Prologue

6 1 0
                                    

Lillica's POV:


Shit!!!

Pinapahirapan ako ng bampirang ito. Pagod na ako sa kakatakbo , hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming naghahabulan ang lamig pa naman.

Gumawa ulit ako ng ice ball sa dalawa kong kamay at isa-isa itong inihagis sa hinahabol kong bampira.

Hindi siya tinamaan dun sa unang inihagis ko pero sapol siya sa paa noong pangalawa dahilan para matumba ito sa lupa. Lumapit ako sa kanya.

"Hindi mo ba alam kung gano mo ako pinagod, ang lagkit ko na dahil sa pawis."

Nanghihina naman itong napasandal sa puno at ipinakita lang niya sa akin ang mahahaba nitong pangil.

"Oh shut up,alam kong mas mahaba ang pangil mo kaya wag mo nang ipangalandakan."

Gumawa ako ng isang ice spear sa kanang kamay ko at itinarak iyon sa puso niya. His body stiffened for a moment and slowly turns into ashes na tinangay naman agad ng hangin.

Napaupo ako sa lupang nababalutan ng snow, kinapa ko ang sarili kong pangil.
I really envy those vampires with long and shining fangs. Well for the information of others, vampires don't have the same length of fangs. May ibang maswerte dahil biniyayaan ng mahabang pangil, meron din namang maiigsi like mine.
Mas gusto ko kasi na mas mahaba ang fangs kasi mas cool tingnan but unluckily pinagkaitan ako ng kapalaran.

I sigh, too much for feeling self pity dahil lang sa maiigsi kong fangil.
Tumayo na ako at naglakad paalis, I'm sure na pagagalitan na naman ako ni Professor Canter nito, pang ilang absent ko na ba sa History subject niya? 4? 6? Hindi ko na maalala.

Tumawid na ako sa tulay na naghihiwalay sa Hallsland at Goulet para makarating sa school na pina pasukan ko, ang Malhelm Academy.
It is a school na exclusive lang para sa Elemental at sub- Elemental Nobles na gustong maging Vampire Hunters, magulo ba? We are vampires pero nagti-train kami para humuli ng kapwa namin Bampira.

Well actually Vampires here in Hanoi Region is divided into two groups: the Nobles and Stregoi.
Nobles, well kabilang ako dito. We are the group of vampires na mas minabuting makipag kasundo sa mga tao at protektahan sila, in return, they will provide food for us which is blood of course at the same time hindi rin nila kami pakikialaman sa pagpapalakad namin sa aming grupo as long as wala kaming nilalabag na anumang bagay na nakasulat sa Treaty na napagkasunduan.

We protect them they provide food for us in contrary.

The Stregoi group, well cliché man pakinggan they are the bad vampires. They want to dominate the Hanoi region. Naniniwala sila na dapat maging mas mataas ang mga bampera kisa sa tao, gumagawa sila ng gulo, nagnanakaw, pumapatay (both humans and Nobles) para maipikitang malakas sila. Sakop nila ang two districts ng Calvere.

Nobles and Stregoi are also divided into two types of vampires, ang Elemental at Ordinary.

Elemental vampires possesses elemental and sub-elemental powers: Earth, Water, Fire, Wind sub elemental: Ice, Lightning, Plant and Poison.

On the other hand ordinary vampires are typical vampires with just super strength and speed, wala na.

I'm Lillica Rey Lawson, sub elemental Ice vampire. Nag aaral ako sa Malhelm Academy, 21 years old. Nakatira ako sa District II ng Hallsland.

Hanoi Region is divided into four Areas o city. Ang Uaclair na may tatlong district, Goulet with two districts ito ang Sentro ng Vampire Government at kung saan makikita ang Malhelm Academy.
Next is Hallsland kung saan nakatira ang mga tao at ibang Nobles. May apat itong district at ito ang pinakamalaking city sa Hanoi.

And lastly, Calvere with two districts. Dito nakatira ang lahat ng mga Stregoi o lets just say dito sila nag kukuta.
May mga elemental Nobles na nag babantay sa boundary ng Hallsland at Calvere , bukod pa sa mga militar na ipinadala rin ng mga tao. It is to avoid Stregoi na makapasok sa Hallsland, but in some cases may mangilan ngilan paring nakaka-lusot, we don't know kung pano nila nagagawa iyon. Siguro umiikot sila sa Uaclair o dumadaan sa mga gubat ng Calvere. Well it is the least of my concern, mas pabor nga yun kasi may mapagkakaabalahan kaming mga Hunter.
Actually students are not allowed ,yet, to undergo Hunting missions. Nagkataon na matigas lang talaga ang ulo ko.

Pumasok na ako sa gate ng school it's 9 o'clock in the morning when i check my wrist watch. Sa mga nagtatanong kung nasusunog ba kami sa sikat ng araw? Well the answer is YES. Pero kapag direct contact lang. Winter kasi ngayon sa Hanoi, usually it lasted for 5 months so it means 5 long months hindi magpapakita ang araw. Astig diba? Maliwanag parin naman, kaso hindi lang mag aapear sa langit ang Araw dahil natatabunan ito ng makakapal na ulap.

9 am ang klasi ko sa Combat Fighting. Dumiritso na ako sa Gym ng Malhelm.

The Academy is compose of two building ang New at old. Ang old building ang ginawang dorm ng mga estudyante ,while ang new building naman ang ginagamit bilang classrooms.

Pumunta ako sa likod ng new building kung san makikita ang gym. Wala nang mga estudyante sa labas, maybe classes already started.

Absent na nga ako sa First subject mukang male-late pa ako sa second. Pero ok lang mabait naman si Mr. Laurier.

MALHELM ACADEMY : School Of Vampire HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon