Chapter 1

13 2 0
                                    

"Anak, napakalaking karangalan ang makapasok sa paaralang yan. Teka, yang coat mo medyo gusot pa, alisin mo muna at paplantsahin ko"

"Okay na 'to ma. Konting gusot Lang 'to, hindi na mahahalata"

"Hay nakung bata ka! Hubarin mo na't padadaanan ko saglit. Nakakahiya. Alam mo namang puro mayayaman ang mga nag-aaral dun kaya't hindi maaaring magmukha kang mahirap dun" pagrarason nya

"Mahirap naman talaga tayo" I mumbled "aw!" Sabay himas sa balikat ko.

Ang hina na nga ng pagkakasabi ko, ewan ko ba kung anong meron sa tenga no mama, ayun, nahampas tuloy ako

"Oo. Mahirap tayo sa Mahirap pero hindi mo naman kailangang ipahalata. Paano ka makakahanap ng mayamang mapapangasawa mo Kung ipapakita mong Mahirap ka?"

Isinuot sa akin ni mama yung coat para daw do na ulit malukot. Ang arte.

Ewan ko ba sa school na papasukan ko, ang init init na nga dito sa Pinas, kung bakit kailangan ganito pa ang uniform. Coat pa ang gusto?!

Above the knee yung skirt tapos blouse sa pantaas tapos papatungan pa ulit ng coat. Alam nyo yung mga uniform sa ibang bansa? Ganern.

"Gold digger ma?"

Waah! Buti nalang nakaiwas ako kundi nahampas nanaman sana ako ni mama. Ambigat pa man din ng mga kamay nya

"Hindi tayo gold digger!"

"Wala naman akong sinabi na tayo ah?"

"Ganun na rin yun!"

Aalis na sana ako ng makalimatan kong..

"Ma baon ko?"

"Anong baon?"

"Pambiling pagkain. Recess at lunch. Take note, dalawam beses mag-recess dun kasi mayayaman sila"

"Hindi ba libre yung pagkain sa cafeteria? Hindi ba kasama na sa tuition mo yun?"

"Bakit, nagbayad ba tayong tuition ma?"

"Hindi.." medyo litong sabi nya.

He he. Ang totoo pinaiikot ko lang si mama baka sakaling maisahan ko.. hahaha

"Baon ko ma?" Sabay palad sa harap nya

IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon