ELLE
Kumuha ako ng ice cream na nasa cone matapos magbayad sa counter. Umupo na ako at agad kinain ang ice cream. Gabi na at andito ako sa ice cream parlor kung saan madalas kaming pumupunta ni CX...dati. Palagi pa nga nya akong nililibre dati eh.
Tumulo ang luha ko. I hate this! Bakit ko ba iniiyakan ang lalaking yun? Walang puso.
Pinunasan ko ang luha ko habang kumakain ng ice cream.
"Umiiyak ka?"
Nagulat ako nang makita ko si CX. Umupo sya sa may harap ko at kinain ang dala nyang ice cream. Teka! Bakit andito ang isang 'to? Don't tell me...sinusundan nya ako? Is it happening now? Ako na ang hinahabol nya?
"Masyadong masarap ang ice cream eh kaya naiyak ako."
Tumango-tango sya. I glanced at him. Sa tuwing kaharap ko sya, naglalaho lahat ng galit, poot at inis ko sa kanya. Makita ko lang ang mukha nya...umaayos na ang pakiramdam ko.
"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?"
Inangat nya ang tingin nya.
"Bakit ko gagawin yun?" he asked as if it was the obvious thing I shouldn't ask.Oo nga. Bakit nya gagawin yun?
"Bakit hindi? Maybe you miss me? Maybe you realized that you love me?"
wala sa sarili kong nasabi.He laughed. Pero yung nakakainis na tawa.
"Pumunta lang ako dito para kumain ng ice cream. At saka pinapasabi ni mama na pumunta ka bukas sa bahay, birthday ni ZK."Ganun? Para lang sa ice cream at sa bilin ni tita kaya sya pumunta dito? Pss.
Pero di bale, bukas na pala ang birthday ni ZK ang bunsong kapatid ni CX. May rason kung bakit ako makakadalaw ulit sa kanila. Na-miss ko sina tito at tito. At talagang hindi nila ako nakalimutang i-invite.
"Sabi mo, masyadong masarap yang ice cream na binili mo? Patikim nga!" nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sya sa'kin at kumain ng ice cream na hawak ko.
Pagkatapos ay tumayo na sya.
"Bukas, huwag mong kalimutan." at lumabas na sya ng ice cream parlor.Habang ako ay naiwang nakanganga sa ginawa nya. Paano nya nagawang tikman ang ice cream ko samantalang kanina ko pa yun kinakain and to be specific...may laway ko na yun? Paano nya yun nagawa? Hindi nya ba alam na parang indirect kiss ang ginawa nya? Hindi man lang sya nandiri sa ice cream ko?
Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang titigan ko ang part na kinainan ni CX. Indirect kiss? Waaaahh!! Kinikilig ako!
At kinain ko na ng walang arte ang tira kong ice cream. Kahit pa maging maamos ang itsura ko, okay lang.
***
Nasa tapat na ako ng bahay ngayon nina CX. Maraming mga bisita lalo na mga bata, mga kaklase siguro ni ZK. Bitbit ko ang isang paper bag na regalo ko. Nakita agad ako ni tita at sinabi nyang pumasok na ako sa loob ng bahay para makakain. Sinunod ko sya at pumunta na nga ako. Inayos ko muna ang suot kong dress. Nag-ayos ako ng konti para kay CX. Kailangan nya akong makitang maganda.
Kakapasok ko lang eh nasalubong ko sya. Napangiti agad ako nang makita sya.
"CX..."
"Buti nakapunta ka." he said plainly.
"Syempre na-"
"CX, kanina pa kita hinahanap!"
At nakita kong biglang may sumulpot na pusa sa tabi ni CX. Cathy? Bakit sya andito?
BINABASA MO ANG
The Gap Plan
RandomThe Gap Plan by:post_it_girl Gagana kaya ang 'Gap Plan' na gagawin ni Elle para makalimutan na nya ang matagal na nyang hinabol-habol na si CX? Pero paano kung mas maging kumplikado lang ang lahat at mas ma-in love lang sya sa paasa at hard-to-get n...