Gap 2

24 0 0
                                    

ELLE

Nauna ng umuwi sina Ceska at Fae dahil magsho-shopping pa raw sila. Inimbitahan naman nila ako but I refused it. Brokenhearted na naman ulit ako. Hindi ko rin mae-enjoy ang pagsho-shopping. Kaya wala akong choice kundi umuwi na lang. Nasa labas na ako ng campus nang makita ko ang dalawa...si CX at si Cathy. Araw-araw ay sumasabay talaga ako kay CX pauwi dahil pareho kaming naglalakad. Pero ngayon mukhang hindi na dahil biglang umeksena ang newest girlfriend nyang may kotse. At saka dapat kong sanayin ang sarili ko para sa 'Gap Plan'.

Napalingon sa'kin si Cathy.
"Hi Elle, gusto mong sumabay pauwi?" nakangiting tanong nya.

Lumingon din naman si CX at tiningnan ko sya. Gusto kong masuklam sa kanya pero hindi ko magawa.

"Oh! Thanks but no thanks. Mas gusto ko pang maglakad eh."

"Pero mas mag-"

"Huwag mo na syang pilitin Cath. Kung ayaw nya eh 'di wag." singit ni CX sa sasabihin sana ni Cathy.

Cath? As in pusa? Wow naman, may endearment agad? At saka bakit sinabi yun ni CX? Hindi man lang ba nya ako yayayain? Hindi ba sya nag-aalala sa'kin? Ganun lang yun? Sya pa mismo ang pumigil kay Cathy sa pagyaya sa'kin? Wow! Just wow!

Pareho na silang sumakay sa kotse ni Cathy. Nakatingin pa rin sa'kin si CX mula sa bintana with his blank expression. Naiinis ako. Talagang iiwan nya ako para kay Cathy? Hindi ko matanggap, ang sakit!

Hindi agad umandar ang kotse kaya nanatiling magkatitigan kami ni CX. Sarado ang bintana kaya sigurado akong hindi nya rinig anuman ang sabihin ko.

"I hate you CX! Hindi na kita mahal! Kakalimutan kita, pangako yan!" sigaw ko sa kanya.

At bigla ng umandar ang sasakyan. Naiwan ako doong nakatayo.

***

I'm walking now in the corridor when I noticed my i.d. Nakita kong andito pa nga pala yung picture ni CX. Nilagay ko ito noon pa para kapag nami-miss ko sya ay titingnan ko lang ang i.d. ko at matititigan ko na sya. Pero pa'no ko sya makakalimutan kung hindi ko ito aalisin. Labag man sa kalooban ko ay tinanggal ko ito. Tiningnan kong mabuti ang mukha nya. Ang gwapo nya talaga!

"Alam kong mahirap gawin pero nakapagdesisyon na ako...kakalimutan na kita CX!"

"Kaya mo?"

Napatalon ako sa gulat nang sumulpot sa tabi ko si CX. Narinig nya?

"Ha? A-ang alin?"

He smirked. No! Mas lalo kang gumwa-gwapo dyan. Mas lalo akong ma-i-in love.

"Ang kalimutan ako." he said confidently.

"Kaya ko. I finally moved on." I gasped.

"I think you can't." mahinahon nyang sabi.

Bakit nya ba sinasabi yan? Eh 'di ba sya nga itong gusto akong itaboy. At ngayong sinusubukan ko ay sinasabi nyang hindi ko kaya?

"Why wouldn't I? I can move on CX. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo." I lied. Sa kanya naman talaga umiikot ang mundo ko eh.

"Well, let's see." at nauna na syang naglakad sa akin habang nakapamulsa.

I frowned. Naiinis ako dahil palagi na lang ganun ang pakikitungo nya sa'kin. Hindi ko alam kung cold din ba sya sa ibang tao o talagang sa akin lang. Alam nyo yun, yung parang ako lang ang laging naghahabol sa kanya. Well, totoo naman. Pero kasi parang napaka-imposibleng ako naman ang habulin nya.

Lumapit ako sa may basurahan at balak ko ng itapon pero hindi ko nagawa. Nanghinayang kasi ako sa picture eh, ang gwapo nya kaya dito. Kaya sa halip na itapon ay sa bulsa ko muna nilagay.

The Gap PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon