chapter 2

10 0 0
                                    

"Hindi ka man lang magtatanong?" He asked dahil mula nung umalis kami sa parking ng condo nya, hindi na kami nag-imikan

"Ano namang itatanong ko? Tsaka, ayokong magtanong sayo kasi ang tino-tino mo sumagot!" *pout*

Napangisi lang sya

"Good. I don't have to explain myself then?"

Medyo light na ngayon yung aura nya unlike kanina. Siguro dahil kasi hindi na sya nakikipag-basag ulo.

As much as I wanted to know everything that happened, I kept my mouth shut nalang. Less talk, less pain.

Medyo kumirot yung sugat ko sa leeg. Gusto ko sanang himasin pero, baka mapansin lang nanaman nya, may mabuo nanamang conversation. Ayokong nakikipag-usap sa taong 'to kasi napakataas ng IQ nya. Nakakahiya! -_-

We reached the school in no time. Inihinto nya yung kotse, at ang akala ko, yun na yung cue ko para bumaba pero, ipinasok nya yung sasakyan hanggang sa loob at itinigil sa open field sa tapat ng entrance hall.

Napatingin halos lahat ng estudyante samin. Abnormal talaga neto.

"Pwede naman kasing dun nalang sa harap ako ibaba? Niloob mo pa? Nakakahiya"

Oo, nasa loob parin kami ng sasakyan nya.

"Eh bakit ba? Anong pakialam nila?"

"Hindi mo ba nakikita kung gano kadaming estudyante ang kukuyog sayo sa pag-trespass mo? Baka nga pati ako kuyugin?" Then I looked away

"Anong gusto mo, i-atras ko to pabalik sa gate at dun ka ibaba, saka ulit ako papasok dito?" Medyo nalito ako "it would make no difference"

"Ano bang sinasabi mo? Bat ka pa babalik kung naibaba mo na 'ko run? Bawal ang outsiders dito!"

Ngumisi lang sya at umiling.

Bigla syang tumingin sakin and the next thing I knew, anlapit na ng mukha nya sakin dahil napansin pala nya ang pagdugo nito ng leeg ko.

"Does it hurt?"

Waaah! My heart's in frantic situation right now. Para akong Tina-tachycardia. Inilayo ko ang tingin ko at umatras ng konti. I cleared my throat para maisip nyang awkward na ang posisyon namin.

Napangiti nalang sya at bumalik sa dating pagkakaupo nya.

"dito nalang ako. Salamat sa paghatid"

"Iris.." sambit nya sa pangalan ko bago ko pa maitulak yung pinto.

"p..pano mo nalaman ang pangalan ko?"

"Iris Santillan"

Nagpanguso sya directing it to my chest na sinundan ko naman ng tingin. Wth?! Akala ko sinisimplehan nanaman nya ako. But then, napahiya ako sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon