Chapter 1

3.7K 111 0
                                    

**Samantha Louise**

Di ko na mabilang kung ilang hikab ang nagawa ko pero antok na antok na talaga ako. I'm still here in the office to finish some work pero di ko na ata kaya pang magtrabaho.

My head hurts and my body's aching. Gusto ko nang mahiga pero mukhang magtatagal pa ako ng ilang oras dahil sa report na di ko pa rin natatapos.

"Lou, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Jen, isang Pilipinang officemate ko, nang mapatigil sya sa harap ko. "Ikaw na lang ata ang nandito sa floor natin. Ipagpabukas mo na yan."

"I can't." reklamo ko. "Hinihingi na to saken ni Mam Sheena. Baka mapagalitan ako kung di ko pa mapapasa sakanya ngayon."

"Ganun ba? O sya, mauna na ako sayo. As much as I wanted to stay and help you, di pwede. Mapapagalitan ako ng asawa ko. Alam mo naman. Six months pa lang ang baby namin." anito

"Yeah sure. Okay lang. Kaya ko na to."sagot ko. Hinintay ko muna syang mawala sa paningin ko bago itinutok ang atensyon sa monitor ng computer.

Nag-stay pa ako sa opisina ng halos dalawang oras bago ko nai-send ang files sa boss ko. Actually, pwede namang maipagpabukas ang mga reports na to kaya lang ayokong may masabi na naman ang mga kasamahan ko. May mga pagkamaduming-isip din kasi ang ilan sa opisinang ito. Madalas nga ay ako ang laman ng mga yun. Hay, kung alam lang nila. Kung di lang dahil sa malaking sweldo at benepisyo, baka di na din ako nagtagal dito.

Yeah right. Tell that to the marines Sam. bulong ng isip nya. Ang totoo nyan ayaw ko nang lumipat ng trabaho. Mahirap nang humanap ng kompanya na tatanggap saken. Lalo pa at nasa ibang bansa ako. I'm lucky to have this one. Ayaw ko nang magbakasakali pa.

Nang matapos ang report ay nag-ayos na ako ng gamit at lumabas ng gusaling iyon. Sinalubong ako ng lamig ng hangin. Iba talaga ang simoy ng hangin dito kesa sa Pinas. Sobrang lamig dito lalo pa't winter na. Pero ayos lang, nasanay na din naman ako lalo sa ilang taon kong pamamalagi ko dito.

Gaano na nga ba katagal? Apat? Lima? I already lost count. But everything seems like only yesterday. Sariwa pa sa alaala ko kung bakit ako napunta dito. Kahit anong pilit kong kalimutan. I just can't. That time was so memorable that it haunts me every night.

"You're out late again Lou" ani nang isang boses sa likod ko. Lumingon ako para makita ang nakangiting mukha ng matandang gwardya ng building namin, si Mike.

"Yes Mike. I need to finish something before going home" ngiti kong tugon.

"Same old reasons Lou. Just be safe on your way, okay?" he said with a smile.

"I will. I better keep going. See you tomorrow old man." I said as I wave him goodbye.

Nagsimula akong maglakad, ngunit ramdam kong may nakamasid sa akin. I turned around but saw nothing suspicious. May mga ilang tao pa naman skong kasabay at mukha namang busy sila sa kani-kanilang ginagawa.

Naglakad pa ako ng ilang kanto hanggang sa marating ko ang maliit na apartment na inuupahan ko. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay naramdaman ko na naman na may tao sa likod ko.

Huminga ako ng malalim at lumingon. "James, lumabas ka na dyan." nilakasan ko ng konti ang tinig ko para marinig iyon ng lalaking alam kong kanina pa ako sinusundan.

Lumabas naman ang isang mid-thirties na lalaki "Sorry Miss." nakayukong sagot nito. "Siniguro ko lang po na nakauwi na kayo. Mahigpit pong bilin sa akin ang kaligtasan mo"

"I'm fine. Umuwi na kayo. You've been following me the whole day. I'm safe here."

"Wag po kayong mag-alala. Hindi po namin kayo iistorbohin. Magbabantay lang po kami." Anito at tumalikod na para sumakay sa isang kotse sa di kalayuan.

He's Mr. PossessiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon