Chapter 5: Intruder

2 0 0
                                    

Lillica

Dumiritso lang muna kami ni Lorraine sa Mess hall para makapag hapunan pag balik namin galing sa pagto-tour na ginawa kanina.
Hindi narin namin nilibot ang Westville dahil wala din namang special sa girls dorm, and I know na malalaman din naman niya katagalan ang mga pasikot-sikot dito.


After we eat ay umakyat na kami sa kwarto. Masyado talaga sigurong napagod itong kasama ko kaya pagpasok palang ay dumiritso na sa kama nito at natulog, ni hindi na nagawang magbihis pa.
Ako, I'm not feeling sleepy yet. Nagbihis nalang muna ako at lumabas sa balkonahe para magpahangin.

1st month palang ng winter dito sa Hanoi Region, it means may 4 months pang natitira. Kung wala lang sigurong mga poste ng ilaw sa paligid ng Malhelm, malamang wala ka nang makikita na kahit ano sa sobrang dilim. Maging ang handog na liwanag ng buwan ay ipinagkait nito sa kanyang nasisilayan dahil sa makapal na ulap na tumatabing roon.

Kumuha ako ng isang makapal na jacket, balak kong maglakad-lakad muna sa paligid. Walang snow ngayon pero nababalot parin ng yelo ang paligid, maging ang field ay hindi makikitaan ng nakalitaw na damo.

Naglakad na ako papunta sa likod ng Old building, gusto ko kasing ikutin ang Green house. Ito yung part ng Malhelm kung saan makikita ang ibat-ibang uri ng tanim, in other words it is a Garden.

Green house is a large area covered with a glass housing, kung kaya't hindi nakakapasok ang snow sa loob. Gumawa ang school admin. Ng artificial Sun para masupplyan parin ng init ang mga tanim na naririto, main component ng artificial sun syempre ay apoy. Para iyong malaking bombilya ng concentrated flames.

Dahil hindi naman totally close ang area ay nakaka-circulate padin naman ang fresh air, may mga built in na port holes kasi sa bawat gilid ng glass housing.

Sa loob naman ng Green house ay may mga helera ng study sheds at tables na pwedeng gamitin ng mga estudyante for studying o kahit tambayan during free time.
Umupo muna ako saglit sa isa sa mga sheds na naruruon, 11:45 na pala ng gabi.

"Hindi ko inaasahan ma may gising pa palang bampira sa lugar na ito sa ganitong oras ng gabi."

Lumingon ako sa taong nagsalita mula sa pinto ng Green house.
Isang lalaking maputi, may katandaan na ang itsura nito. Mahahalata mo ang kulubot sa kanyang mga noo at gilid ng magkabilang mata. Nangilabot naman ako dahil itim ang mga mata nito. Malaki rin ang pangangatawan nito dahil bumabakat sa suot nitong polo.

"Sino ka?"

Nakakaramdam ako ng kaba, madami na ang nakita kong kapareho niya kayat' alam na alam ko kung anong klasi siyang bampira.

Stregoi....

"You don't have to know ija, bumisita lang naman ako para lang naman makita ang aking minamahal na alma matter."

Ngumiti naman ito ng nakakaloko. I got goosebumps sa ginawa niya. Itim na itim parin ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
Tumayo ako at gumawa ng ice daggers sa magkabila kong kamay.

"Anong kailangan mo dito?"

Tinapangan ko lang ang boses ko, nararamdaman kong hindi siya basta-basta. His presence makes me shiver.
Tumawa naman ito ng malakas nag echo ang sound nun sa buong paligid.

"Why so rude ija, Ganyan ba kayo mag accommodate ng mga bisita dito?"

"Visitor is different from an intruder."


Tumawa ulit ito ng malakas. Baliw ba siya?
Agad kong inihagis sa diriksyon nito ang dalawang dagger na hawak ko, pero bago paman iyo tumama sa kanya ay bigla nalang itong naglaho.

"Sinong Pinatatamaan mo dun ija?"

Kinilabutan ako bigla, hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa nakatayo ito halos ilang dangkal lang ang layo sa gilid ko.
Out of reflex ay tumalon ako paatras para makalayo sa kanya.
Shit, he's fast.
Umupo naman ito sa upuang inoccupy ko kanina.

"Pano nakapasok ang isang tulad mong Stregoi dito?"

"It's not important anymore ija, hindi rin naman ako magtatagal. I just came to check if they are running this place well, and as far as I've seen mukhang maganda naman ang pamamalakad nila."

Tumingin ulit ito sa akin, ngunit wala na ang itim nitong mga mata bumalik na sa orihinal. Ano bang pakay ng isang to, at naguguluhan din ako sa mga sinasabi niya.
Pero hindi na mahalaga yun, stregoi parin siya and I need to finish him.
Gumawa ako ng malaking bolang yelo sa kanang kamay ko at inihagis yun sa direksyon niya.

Nang malapit na ang bolang inihagis ko ay bigla nalang ito naglaho.
I was shocked, panong?
Bakit nawala, anong nangyari?

"Sa state mo ngayon ija, kahit mahawakan o matamaan ang dulo ng buhok ko ay hindi mo magagawa. Don't worry this will not be my last visit here. Try your luck next time Ms. Lawson"

After saying those words ay naglaho na ito. Inikot ko pa ang tingin ko sa paligid , pero wala na talaga even his presence is gone.
I felt a certain jolt of annoyance dahil sa mga sinabi niya, para narin niyang pinalabas na I'm far weaker compared to him.
And how the hell did he know my last name.

Sino ba yun?
Bakit niya ako kilala?
Anong ginagawa ng isang katulad niya sa Malhelm?

Ang daming tanong sa isipan ko.

Minabuti ko nalang na lumabas na sa garden at maglakad pabalik sa dorm.
Panong ang isang tulad niya ay nakapasok sa Malhelm? Ito ang unang pagkakataon na may nakapasok na Stregoi sa school. Dapat ko ba itong ipaalam sa Head master?

"Bakit gising kapa ija?"

I was taken aback ng biglang lumitaw si kuya guard sa harap ko.
Napatingin naman ako sa kanya, should I tell him about what happen?

"Ah, wala po. Naglakad-lakad lang saglit hindi kasi ako maka tulog."

I think this is not the right time para ipaalam ko ang bagay na ito. Gusto ko munang mag imbistiga kung sino ang bampirang iyon.

"Ganon ba? O siya sige bumalik kana sa dorm mo at gabi na din."

Tumango naman ako sa guard at umalis na.
Sa pagkakaalam ko ay isa ring Vampire Hunter ang guard nayon ng Malhelm,nakalimutan ko lang kung ano ang pangalan niya. Kung hindi niya alam na may nakapasok, ibig sabihin lang nun ay hindi dumaan ang stregoi na iyon sa gate. Imposible ring umakyat ito sa pader dahil merong magical barrier na nakapalibot sa buong Malhelm.

Binilisan ko nalang ang paglalakad papuntang dorm. Tumalon na ako sa may balkonahe ng kwarto namin pagdating sa tapat ng West ville. Tulog na tulog na ang kasama ko na nakabaluktot pa sa pagkakahiga sa kama.

Hinubad ko ang suot kong jacket at humiga na sa kama. Napaisip ulit ako, sino nga kaya ang stregoi na iyon? Hindi ko maitatangging malakas siya.

Merong parte sa utak ko ang nagsasabing pamilyar sya sakin pero di ko maalala kung yung itsura ba o yung boses.

Sa kakaisip ko at kaka halukay ng mga past memories ko ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MALHELM ACADEMY : School Of Vampire HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon