His Innocent Seductress [1]

2.6K 14 4
                                    

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?.Ang bigat bigat ng katawan ko.Hindi ako makagalaw.Nasan ba ako?

Hindi ko maibukas ng tuluyan ang mga mata ko dahil sa hilong nararamdaman ko.Pero nagawa ko pa ring ilibot yun sa paligid ko.Puting kisame.Yun lang ang tanging naaaninag ko.

Nahihilo ako.Tulungan niyo ko!

‘’Mitchelle!wake up!’’

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses nay un.Pero parang pamilyar sakin.

‘’Mitchelle!!!’’

‘’na-nasa-----‘’sa sobrang panghihina ng katawan ko yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Naramdaman ko na lang ang pag angat ng buo kong katawan sa kinalalagyan nito.Tanging mga yapak lang ng mga paa ang naririnig ko.At ang mga naglilinyahang ilaw sa bawat kisameng nadadaanan ko.

‘’Nurse!!!’’

Narinig ko na naman ulit ang boses niya.Gusto kong tingnan kung sino ang nagmamay ari ng boses nay un pero ang hugis lang ng mukha niya ang napipinta sa mga mata ko.

Dumadami na ang taong nakapaligid sakin.Marami silang sinasabi kaya wala akong maintindihan.May kaunting kirot akong naramdaman mula sa kanang kamay ko.

Nagising na lang ako bigla sa isang kwarto sa isang ospital.

Nilibot ng mata ko ang buong kwarto.Nakita ko si mama na natutulog sa gilid ng kama ko.Ano bang nangyari.Kagabi lang maayos naman ang lahat ah.

‘’anak gising ka na?’’nag aalalang tanong ni mama.Sabay hipo niya sa pisngi ko

‘’ma?ano bang nangyari? Bat ako nandito?’’

‘’anak’’ tapos yumuko siya

‘’muntik ka ng mapagsamantalahan kagabi’’

Nagulat ako nung sinabi niya yun sakin.Wala akong natatandaan na ganung mga bagay kundi yung pagsama sakin ni Candice sa isang party.

*FLASHBACK*

“Mitch! sige na. ngayon lang naman eh.Atsaka were 18 na para uminom.’’ Pagpupumilit ni Candice sakin na sumama sa kanya sa isang party.

‘’eh hindi nga pwede.magagalit si mama’’pagdedeny ko naman

‘’eh hindi naman niya malalaman eh.don’t worry I wouldn’t tell her’’tapos inirapan niya ako.

Tumango na lang ako.Madali kasing magtampo si Candice eh pag hindi niya nakukuha ang gusto niya.Anak mayaman kasi siya.

‘’pero Candice.Umuwi na tayo pag alas otso na ah’’

‘’agad agad? Ok sige.basta sumama ka lang.’’

May kinuha siya sa bag niya.isang paper bag.Tapos inabot niya sakin.

‘’yan ang isuot mo’’

Bubuksan ko n asana pero pinigilan niya ako.

‘’saka muna buksan kapag nasa bahay ka na niniyo ah.Susunduin kita after 30 minutes’’

Then umalis na siya.Pumasok na ako sa loob para mag ayos.Binuksan ko na ang paperbag na binigay ni Candice sakin.Nagulat ako nung lumantad sakin ang buong itsura nung damit.Tumunog ang cellphone ko.Si Candice nagtext.

care to wear a blazer or something nice just to cover the whole dress.You wouldn’t want your mother to find out right? Ciao !

Pano naman eh halos lantad na ang buong kaluluwa ko sa damit na ibinigay niya.Masikip na nga revealing pa.Nagdadalawang isip na lang ako kung susuutin ko o hindi.Pero alam ko na ang magiging reaksyon niya pag hindi ko yun sinuot.Hai buhay nga naman.

His Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon