NINA's Pov
Pagpasok ko sa university, as usual ..
Pinagtitinginan at Pinagbubulungan nila ako. Msyado ata silang starstruck sakin. Ganda ko e! :D. Pero pwera biro, maganda talaga ako. :p
'bitch' ikaw yun men. -____-
'alam mo ba na kaya yan nakapasok dito, pumatol sa matandang mayaman? Golddigger, nakita yan nasa mamahaling restaurant may ka date na matanda. Eew' pss. Akala mo lang. Ikaw nga social climber e
'di na ko magtataka, nasa itchura e' mas maganda ko sayo. Pangit mo!
Bulungan nila. Haha. Sinasagot ko sila sa isip ko, minsan nga, tino-torture ko sila sa imagination ko e.
Pero wala naman akong pakialam, kung tingnan nila akong parang may nagawang napakalaking kasalanan at pagbulung bulungan ng mga bagay na walang katotohan dahil di naman talaga totoo yung mga sinasabi nila. :)
How will you defend yourself if you were already judged.
Minsan, sinasaktan nila ako pisikal. Ay mali! Kay Dalas ng minsan. Haha. Yep, halos araw araw kung anu anong prank, kagaya ng: 'pagkulong nila sakin sa janitor's closet, pag talapid, pinagbabato din nila ko ng itlog, binuhusan ng pintura at kung anu anu pang di mo magugustuhan' at ano ang ganti ko? Haha papatalo ba ko? Syempre, nung kinulong ako? Di ako nakaganti. Nung binato ako ng itlog?, Pinagbabato ko ng bato, buti nga nasa school ground kami nun, ayun .. takbuhan sila. At nung binuhusan naman ako ng pintura? Niyakap ko yung queen nila! Haha. Makabawi man lang diba? Ayun, pinagalitan sila, sinampal nga yung boys e. Edi bawing bawi. :p
kaya lalong uminit dugo nila sakin. Yung queen kasi nila, si Jereen.. Kapag kinalaban mo yun, kalaban mo major students nitong university, mayaman kasi e. Pss
Naiinis sila, di kasi nila ako mapaiyak. MATATAG ATA TO! :D
Pagpasok ko sa cafeteria.
"aray!" napasubsob ako. Shet! May pumatid sakin. Sakit ng tuhod ko, tska siko :/. Pinilit kong tumayo, ayokong ipakita na mahina ako. Kapag pinakita mo yun, lalo ka nilang aapihin.
"hahahahahahaha!" tawanan sa cafeteria.
Nilapitan ko yung lalaking pumatid sakin. Oo, lalaki. Kahit maganda ako, di uubra sa kanila, gusto kasi nila hindi muka kundi pera. Kapit kapit lang sa mayaman para tumatag -____-
Pagkalapit ko sa kanya, BINATUKAN KO NGA NG PAGKALAKAS LAKAS, yung tipong lalabas ang utak sa ilong? Kaso, sa kasamaang palad, nangudngod lang yung muka sa table, gwapo mo pa naman, kaso ako ang tinalapid mo *smirk. Tinalikuran ko na si boy talapid at nagpatuloy sa paglalakad kahit paika-ika. Sakit ng tuhod ko :(. Nag evil grin ako, at sinigurado kong makikita nil--
"A-ouch! Shit!" sabi ko. Ang sakit :(. Hinatak nya yung buhok ko at pilit na hinarap sa kanya, O____O. Yung lalaking binatukan ko, lumaban pa? Damn! Akala ko di ako papatulan. :/
'Bagay sa kanya yan'
'kawawa. Tss' bulungan ng mga tao sa cafeteria
"Ang lakas ng loob mong ingudngod sa mesa?!" pagalit nyang sabi. Medyo pasigaw nga e.
"K-kasalanan ko bang mahina ka? Binatukan lang kita pero d-dahil sa w-weak ka, nangudngud ka. Araay!" pano lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa buhok ko. :'(. Yung mga estudyante na nasa cafeteria, pinagtatawanan at pinagtitingin lang ako. :'( gusto ko ng maiyak pero di pede. :/
"bakla ka ba?! Tae ka! Daig mo pa ko kung makasabunot a?!" sigaw ko sa muka nya. Binitawan nya naman yung buhok ko at ..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
*SLAAAAAAAP! Shet! Sinampal ako?! Napatungo na lang ako sa lakas ng sampal nya. Naiiyak na ko :'(. Pero di pwde! I breathe deeply and compose myself.
"Damn you!" tska ko sya sinipa below the belt. Ako pa sinampal? Sabi ko naman, kapag ako sinaktan, sisiguraduhin kong doble ang balik.
"ouch! Ouch! Shit! Damn you! You'll pay for this! I'll gonna make you cry so hard!!!" sabi nya habang kapit kapit yung ano nya, at tumatalon talon. Haha mukang kangaroo putek.
"Nye nye nye nye :p. WEAK!" ako
"Anong tinitingin tingin nyo jan?! Gusto nyong magaya sa kanya?! Com' on!" haha. Nagsiupuan naman sila. Sabi sa inyo e, wag magpaapi. :) yun lang at umalis na ko. Pag katalikod ko sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
tumulo na luha ko. :/
BINABASA MO ANG
Babasaging Baso
Novela JuvenilPara syang babasaging baso and I want to handle her with care- Jared. Si Nina, maraming pinagdadaanan. At sya'y nananatiling matatag. Paano kapag dumating ang panahon na may makakita ng kahinaan nya? at gusto syang protektahan? She let him? or not? ...