ELLE
Alam nyo ba ang pinakamahirap na part kapag nagmamahal? Ang mag-move on. Ang hirap kayang mag-move on sa isang taong naging parte na ng buhay mo. At mas lalong mahirap kung hindi naman 'kayo'. Hindi pa nga kami sobra na akong nahihirapang kalimutan sya...paano pa kaya kung naging kami na?
"Elle, you should see this!" hinila ako bigla ni Ceska at ni Fae mula sa pagkakaupo ko papunta sa bintana ng classroom namin upang sumilip dito.
Magrereklamo pa lang sana ako pero hindi ko na nagawa nang makita ng dalawang mata ko ang pinagkakaguluhan sa corridor. I saw Cathy standing in front of CX. It's like they're making a scene.
"CX, mahal kita! Tanggapin mo ang puso ko kung mahal mo rin ako. Pero kung hindi...hindi na kita guguluhin pa."
sabi ni Cathy habang inaabot ang cake na hugis puso kay CX.Biglang uminit ang dugo ko nang makita ko ang babaeng yan na nagco-confess kay CX. How dare she! Asa syang tatanggapin ni CX ang puso nya. At ang baduy ng confession nya ha! Puso nya...yung cake? Eh itapon ko ang cake na yun eh...makita nya ang puso nya!
Halos lahat ng estudyante sa corridor ay naghihintay sa sunod na mangyayari. And even me...hindi na ako makapaghintay na basted-in sya ni CX. I admit, maganda at matalino si Cathy. PERO mas maganda at mas matalino ako sa pusang 'yan kaya kumpiyansa akong hindi tatanggapin ni CX ko ang pag-ibig nya.
Humakbang palapit si CX sa kanya. At. At. At tinanggap nya ang cake na puso? Nanlaki ang mata ko.
"CX...ibig sabihin tayo na?" excited na tanong ni Cathy.
"Oo Cathy...tayo na!" at yumakap bigla sa kanya si Cathy.
NO WAY! Naikuyom ko ang mga kamao ko at handa ko ng sugurin ang Cathy na yan. Pero pinigilan ako ng dalawa kong 'supportive' na kaibigan. Kinaladkad nila ako pabalik sa upuan ko at hindi nila ako hinayaang makalabas.
"Ano ba? Pinakita nyo sa'kin yun tapos ngayon hindi nyo ako pinapapunta dun?" I said with gritted teeth.
"Para ano? Para ipakita kay CX kung gaano ka ka-desperada sa kanya?" sabi ni Fae.
"We just let you see that para ipa-realize sa'yong kailangan mo ng mag-move on sa CX na yan. Look, harap-harapan ka nyang sinasaktan girl." Ceska even flipped her hair.
"Hindi! Hindi ko kayang mag-move on. Mahal ko si CX at hindi ko papayagang maging masaya sila ng pusa na yun." pinukpok ko pa ang desk ko.
"Elle, kailangan mo ng magising sa katotohanan na wala kang puwang sa puso ni CX. Hindi ka nya mamahalin kailanman man. Ilang taon ka na bang nagpapakabaliw sa lalaking yun...five years?" si Fae ulit ang nagsalita.
"Hindi five...ten years!" pagtatama ko.
Napakapit sa noo si Fae at Ceska.
"Nagpapaka-tanga ka talaga sa kanya Elle!" pinatong pa ni Ceska ang kamay nya sa balikat ko."At panahon na para kalimutan sya Elle. Wala ka ng choice kundi gawin ang 'Gap Plan'." Fae snapped.
"T-teka! Anong 'Gap Plan' ang pinagsasabi nyo ha?"
"Alam mo kung may gusto talaga sa'yo 'yang CX na 'yan...eh 'di sana noon pa man ay kayo na. And to fix this out, kailangan nating gawin ang 'Gap Plan'. Kung nagpapakipot si CX sa'yo...eh 'di magpakipot ka rin!" pagpapaliwanag ni Fae.
Kinapitan ako ni Ceska sa magkabila kong balikat.
"Sa loob ng isang buwan, dapat iparamdam mo sa kanyang wala ka ng feelings para sa kanya. Walang text, walang tawag, e-mail kahit sa fb basta hindi ka mag-i-initiate ng usapan sa kanya. Hindi ka na rin sasabay sa kanya sa pag-uwi. Bawal din pumunta sa bahay nila. At dapat mong palabasing nakalimutan mo na sya. Na hindi na ikaw ang Elle na nagtapat sa kanya ng feelings. Na hindi ka na ang Elle na patay na patay sa kanya."At si Fae naman ang humawak sa akin para iharap ako sa kanya.
"At kapag na-realize nyang unti-unti ka ng nawawala sa kanya...sya naman ang maghahabol sa'yo! Sya naman ang pahihirapan mo. Sya naman ang paaasahin mo."I blinked.
Tumayo ako...
"Tama! Pagod na akong maghabol ng maghabol sa kanya. Kaya panahon na para gumanti ako kay CX!" determinadong sabi ko.
Sampung taon. Sampung taon na pala akong naghahabol sa kanya. Ni hindi ko man lang namalayan na sinayang ko ang sampung taon ng buhay ko para kay CX. Pero mahal ko sya eh. Mahal na mahal ko talaga sya to the point na umasa akong mamahalin nya rin ako.
Actually, close naman talaga kami ni CX eh. Magkababata kami at magkaklase na noon pa man. Palagi kaming magkasama na parang bestfriends na talaga kami. Pero nabago ang lahat simula nang mag-confess ako sa kanya noong first year highschool kami.
***
I can't take it anymore! Kailangan ko ng aminin kay CX ang nararamdaman ko bago pa man ito sumabog. Pumasok ako bigla sa kwarto nya nang hindi kumakatok. And to my surprise...nakita ko syang naka-topless at nakatapis lang ng towel na lumabas ng CR. I think, kaliligo nya lang. Halos mapatalon sya sa gulat.
"Dane, what are you doing here?"
Dane (Deyn) ang tawag nya sa akin. At tanging sya lang ang tumatawag sa akin noon. Danielle (Deyn-yel) kasi ang buo kong pangalan at Elle (El) ang tawag sa akin ng lahat maliban kay CX. I found it special kasi sabi nila mahal ka raw ng tao kung binibigyan ka nya ng palayaw.
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso pero hindi ko pa rin ititigil ang pagtatapat ko.
"CX, may kailangan kang malaman. Mahal kita!" I said without any hesitation.
Kumunot ang noo nya. At alam kong nawe-weird-uhan sya sa ginagawa ko dahil nagco-confess ako sa kanya sa loob ng kwarto nya- habang nakatapis sya.
Napakamot sya sa batok.
"Dane...bakit ngayon ka nagtatapat?""I can't wait any longer. I can't contain my feels. CX, answer me...mahal mo rin ba ako?" lumapit pa ako sa kanya at hinawakan sya sa braso nya.
"Pero...Dane..."
"Pero ano? Hindi mo ako mahal CX?"
"Look. Kailangan ko pang magpalit ng damit kaya lumabas ka muna please?" dahan-dahan nya akong tinulak palabas ng kwarto nya.
"Pero CX, you need to answer me. Mahal mo ba ako?"
"Dane...please?"
"CX, sagutin mo muna ako! Mahal mo rin ba ako?"
"Hindi-"
"Hindi? Hindi mo ako mahal?"
"Sorry...I mean...oo, hindi? Dane, bata pa tayo. Hindi pa kita kayang mahalin."
Napayuko ako.
"Hindi mo pa ako kayang mahalin? Kelan? Kelan mo ko pwedeng mahalin?""Dane, sorry pero kailangan ko na talagang magbihis." and he suddenly shut the door.
"CX! Hihintayin ko. Hihintayin kong mahalin mo ako." sabi ko habang kinakatok ang pinto nya.
***
At gaya ng sinabi ko...hihintayin ko kung kelan ang araw na sinasabi nya. I'm willing to wait until the moment has come for us. Yung araw na handa na nya akong mahalin at suklian ang feelings ko para sa kanya. Pero hindi ko naman sukat akalaing aabot ako ng sampung taon kahihintay sa kanya. Willing naman talaga ako kahit umabot pa sa lifetime pero kasi bigla syang nagbago.
Napansin kong hindi na kami ganun ka-close sa isa't isa. Hindi na kami masyadong nagbo-bonding. Bihira na nya akong i-invite sa bahay nila. Ako na lang ang palaging nangungulit sa kanya. Tapos ang pinaka hindi ko matanggap sa lahat ng pagbabago...ay nang magka-girlfriend sya. Para bang sinadya nyang gawin yun para umiwas ako sa kanya at tantanan sya. Lahat ng nagco-confess sa kanyang babae ay sinasagot nya kaya nagiging sila- gaya na lang si Cathy kanina. Lahat sila tinatanggap ni CX...at ako lang ang hindi! Ang unfair nun 'di ba? Argh! I know he did it intentionally and I can't hate him for that. Mahal ko kasi talaga sya eh. At parang hindi ko sya kayang makalimutan na lang ng ganun.
BINABASA MO ANG
The Gap Plan
RandomThe Gap Plan by:post_it_girl Gagana kaya ang 'Gap Plan' na gagawin ni Elle para makalimutan na nya ang matagal na nyang hinabol-habol na si CX? Pero paano kung mas maging kumplikado lang ang lahat at mas ma-in love lang sya sa paasa at hard-to-get n...