5. SofieTerryRed

43 3 0
                                    



Wattpad University Featured Writer of the Week

(June 3 2016 - June 9 2016)

Sofia Terry Red B. Cruz

@SofieTerryRed

18 years old from Oriental Mindoro

18 years old from Oriental Mindoro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Write from the bottom of your heart, up to your wide imagination."

-SofieTerryRed


Noong bata pa ako, galit ako sa libro. Makakita pa lang ako ng libro, feeling ko inaantok na agad ako. Wala rin akong hilig sa pagsusulat kasi panget ang hand writing ko. Nabwi-bwiset lang ako kapag nakikita ko ang handwriting ko. So yes, never pumasok sa isip ko na maging writer.

First year high school ako nang tumira ako sa Cavite para mag-aral. Doon ko nakasama ang Lolo ko na isang dakilang bookworm. Psychology graduate siya at isa siyang wide reader. Siya ang nagbukas ng pintuan sa akin, sa larangan ng pagbabasa at pagsusulat.

Tanda ko pa nga, sa tuwing uuwi ako galing eskwela, meron siyang nakahanadang papel na nakapaskil sa reff namin. Doon nakasulat ang listahan ng mga libro at pages na babasahin ko. Hindi niya ako hinahayaang manuod ng TV o humawak ng cellphone hangga't hindi ko tapos basahin ang mga pinababasa niya. Tho, academic books naman ang mga iyon. Para kasing teacher ang Lolo ko, ituturo pa lang sa amin ng teacher ko 'yong subject, two months advance na ang reviewer na handa niya para sa akin.

Pero dahil doon, mas lalo ko lang kinainisan ang pagbabasa at pagsusulat. Nagrebelde ako to the point na tinatak ko sa isip kong hindi ako magiging writer tulad ng talentong nakikita niya sa akin.

Noong mag-second year high school ako, pinabalik ako sa Oriental Mindoro. Naging favorite ko iyong teacher namin sa English at isa siya sa nagsabing may talento ako sa pagsusulat. Ginawa niya akong script writer ng role play namin at pinalad kaming manalo.

Third year, nakilala ko ang mundo ng Wattpad. Na-addict ako sa pagbabasa to the point na na-engganyo akong magsulat. Una kong isinulat na libro ay, Ako + Si Crush = One Sided Love.

So far, naging maganda ang feedback ng mga readers kaya doon na nagtuloy-tuloy ang pagiging writer ko.

Fourth year high school naman ako nang maisipan kong maging staffer ng aming school newspaper. Katulad ng iba, nakaranas rin ako ng rejections. Hindi ako natanggap pero isang araw, pinatawag ako noong teacher na incharge sa aming school newspaper at binibigyan ako ng second chance. Pinagpasa ulit ako ng balita at dahil doon natanggap na ako bilang school journalist.

Starting that day, nagtuloy-tuloy na ang career ko sa pagsusulat. Sumali ako sa iba't ibang writing contest. Noong una, lagi akong natatalo. Pero hindi ako sumuko. Ginamit kong batayan sa pagsusulat ang feedback sa akin ng mga judges para ma-improve ako. Hanggang sa naranasan ko ng maging runner up at minsan winner. Pinalad ring mapasama ang story ko sa isang one compilation ng isang publishing house. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ako sa pagsali ng sa mga writing contest. Sumasali ako para mas mahasa pa ako lalo.

WU Featured Writer of the WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon