OSW - 15

2K 74 33
                                    

Reen's POV

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nung mga nangyari. Simula sa pag-announce ko sa public na hiwalay na kami ni Sehun hanggang sa gabing may nangyari sa amin. At sa isang buwan na iyon, hindi na kami ulit nagkita ni Sehun o nagkausap man lang. Ni hindi ko nga alam kung naaalala niya ba 'yung nangyari sa amin.


At sa isang buwan na 'yun, marami ang nangyari. Naging mas close kami ni Jiyong at nakilala ko si---


"Reen dito!" tumingin ako sa babaeng kumakaway sa akin kaya nginitian ko siya at umupo sa katapat niyang upuan.


"Sorry Ailee nalate ako may inayos pa kasi ako. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko nang makaupo. Napansin ko kasi na naubos na niya 'yung inorder niyang smoothie.


"Ayos lang. Naaliw din naman ako sa cafe na 'to." sagot niya at ngumiti.


Yes. Si Ailee. Nakilala ko si Ailee weeks after ng mga nangyari. Nagkita lang kami sa isang cafe pagkatapos kinausap niya ako at naging kaibigan kami. Ang saya nga e, may kaibigan akong celebrity.


"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko nang maalala na ito ang ipinunta ko dito. May sasabihin daw kasi siya sa akin.


Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Kung kanina nakangiti siya, ngayon napakaseryoso niya. Kinabahan naman ako bigla dahil feeling ko masamang balita ang sasabihin niya.


"Reen, I know that the topic I will tell you still hurts, but you need to know the truth." panimula ni Ailee upang kabahan ako. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya. Tungkol kay Sehun. Siya lang naman kasi ang topic na nasasaktan ako.


Nang mapansin ni Ailee na nakatingin lang ako sa kanya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang sasabihin.


"Nakita ko kasi si Sehun at Minah na lumabas sa iisang bahay. Sa dati niyong bahay Reen. I think nagsasama sila sa iisang bahay?"


Para akong nabingi sa mga sinabi ni Ailee. Hindi rin ako makagalaw sa kinauupuan ko. All this time, nagpapakahirap akong magmove on pagkatapos ganito ang malalaman ko? Akala ko pa naman--


Napatigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Si Ailee lang pala.


"Its okay Reen. You can cry all you want. Nandito lang ako." she said as she rubbed soothing circles on my back.


Umiling ako at pinunasan ang mga pesteng luha na tumulo mula sa mga mata ko. No. Hindi dapat ako umiiyak. Ako nga pala ang may kasalanan. Ako pala ang nagsabi sa public na hiwalay na kami ni Sehun.


"Thank you for comforting, Ailee. Pero hindi dapat ako umiiyak." muli kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na pinigilan ang pag-iyak ko.


Niyakap lang ulit ako ni Ailee habang hinahagod ang likod ko. Kailangan ko na sigurong tanggapin na wala na talagang pag-asa na magkabati pa kami.


Pagkatapos naming mag-usap ni Ailee ay niyaya ko siyang magshopping. Pumayag naman siya dahil kailangan daw namin 'yon para mabawasan ang stress namin. Niyaya niya rin akong magpa-massage at pumayag din ako.


"Ano nang gagawin mo, Reen?" napalingon ako kay Ailee at kinunutan siya ng noo.


"I mean, ngayong hiwalay na kayo ni Sehun at mukhang may iba na siya." tanong niya kaya natahimik ako.



"OMG! Sorry Reen! Nakalimutan kong bawal pala pag-usapan ang topic na 'yun!"

Oh Sehun's Wife {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon