M.U Kami Dati

257 3 0
                                    

Kinaumagahan .....

 " GoodMorning! " Sigaw ni Shey pag gising.

 " Ay t*ngin*! May sunog ba? " Napabalikwas si Vice.

 " Anong sunog? Nag goodmorning lang ako eh! "

 " Akala ko Wangwang eh! " 

 " Nako ha. Ang aga aga Vice! "

 " Joke lang Baby! HAHA! *Smack sa lips* GoodMorning! "

" Aga aga na quota ka na. Di ka pa nga nagmumumog! Para akong uminom ng tubig kanal! Pwe! " 

" Ako nga parang kumain ng patay na daga eh. "

" Oh eh di Its a Tie! "

 " Ang ingay nyo naman. Uh ... *inat* " Nagising na si Rayven.

 " GoodMorning Babe! *long kiss sa lips* " Bati ni Vice.

 " Hilamos lang ako ha? " Paalam ni Shey.

 " Selos yan Babe. " Bulong ni Rayven kay Vice.

 " Baho mo! Tara na nga! Sabay tayo sa Restroom. HAHAHA! Yaan mo yan :D " 

 " Yoko nga! Tao tapos kabayo kasya sa banyo? " 

 " Oh eh di wag! Tse! Baba na lang ako! " Sigaw ni Vice.

 " Uyy! Babe! Joke lang! HAHAHA! " Habol ni Rayven.

 " Baba na rin ako ha? " Sabi ni Shey.

Nauna ng bumaba si Vice at sumunod si Shey. Huling bumaba si Rayven dahil inayos nya pa ang kwarto at nag hilamos. Pag baba nila sa dinning area, nakahanda na ang almusal at handa ng kumain sila Aliie, sila na lang ang inaantay.

" Nakakahiya naman kasi sa inyo. Ang bagal bagal nyo. Gutom na kami! " Reklamo ni Robert.

 " Upo na ng makakain na! Nakngkabayo oh " Reklamo rin ni Jon.

 " Kain na tayo Vice " Yaya ni Aliie.

Sabay sabay silang kumain ng almusal habang pinag kwekwentuhan ang mga nangyari kahapon ng gabi. Hindi naman maiwasang umiwas ni Shey pag napupunta ang usapan sa lalaking dumating kagabi. 

" Hhmm .. *lunok* Shey? Bakit ka naiwas pag siya pinag uusapan? " Tanong ni Aliie.

 " *inom ng tubig* Sino? " 

 " Edi sila-"

 " Sarap ng almusal ah? " Singit ni Rayven.

Pinutol ni Rayven ang nais sabihin ni Aliie kaya nagkatinginan na lang silang lahat. Napansin naman nilang iniiwas nila Rayven si Shey sa mga tanong tungkol sa lalaking iyon dahil alam din naman nilang umiiwas si Shey. Pagkatapos naman nilang kumain ay nanunuod na lang sila ng TV, gaya ng kanilang nakasanayan lalo na pag ordinaryong araw. Next next week lang ay balik trabaho na ang lahat kaya sinusulit na nila ang mga araw ng pahinga at mga araw na walang stress. Napagkasunduan nilang wala ng gimikan sa labas, kung mag paparty man, sa loob na lang ng bahay.  Malapit ng mag tanghalian ng mag yaya si Shey sa lumabas para kumain sa isang restaurant, treat daw nya. Pero, sa di inaasahan, dumating nanaman ang lalaking dumating sa bonding ng Unkabogable Family.

" Hows Everyone? " Bati nito.

" Uy Tol *chest bump* Ano na? " Bati rin ni Robert sa kanya.

" Labas tayo! Kain tayo sa The Corner! Treat ko! " 

" Niloloko mo kami Tol? G*g* ka pala eh! Sa inyo kaya yan! " Sabi ni Jon.

" Kaya nga treat ko diba? HAHA! Tara na! " 

Nag katinginan na lamang sila Aliie, Vice, Rayven at Shey ng dumating siya, ang lalaking dumating kagabi. Pero hindi naman sila makatanggi sa pang aaya nito dahil kila Robert at Jon, at dahil na rin lunch time na. Kaya nauna na sila Jon at Robert sa Restaurant. At sumunod naman sila Vice. Tahimik parin si Shey at hindi kumikibo habang nasa byahe hanggang sa makarating sa The Corners kaya nag kakatinginan na lang sila Vice, Rayven at Aliie. 

Kumain sila habang nag kakamustahan dahil halos isang taon din nawala ang kanilang kaibigan na galing sa America na may ari ng The Corners. HIndi naman ito naiiba sa kanina dahil obviously, mayaman rin ito, may pinag aralan, at Gwapo. Kaya hindi natin maikakaila kung may mga nangyari noon na hindi alam nila Aliie, Jon, Robert at Vice. SI Shey at Rayven lamang ang nakaka alam. Ng matapos na silang kumain ay nag yaya ng umuwi si Shey, pero sila Robert at Jon ay gusto pang gumimik. Hindi naman mananalo si Shey kila Robert at Jon, pero nag pasya parin syang umuwi.  Sinamahan na lang nila Vice at Rayven si Shey pauwi at sila Robert, Jon at Aliie na lamang ang gumimik. Hanggang sa makauwi sila Vice, tahimik at hindi parin kumikibo si Shey, kaya pag pasok nila sa Sala ng bahay, binasag na ni Vice ang katahimikan ni Shey.

" Baby? Bakit ba hindi ka kumikibo pag darating sya? "

" Ah ... eh .... nuod na lang tayo TV? " 

" Bakit ka umiiwas? "

" Ah .... movie na lang?"

" Sasagutin mo ba ako o hindi? " Medyo tumaas na ang boses ni Vice.

" Ako na lang mag kwekwento Babe. I think, nahihiya lang yang si Shey pag tungkol na sa kanya ang usapan " Singit ni Rayven.

" Meron kayong hindi sinasabi sakin no? Gaano na to katagal? "

" Matagal na to Babe. Ewan ko ba dyan kay Shey kung bakit hindi kinwento sayo. "

" Bakit Alam mo? "

" Si Emerson nag kwekwento sakin. We're friends diba? "

" Oh ... eh di Friends kayo. Ano namang koneksyon ni Emerson kay Shey? "

" Rayven, wag mo na ikwento kay Vice. Baka magalit pa yan " Pilit na pag pigil ni Shey kay Rayven upang hindi na ikwento ang lahat ng nangyari noon kila Emerson at Shey.

" Kailangan na natin tong ikwento Shey, lalo na kay Vice. "

" Mag kwekwento ba kayo O ako mismo mag tatanong kay Emerson? " Pagalit na sabi ni Vice.

" Sige na, ikwento mo na Fafa. " Sabi ni Shey.

" One month noon bago umalis si Emerson papuntang America ........ " 

To be continued.

(A/N: Salamat po sa walang sawang pag suporta dito! Nag pasok po ako ng bagong character, abangan ang kwento ni Rayven! Thanks Guys! :DD)

Girl Fell In Love In A Gay (BaysRil Inspired♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon