Chapter Six
“Kukuha ako ng talbos ng kamote sa bahay mamaya,” sabi ko kay Ate Isabel habang kinukumutan ko si Tita Shybelle. Kakatapos lang namin siyang painumin ng gamot at mukhang hindi iyon non-drowsy kaya hindi rin nagtagal ay nakatulog na ito.
“Para saan naman yun?”-Ate Isabel
“Para kay Tita, wala nang mas magiging effective na paraan para sa mga anemic ang talbos ng kamote.”
“Ay sige, pwede ba akong sumama?”
Tiningnan ko siya ng matiim, “Sureness Ate, mag-jeans ka ah baka kasi kuyugin ka ng mga lalaki samin maganda ka panaman. Baka hindi na kita maiuwi dito.”
Tinawanan lang siya nito.
(-__-)
“Hindi naman ako nagbibiro ah.”
“Oo na Oo na, ang OA mo lang.”
“Aba Ate, hindi kaba nagsasalamin? Sa ganda mong yan, naiintindihan ko si Kuya Kenny kong bakit halos hindi ka niya hiwalayan ng tingin!”
“At anong hiwalayan ang naririnig ko sa inyo?” tanong ni Kuya Kenny na biglang pumasok sa master’s bedroom. Umiiling na lumapit si Ate Isabel dito at inakay palabas ng kwarto. Ako naman ay sumunod na din patapos siguruhing maayos ang kumot ng ginang.
“Hon, we’re just going to get a camote tops.” Narinig kong sabi ni Ate Isabel kay Kuya Kenny na salubong ang kilay.
“Kuya sama ka rin? Masayang manguha ng talbos.” Yaya ko sa kuya kong mukhang bad trip. Ano kaya ikinaka-badtrip nito?
“I need to go back to the restaurant. Floyd will be coming to check the kitchen.” Sagot nito na hindi naman nakatingin sakin kundi sa girlfriend niya.
“Ahkay, wala nang sasama sakin. Saglit lang naman ako.” Buti na yung walang pagtatalo baka kung saan pa makarating.
“Pero gusto kong makarating sainyo.”-Isabel
(¬ ‿¬)kulit!
“Hon, wala kayong kasamang lalaki. Paano kung mapano kayo dun,” tumingin sakin si Kuya “It’s not that I was anything against the place.”
Nag-peace sign lang ako. OA nga si Kuya. Well ganon siguro talaga. Concern lang siya. Hindi naman talaga maganda ng “reputasyon” ng mga remote area or squaters for that matter.
“No harm done.” Nakangising sabi ko. “Ate next time nalang, pa-gabi na din naman medyo gets ko si Kuya.” Sabi kay Ate Isabel na naka-pout. Ahahaha ang cute niya. Parang nagpapaliwanag ako sa bata.
Parang siya hindi isip bata.
Ay excuse me hindi kaya. Teka bakit parang si nathaniel kung magsalita si kunsensya ngayon? -__- makaalis na nga.
BINABASA MO ANG
Protector Ethan (On Going)
RomanceAlexi is just an average girl. Nathan is everything a girl can dreamed of. Alexi's story can be like cinderella but faith and destiny din't give her a glass shoes she can wear to the ball and captured her prince charming's heart? Anu ang ibinigay sa...