Protector Ethan
<Alexi's POV>
"Anak, ang ingay naman ng cellphone mo may tumatawag yata" Tawag ng mahal kong ina sa akin. Hawak nito ang Cellphone kong naiwan sa bahay ng maisipan kong mag-igib ng pampaligo.
Oh yeah madlang people, wala kaming sariling grips sa Bahay. Well, spell poor that's US.
Nailing na kinuha ko ang tumutunog na Cellular phone sa ina.
"Bakit hindi niyo nalang sinagot?" Sabi ko sa halos limangpung taong gulang na ina.
As if kayang sagutin ng oldies mong ina ang makabagong alien na kawak nito! Sabi ng pilosopo kong utak niya.
"Aba'y malay ko ba kung saan sa napakaraming button diyan ang dapat pindutin?" pairap nitong tugon.
haha Oh diba!
Nagtawanan ang mga taong nasa paligd niya. Kasalukuyan kasi siyang nagbabantay ng kanilang mga baldeng nakapila sa poso na tanging pinagkukunan ng tubig ng mga tao sa kanilang lugar. Nasa gilid ng poso ang mga balde, container at gallon na binabantayan ng kani-kanilang may-ari.
Tiningnan muna niya ang pangalan na nakarehistro sa screen ng kanyang Cellular phone bago tuluyang sinagot iyon.
"Anu yun?" bungad niya sa kabilang linya.
"Hello too ugly duckling lady," natatawang tugon ng tumawag.
"Anak sino daw? Hindi ko ba amo yan?" Singit ni inay.
"Hindi po para sa inyo, isang nang-iistorbo lang ng buhay ng may buhay" sagot ko na diniinan ang huling sinabi. Narinig ko ang pagtawa ng nasa kabilang linya.
"I miss you too, Nana" anito.
"What is it this time Mister?" kunway naiinip na tanung ko.
"Ganyan na ba talaga ako kasama para tarayan mo sa tuwing magpaparamdam ako? Isusumbong kita sa mga girlfriends ko, lagot ka."
"Nanginginig na ako sa takot, huhuhu!" kunway nanginginig na sabi ko. Nakangiti na ako pero pinipigalan ko lang matawa dahil sa pinag-uusapan nila. WALANGMAGAWA KWENTANG PAG-UUSAP.
Humalakhak na ito at mukhang mahahawa na siya.
"Nasaan ka ngayon?" tanung ko upang maputol ang pagtawa nito.
"Ito pababa na ng sasakyan at naglalakad na tapos pasakay ulit." Parang batang sagot nito. Mukhang paalis nanaman siya. Hay saan nanaman kaya ito pupunta? At hindi na ako nasanay.
Sino ba ang maniniwalang ang isang katulad kong college student, anak ng plastsadora, mahirap at well, masasabing hindi kagandahan ay may kaibigang isip ba, asal bata, galaw bata at mukhang batang si Nathaniel Diaz. Her bestfriend for almost five years now.
Ganun talaga siya! Puramessss!
Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na nagkakilala sila.
FLASH BACK
Araw ng biyernes kaya gabi na ay pauwi palang si Alexi sa kanila. Karaniwan kasing tuwing kagoon araw ay pipuntahan niya ang kanyang ina sa trabaho nito upang alamin kung uuwi ito o dediretso sa susunod nitong pagpaplantsahan. Malayo ang susunod na amo ng kanyang mama kaya minsan ay dumidiretso na ito at doon matutulog upang maumpisahan nang maaga kinabukasan ang pamamalantsa at para matapos din ng maaga. Kaya binibilinan siya nito kapag mag-isa lang siyang matutulog. Siya ang panganay sa apat na magkakapatid. Ang tatlo pa niyang mga kapatid ay kasalukuyang nasa probinsya at doon nag-aaral sa pangangalaga ng kanilang ama. Nasa elementarya pa lamang ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Protector Ethan (On Going)
RomanceAlexi is just an average girl. Nathan is everything a girl can dreamed of. Alexi's story can be like cinderella but faith and destiny din't give her a glass shoes she can wear to the ball and captured her prince charming's heart? Anu ang ibinigay sa...