His Innocent Seductress [8]

1.2K 27 10
                                    

 how many time, are you gonna take it? -leona lewis

_____________________________________________

Parang matutunaw na ako sa mga titig niya. Anak naman kasi ng kamalasan eh. Pano ba niya nalaman ang bahay ko? Wala pa naman akong kasama.

''UMALIS KA NA LANG BAGO PA AKO TUMAWAG NG PULIS!!!''banta ko sa kanya. Pero nanlalambot na ang tuhod ko.

Halos mapako na ako sa kinatatayuan ko. Bakit ba hindi ako makagalaw.Humakbang siya papunta sa direksyon ko.Pakiramdam ko ang bigat bigat ng mga paa ko. 

"at ano naman ang ikakaso mo sakin? emm?'' Bahagya siyang nagsmirk.

''Trespassing!!! kaya umalis ka na!!''

''don't worry di ako magtatagal, Gusto ko lang ipaalala sa makitid mong utak that you owe me''

Nilagpasan niya ako at dumiretso na sa pinto papalabas ng kwarto ko.

''oh I forgot, My dinner ang family ko bukas. Kaya be ready''

Yun lang ang sinabi niya at ayun umalis na rin

_____________________________________________________

Naiinis na talaga ako. Bakit kailangan pa niya akong pagsuotin ng ganitong klaseng damit eh komportable naman ako sa damit ko. Isang pink na cocktail dress ang suot ko ngayon. Ang iksi nga eh. Tapos backless pa. Nakakailang.

''can you stop that!'' saway niya sakin. Nasa loob kasi ng kotse niya ngayon. Kanina pa ko binababa yung damit kaso hanggang hita lang talaga siya. Hindi maabot yung tuhod ko.

''hindi ako mapalagay eh''

''you'll get use to it''  naiirita niyang sabi sakin habang yung konsentrasyon niya nasa kalsada pa rin

.

''makisakay ka na lang sa mga sasabihin ko!''

''ah. sigurado ka ba?''

''oo. marunong ka din naman sigurong mag isip ano?''

Ang lalaking to... UGHHHHHH

''oo naman. Ano ba talaga ang utang ko sayo?''

''alam mo na kung ano yun. . ''

''pero di ba pumayag naman ako na bayaran ka!''

''may pera ako''

''hindi mo kas-----------''

''Shut UP!!!!!!!!!!!!!''

''ayoko , hindi mo ako pagmamay ari!''

''fine!!!''

inihinto niya ang sasakyan.

''BABA!!!''

Tiningnan lang niya ako ng seryoso.Nakakatakot talaga siya magalit

''ano?''

''ang sabi ko baba!!!''

''ahhh di ko alam kung saan to!''

''so makisama ka. and pwede ba tumahimik ka kahit ngayon lang!''

Ilang oras din yung byahe. Tapos nakarating na rin kami sa isang resort.Grabe ang lawak ng lugar.

''just act normal para di sila matakot sayo''

Inirapan ko na lang siya, Gumigising ang sama ng ugali ko pagdating sa taong yun.

Sumunod na lang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin kahit nakatalikod siya ang kisig pa rin.Wag lang siyang humarap. Ang suplado eh.

''pwede ba bilisan mo!!''

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon