shane.." napayuko naman ako doon. Alam ko naman na ganito mangyayari eh.

Umangat ang tingin ko sa kanya at ngumiti. "Alam ko naman yun eh. Tanggap ko naman. Atleast nakapag confess na 'ko at wala na 'kong dapat pang itago. Pero sht yan," naluluha na ako. "Masakit pa rin. HAHA! Alam ko rin naman na si Shing ang gusto mo. Halata rin naman." iyak-tawa na 'ko. Nakakalungkot lang na yung kaibigan ko pa. Yung pinaka bestfriend ko pa.

"Hindi ko rin naman kasi napigilan eh. Ewan ko ba. Akala ko dati na hindi ako mahuhulog sa kanya kasi may girlfriend ako nun na sobrang minahal ko.. Pero biglang nagbago, biglang nawalan ako ng gana sa relationship namin. Lagi na lang kaming nag aaway dahil kay Shing. Na lagi raw nasa kanya yung attention ko. Isang tawag lang kasi sa 'kin ni Shing, pupunta na ako agad samantalang yung girlfriend ko nun, gagawa pa ako ng excuses. *sigh* Yun pala, mahal ko na nun si Shing kaya naging ganun ako. Pero ako lang yung talo eh. Iniwan ko yung ex-girlfriend ko nun na mahal na mahal ako para sa isang tao na alam kong kahit kailan hindi naman ako mamahalin. Masakit.. Masakit kasi 'di ko maamin. Masakit kasi hanggang bestfriend at kapatid lang ang turing niya sa 'kin. Masakit kasi alam kong may mahal siyang iba at hinihintay niya lang. Ayoko ring masira yung friendship namin kaya okay na yung ganito kaysa lumayo siya sa 'kin." alam kong naluluha na rin siya pero dahil sa lalaki siya, pinipigilan niya lang 'yon.

Broken Strings *On-Going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon