OSW - 19

1.8K 53 66
                                    

Note: sa POV ni Jiyong ang first part ay mga pangyayari bago naibalita sa tv ang 'dating issue' ng ReeYong (Reen and Jiyong's OTP name hehe) sa last chapter okeh? Enjoy reading~
x x x
Minah's POVo


"I like you too, Minah."



Ugh! Bumangon ako at saka ginulo ang aking buhok. Ugh! Bigla bigla na lang pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Sehun. Six hours na ang nakakalipas simula nung nakakagulong confession ni Sehun. Bakit magulo? Pagkatapos niya kasi akong halikan ay nagpaalam siyang matutulog na. Sino ba ang hindi maguguluhan doon? Tsk!



Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras, 2AM na at hindi pa rin ako nakakatulog. Paano ba naman kasi ako makakatulog kung ginugulo ni Sehun ang isip ko at dito pa ako nakatulog sa bahay niya. Dapat kasi umuwi na lang ako.


At dahil sa hindi na ako makatulo ay pumunta na lang ako sa kusina para magluto ng ramen. Pagpasok ko sa kusina, napahinto ako dahil sa nakita.


"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Sehun na may niluluto. Bakit gising pa siya?



"Cooking some ramen. Ikaw? Bakit gising ka pa?" tanong niya at letche lang dahil bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa pagtingin niya sa akin.



Kumuha ako ng bowl at chopstick pagkatapos lumapit sa kanya. "Hungry too. Give me some."



Tumingin siya sa akin sandali at saka kinurot ang ilong ko. At mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. "Cute. Umupo ka na dun at ihahain ko na 'to." dahan dahan naman akong tumango at parang robot na lumakad papunta sa dining table.



Di rin naman nagtagal ay nasa harap ko na si Sehun at dala dala ang isang tray na naglalaman ng two bowls of ramen. Ugh! Bakit parang wala lang sa kanya iyong nangyari kanina? Samantalang ako gulong gulo sa mga nangyari.


"Akala ko ba gutom ka? Bakit hindi mo ginagalaw yang ramen mo? Pati baka matunaw ako." tanong ni Sehun nang mapansin na nakatingin lang ako sa kanya.



Tss. Nakaka inis! Nakakapagbiro pa siya ng ganyan matapos niyang sabihin na gusto niya rin ako at halikan ng dalawang beses!



Marahas kong ibinagsak ang chopsticks sa mesa at saka tumayo. "Ano bang trip mo Sehun? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Biro lang ba iyong kanina? Pakilinaw naman Sehun, ayoko nang masaktan. Please," nakatingin lang ako kay Sehun habang umiiyak.




"Minah," lumapit siya sa akin pagkatapos pinunasan ang luha ko. "Totoo lahat ng mga sinabi ko kanina. Gusto kita Minah kaya huwag ka nang umiyak, hmm."



"Paano si Reen?" mahina kong tanong. Gusto ko lang siguraduhin ang nararamdaman ni Sehun. Paano kung kaya niya lang nasabi na gusto niya ako ay dahil sa balitang dating issue ni Reen.



"Nagdesisyon na ako diba? At isa pa may boyfriend na siya. Matagal na rin naman akong nakamove-on." bumalik siya sa upuan niya at itinuloy ang pagkain ng ramen, kaya kumain na rin ako.



Kinabukasan nagpaalam ako kay Sehun na uuwi na muna ako sa dorm dahil kailangan pa naming maghanda para sa fansign events, hindi pa naman kasi tapos pa ang promotion namin di katulad nila Sehun tapos na.




Pagdating ko sa dorm agad akong sinalubong ni Manager. Ano na naman kaya ang meron? Hindi ko kasi mabasa ang expression ng mukha niya, hindi ko tuloy malaman kung good or bad news ba ang sasabihin niya.



Oh Sehun's Wife {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon