TY-GA (1)

8 0 0
                                    

-------
"Apo? 6:15 na malapit na ang start ng klase." Nagising ako sa ingay. Kanina pa kasi yun pabalikbalik parang sirang plaka. Teka ano yung sabi ni GrandMom?

"Ano po ulit yun GrandMom?"

Bigla nalang lumitaw si GrandMom. At kaharap ko na sya. Teleportation nga naman.-_-

"alas syete ang klase mo bilang College dito sa Mundo ng Mortal. At alas Sais- akinsi na. Nako, talagang bata ka. Late ka ngayon panigurado."

My gulay! Nakatulog pala ako!! Kumaripas agad ako sa banyo at naligo. Hindi ko na pinansin si GrandMom. Ang sama ko talaga. -_-

few Moments later.

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si GrandMom dun sa mesa na kumakain mag-isa. Asan kaya si Ate?

"Grandmom, asan si Ate? Ba't wala pa sya dito?"

"Nauna na sya, kanina lang."

Ang aga naman yata?

"Ah ganun ba?" Umupo na ako at nagsimulang kumain kasi late na talaga ako.

"Ay oo nga pala apo. Wag kang mag tagalog doon kasi galing ka sa Los Angeles,kuno. At tsaka, magpakabait ka doon huh. Yang kwintas mo ingatan mo yan. At isa pa, Waders ang apilido na ginamit ko sayo,para hindi tayo mahahalata."

"okay, pero saan po ba yung Los Angeles?"

"Ibang bansa iyon."

"Ah ganun po ba."

So, ibang bansa pala iyon. Hmm.

---------

Naglalakad na kami ngayon ni Grandmom sa hallway patungo sa Principal's Office para e register daw ako.

Panay ang bati nila kay Grandmom ng 'Good Morning'. Ano kaya si GrandMom dito?

"Andito na tayo." At pumasok kami sa Office.

"Good Morning, Ma'am Hemedes." at nag smile yung babae na nasa mid 30's ang edad. "So, she must be the Exchange Student from Los Angeles?"

"Yes, her name is Aliyah Waders. Aliyah this is Ma'am Geriam Alfunso the Head of this University."

"Good Morning Ma'am."

"Good Morning too, Welcome to Apolinario's University." At nag smile sya sa akin.

Christian's University pala ang name ng School nato. Yiekks! Excited na akong pumasok sa klase.

"Come with me Aliyah, let's go to your Classroom." Sabi sa akin ni GrandMom. At sumunod na ako sa kanya.

"GrandMom, ano po kayo dito at bakit parang well known ata Kayo?"

"Superintendent ako sa buong distrito dito apo. At hindi na sila nagtaka kung bakit kasama kita, kasi lahat ng Exchange Students ay ako ang assign. At wag mo kong tawagin Grandmom dito huh, baka mabuking tayo." Tumawa si GrandMom. At tumango nalang ako. "Mukhang Nagsimula na ang klase"

"Siguro." Huminto kami sa harap ng pinto. Hindi kami makikita ng nasa loob kasi na harangan kami ng pinto.

"Mag-iingat ka, Hindi kayo Classmate ng ate mo. Iba ang kurso niya. Mauna na ako huh?"

"Okay po." At hinalika niya ako sa pisngi at umalis na sya.

Dahan-dahan akong naglakad sa bukas na pinto. Kinakabahan ako na may halong pagka Excite. Huhuhu. Kaya ko to!

Ang ingay ng nasa loob. Humarap na ako sa pinto at binati ang guro na nagsasalita doon.

"Good Morning Ma'am, sorry I'm late." Huminto sya sa pag sasalita at tumahimik ang students na kanina lamang ay ang lalakas ng boses.

The YVER-Green AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon