OSW - 23

2.3K 85 59
                                    

Italized parts are from past.

Warning: angsty chapter and it'll make you mad. Peace yo
- - -
Reen's POV


Slap. Another slap and another one on her right cheek. I was about to slap her other cheek but someone stopped me.



"Let go of my hand, Jiyong." madiin kong sabi habang nakatingin ng sobrang sama sa ahas na nasa harapan ko.



"Tama na Reen. Let's not waste our time here." hinila ako ni Jiyong palapit sa kanya at palayo kay Ailee na nakangisi sa akin.




Dinalaw kasi namin si Ailee sa rehabilitation center. Hindi ko kasi siya nakita simula noong malaman ko ang mga kawalang hiya na ginawa niya. Hindi ko pwedeng palamampasin basta basta ang mga iyon, kaya hindi ko napigilang pumunta dito at bigyan siya ng kaunting leksyon.



"Ayun lang ba ang kaya mo, Reen? Ang sampalin ako ng ilang beses?" biglang tanong ni Ailee kaya napatigil kami ni Jiyong sa paglalakad. At dahil sa tanong na iyon ay mas lalong nag-init ang ulo ko kaya lumapit ulit ako sa kanya.




"Alam mo Ailee marami akong gustong gawin sa'yo. Pero naisip ko na hayaan ka na lang dahil mas grabe ang balik ng karma sa mga ginawa mo." ngumisi ako at mas lumapit pa sa kanya. "Nasira mo nga ang relasyon namin ni Sehun pero mas nasira naman ang buhay mo. At least ang relasyon namin ni Sehun kaya pang ibalik, eh ang sinayang mong career? Sa tingin mo mamahalin ka pa ulit ng mga fans mo? Sa tingin mo may natitira pang nagmamahal sa'yo?"





Mas ngumisi pa ako at ipinakita kay Ailee na hindi ako naapektuhan sa mga ginawa niya. "Nagtagumpay ka nga sa mga plano mo, pero sino ang nawalan? Ikaw. Nawalan ka ng supporters, mga kaibigan at pinsan. Sa larong ginawa mo Ailee ikaw ang luhaan. Good luck na lang." taas noo kong sabi saka siya iniwan na umiiyak. At least, sa paraang ito nakabawi na rin ako kay Ailee.



Hindi naman kasi ibig sabihin na nagtagumpay ka na talaga dahil lang sa isang panalo. Minsan kasi kung sino pa iyong nanalo sa laro, siya pa iyong umuuwing luhaan.



"I am so proud of you Reen. You did the right thing." sabi ni Jiyong nang makasakay kami sa kotse niya. Lumingon naman ako sa kanya at nginitian siya.



Alam kong inis din si Jiyong kay Ailee dahil kahit papaano ay naging magkaibigan din naman sila. Maraming sinayang si Ailee dahil lang sa pagiging makasarili niya.




"What are you going to do now? Are you going to sign the annulment papers?" napatingin ulit ako sa gawi ni Jiyong sa biglaang tanong niya.





Alam kong hindi pa rin sumusuko si Jiyong. Alam kong hinihintay niya pa rin ako, pero..."I'm not giving up, Jiyong. One of these days I will talk to Sehun and I'm going to tell everything." sagot ko. I'm still hoping, still hoping Sehun will change his mind.
* * *
Makalipas ang ilang araw ng pag-uusap namin ni Jiyong ay nakapagpasya na akong puntahan si Sehun. Mag-uusap kami sa ayaw o sa gusto niya. Sasabihin ko sa kanya lahat lahat ng mga nararamdaman ko. Kaya heto ako ngayon sa labas ng kanyang bahay hinihintay na mabuksan ang gate.




Ilang pindot pa ako ng doorbell hanggang sa narinig ko nang may nagbubukas ng gate. Nang mabuksan ang gate ay hindi na ako nagtaka sa sumalubong sa akin. Of course, she's here. Pero hindi dapat ako papa-apekto dahil si Sehun ang ipinunta ko dito hindi ang malanding si Minah.




Oh Sehun's Wife {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon