Prologue

22 1 0
                                    

°°°°°°°

Prologue

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko..

Kung ano ang napili ko..

Kasi yun naman ang mas mahalaga 'di ba? Ang maabot ang pinapangarap.

Iga-grab ko na ang opportunity na yun para maging maganda ang buhay ko bukod sa tatapusin ang kursong gusto ng mga magulang ko. At pagka natupad na nga yun, makakasama ko na rin ang taong matagal na nalayo sa akin..

Umaasang hanggang ngayon ako pa rin, at tulad ko, hinihintay niya pa rin ako. Na pinanghahawakin naming pareho ang aming pinangako.

Pero sa naging desisyon ko, may mga nasaktan.

Ang gaga ko naman kasi eh. HAHAHA! Di ko muna iniisip yung mararamdaman ng iba.

Nagpadalos dalos na ako.

Basta desperada na akong makasama muli ang taong mahal ko. Nasaktan ko yung mga taong sobrang mahalaga pa sa akin.

Yung mga pinangako ko sa kanila ay napako na lang.

Di ko naman sinasadya eh.

Sa pagkakamali kong yun, parang unti-unti lang rin na nawawasak ang pangarap ko.

Sana..

Di na lang nangyari to.

Sana..

Isa lamang kaming mga normal na estudyante na mahilig tumugtog.

Masaya, kumpleto at kuntento na kaming magkakaibigan at magtotropa sa isa't-isa.

Ng dahil lang sa napili, sa mga pinangakong di natupad at sa naging desisyon, maraming mababago.

Pero sa bawat problema naman may solusyon 'di ba?

Hayy, ewan..
Di ko na alam kung anong gagawin ko..

Maaayos ko pa ba ito?


°°°°°°°

Bahala na kung may magbabasa pa nito o wala. Hahaha.

Broken Strings *On-Going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon