Chapter 4: Tour

8 0 0
                                    

Lillica

"Natural ba yang mata mo Lorraine? Ngayon lang kasi ako naka kita ng bampirang ganyan ang mata"

Narinig kong tanong ni Grimm sa babaeng kasama namin. Nasa likod ko silang dalawa dahil mas nauna akong naglalakad. Umakyat kami sa 10th floor ng new building, naisipan ko kasing unahin nalang sa taas para hindi na kami umakyat ulit mamaya.


"Ah hindi , contact lenses lang yan. Nasanay na kasi ako mag lagay ng ganito eh, mas cool tingnan."

Sagot naman ni Lorraine. Mukhang magkakasundo silang dalawa.

"Ok ito ang rooftop Lorraine, this is my favorite place in Malhelm kaya mas inuna ko to."

"Seriously Rey? I didn't expect na pati sa rooftop ito-tour mo tong si Lorraine."

Tinaasan ko ng kilay si Grimm, napaka panira din nito minsan eh.

"No it's ok , maganda nga dito eh and I'm glad na pinakita saakin ni Rey ang lugar na ito. Napaka peaceful ng lugar mas masarap mag self training dito, walang disturbance."

"Oh sasagot kapa Mr. MCcanter"


Tumawa lang naman ang huli, tss baliw talaga.
Aftet namin sa rooftop ay bumaba na kami.

"Ang 10th floor ng New building hanggang 5ft floor ay puro lang classrooms. For lecture kasi yun, every subject may Lecture and laboratory or Actual."

Hindi naman kasi ako masyadong marunong mag explain kaya sa ibang bagay ay si Grimm na ang nag paliwanag. So after namin ituro sa kanya lahat ng mga rooms na naka indicate sa schedule niya ay bumaba na kami sa 4th floor di rin kasi kami pwede magtagal dun sa mga floor na ongoing pa ang mga class.

"Ok dito sa 4th floor naman makikita ang simulation rooms, we have 5 rooms para sa actual ng Power wielding. All rooms are equipped  with high-tech facilities na denivelope ng mga tao, at the same time ang mga walls ng bawat room ay may anti magic component kaya hindi ito basta nasisira."

Si Grimm po ang nagsasalita, hindi ako. Nakikinig lang din ako sa kanya habang nag eexplain kay Lorraine. Diba nga sabi ko medyo wala akong alam sa mga ganyan.
Sa third floor naman kami dumiritso pagkatapos namin busi-siin ang mga Simulation Rooms, ginagamit kasi ang tatlo kaya isa lang ang napasok namin, at dahil hindi naman kami marunong mag operate sa mga equipments doon ay di narin kami nagtagal.

"3rd floor is divided into two large rooms, ang gym kung saan pwede ka mag work out para ma enhance ang body mo. Ang isa naman ay ang training room, kahit sino pwede sa training room. Same as the simulation room, fitted with high-tech equipment din ito, may anti magic na walls and may ibat-ibang weapons rin na magagamit sa loob."

Tango lang naman ng tango itong si Lorraine habang nag e-explain si Grimm. Papunta kami ngayon sa Training Room. Sumilip kami kanina sa Gym , maraming nag wo-work out sa loob nun kaya hindi rin kami nagtagal at tsaka mukhang hindi rin naman interisado itong itinu-tour dun.

Pagpasok namin sa training room ay isang dagger ang agad bumungad sa amin, tumama at tumusok iyon sa pader na halos ilang dangkal lang ang layo sa ulo ni Lorraine. Nakita ko ang panlalaki ng mata nito , halatang kinabahan siya sa nangyari.

"Im so sorry, ok kalang ba? Nadaplisan kaba? Sorry hindi ko sinasadya."

Tanong ng isang maliit na babaeng lumapit kay Lorraine. Sa kanya siguro galing yung lumipad na patalim.

"Hindi ok lang , hindi naman ako tinamaan. Buti nga napansin ko kaya nakaiwas agad , pero kinabahan ako dun ah.."

Umalis na yung babae sa harap namin. Nagulat naman ako sa sinabi ni Lorraine, naiwasan? How come?

"Ang bagal mo talaga,kahit yung pag ilag ni Lorraine sa dagger hindi mo napansin? Tsk tsk."

Bulong saakin ni Grimm na sinamaan ko lang ng tingin. I looked at Lorraine again, I still wonder how did she dodge that? Halos kakapasok lang namin ng room ah and we didn't even expect that one to happen, ganon ba kabilis ang reflexes niya?

"Ang astig pala dito sa training room. Sigurado mapapadalas ako dito."

Mukhang nawala na ang naramdamang kaba nito kanina dahil back into her jolly mood na siya. Nag stay lang kami saglit dun sa loob at nanood sa mga nag ti-training. Ipinakita narin namin sa kanya ng ibat-ibang uri ng weapons na nasa loob.

Pag labas ay dumiritso na kami sa ground floor, alam narin naman niya kung anong meron sa 2nd floor dahil dun kami kanina nag demonstration sa Precision and Aiming with Ms. Calvet.

"So dito sa ground floor ng New building makikita ang faculty room, ang receiving area and Detention room. Ang detention room ay may anti magic na atmosphere at the same time my silver component ang walls don kaya makakaramdam ng panghihina at powerless ang mga maipapasok sa loob. So be ware, siguro naman na inform kana about school policies diba?"

"Yeah, Kasama nayon sa ginawang briefing saakin kaninang morning."

"Ok good, so next stop natin ay sa labas."

Ano ba yan nakakapagod na ang paglalakad. Wala din naman akong ginagawa eh. Papunta na kami ngayon sa Gymnasium ng acad na nasa likod ng new building. Marami narin kaming nakikitang mga estudyante sa labas, maybe tapos narin ang mga klasi nila 4 pm na din kasi. Inabot din pala kami ng 1 hour sa New building palang.

Pagdating namin sa Gymnasium ay on going pa ang klasi ni Sir. Laurier sa ibang estudyante niya. Nag decide naman ang dalawa na umupo nalang muna saglit at manood sa mga nag a-actual sa Combat Fighting. Pagkaupo namin sa bench ay agad na nagdal-dalan ang dalawa,kung anu-ano lang naman ang pinag uusapan.

Nanood nalang ako sa mga nag lalabang mga estudyante.
Sa Malhelm pag dating mo sa 4th year ay magkakaruon na kayo ng mga field missions kung saan actual hunting na ang gagawin. Bali whole school year mong gagawin yun, you'll be sent to special missions. Hindi lang naman hunting ang ginagawa ng mga Vampire hunters, minsan nag s-spy din sila, personal guard ng mga matataas na tao like politicians and elite personalities na walang mapagkagastusan ng pera o kaya takot mamatay kayat nag ha-hire ng mga hunters. Yung iba nag t-train ng mga tao sa martial arts at iba pa.

Nasa 3rd year na kami ni Grimm ngayon. Isang taon nalang masasabak na rin kami sa actual missions. Yun lang talaga ang pinaka hihintay ko. Gusto kong maging katulad ng daddy at mommy ko na parehong field hunter noon, pero simula ng dumating ako ay iniwan na nila ang field missions at naging private PSG nalang ng pangulo ng mga tao.

Napatingin naman ako sa dalawa kong kasama na halos hindi na maubusan ng pag-uusapan.

"Hey you two, tara na marami pa iikutin at pupuntahan natin"

Tumayo na ako at nauna nang naglakad sa kanila.


Halos 6 pm na ng matapos naming e-tour si Lorraine. Tinapos na namin ang pag iikot ngayong araw para wala ng part two pa bukas. Mukhang satisfied naman na ang bakasyunista naming kasama dahil tuwang tuwa na sa mga nalaman tungkol sa Academy.

Dahil dadaanan narin naman namin ang Eastville ay nakisabay narin sa pag uwi saamin si Grimm.

"Bye Grimm , thanks nga pala kanina huh. Good night and see you tomorrow"

"You're always welcome , Good night rin sa inyo. See you tomorrow"

Nagkawayan lang ang dalawa at pumasok na sa loob si Grimm.

"Nakakapagod naman, ang laki pala talaga ng Malhelm"

Tumingin ako sa kasama ko. Naiisip ko parin ang nangyari kanina sa training room, talaga bang mabagal ang reflexes ko? Ano bayan mukhang kailangan ko pa talaga mag training. Dapat focus na ako ngayon sa stamina at agility training. Wala naman na akong problema sa intelligence training ko. Strength ok na din dough need ko pa talaga matuto ng combat skills and techniques. 

"Oi Rey, tulala kana diyan? Tara na dali gutom na ako."

Nagulat naman ako ng tinawag ni Lorraine, hindi ko napansing napa hinto na pala ako sa paglalakad.
I sight, step by step lang muna Lillica Rey maa-achieve din natin lahat ng mga yan.

MALHELM ACADEMY : School Of Vampire HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon