Wattpad University Featured Writer of the Week
(April 27 2016 - May 3 2016)
Angelica Dalton Lorenzo
@imnaomi0828
13 years old from Pampanga
"Writing is not about fame. It's about you and your passion."
- imnaomi0828
Sinimulan ko ang pagsusulat ng kwento noong bata pa lang ako at sa likod ng notebook ko ito nilalagay. Habang nagtuturo ang guro namin, nakasalampak ako sa sahig at doon gumagawa ng love story ng kaklase ko. Paguwi sa bahay, notebook pa rin ang kaharap ko. Patuloy lang sa pagsusulat ng kwento tungkol sa love story namin ni L (Kim Myung-Soo). Noong nagsimula na akong magsulat sa Wattpad, palagi na akong pinapagalitan ni Mama. Baka daw kasi malaglag ako sa Top 1, na nangyari na nga. Dahil simula noon hanggang 3rd Grading, naging Top 2 na lang ako. Pero dahil sa pagmamahal ko sa Wattpad, nagpursige ako kahit na itago pa ni Mama ang phone ko. Ilang beses akong huminto sa pagsusulat dahil sa pagtutol ng magulang ko pero ipinangako ko naman sa kanila na hindi masasayang ang hirap nila para sa akin.
~*~
Angelica Dalton Lorenzo discovered Wattpad since Grade 5. She continues to read stories in Wattpad until now because of the story written by HaveYouSeenThisGirl, Diary ng Panget. Her inspirations are her family, her readers and God. She prefers peaceful place to write her stories alone. Angelica puts herself in every character of her story.
Stories
1. The Gangster Queen: Empress
Sa mundong puno ng dilim ang kanyang ginagalawan, hindi niya alam kung sino ang totoong siya. Kung ano ang totoo sa hindi. Kung nasaan ang liwanag sa dilim. At kung ano ang mabuti sa masama. Sa madilim niyang mundo ay may taong darating para maging bituin para sa kanya. Ngunit paano na lang kung ang taong ito na naging dahilan ng maliwanag niyang mundo ay siya ring dahilan kung bakit naging madilim ito?
2. The Childish Gangster
Anong gagawin mo kung makabunggo mo ang isang childish na babae na mahilig kay Barbie at may pasak na lollipop sa bungaga? Babaeng kahit kailan hindi mo magugustahan. Ang babaeng bigla ka na lang sasabihan nang "Kuyang Pink, pwede po bang padikit ng labi ko sa labi mo para maging pink?"
3. Mahal Kita (One Shot)
Mahal kita-isang salitang madaling bigkasin ngunit mahirap gawin.
Mahirap talaga lalo na kung ang akala mong mahal ka niya ay isa lamang panaginip.