Chapter 2: The Deal

4 0 0
                                    

Dmitri's POV

Tirik na tirik na ang araw nang nagising ako.


"Nako, anong oras naba?"


Pagtingin ko sa orasan nakita ko na 9:34 AM na.


"Oh my gad!! Late na late nako! May dance workshop pako na kailangan I attend. Yari ako nito!!"


Himbing na himbing pa si Jameson sa kanyang pagkakatulog, hindi ko nalang siya ginambala.

I stood up and fix myself in a hurry hoping that I could catch up the workshop.

Nag iwan nalang ako nang note kay Jameson na nauna naakong umalis dahil may workshop pako, nag luto narin ako ng breakfast niya.



Pagdating ko kaagad sa workshop, kakatapos lang nang unang genre. Dancesports kasi ang workshop na inattend ko ngayon. Hindi ko kasi napag-aralan ng mabuti noong college pako, ehh kailangan na kailangan ko eto sa pagtuturo lalo pat ako ang ginawang coach ng school namin para sa darating na division meet.

Sya nga pala, teacher nga pala ang trabaho ko. Physical Education teacher to be specific.

So ayon na nga, dahil nga late nako, hindi kuna naabutan ang first genre which is the Rumba, the mother of all Latin Discipline. Sayang!


"excuse me, pang ilang genre na po 'to?" tanong ko sa katabi ko sa likod.

"Pangalawa palamang po"

"ano po yung unang tinuro na sayaw?"

"Rumba po" sagot niya.


Nako naman ohh, ang pinaka importante pa talaga,


"Sino po yung nag demo?"


Baka sakaling makausap ko siya manghihingi nalang ako ng pointers.


"ahhm, Austin ang pakilala niya, hindi naman po kasi nya nabanggit yung buong pangalan niya."

"Ahh ganon po ba?"

"Sabi nila, siya daw po ang may-ari ng studio."

"Talaga? San ko po siya pwedeng makausap?"

"Sa loob po nang room nayan!" tinuro niya ang pintuan sa may bandang kaliwa malapit sa stage ng studio.

"ahh , salamat po!"


Pupunta na sana ako don pero, kasalukuyan pang tinuturo ang pangalawang genre which is the cha-cha-cha, ehh bka pati ito mamiss ko kaya napag desisyonan ko na mamaya pag break nalang ako tutungo don.



(Break Time)


Break time na, baka pwede ko nang puntahan ang may-ari ng studio.


Sandali, mag re-retouch muna ako para fresh, baka kasi mukha nakong gusgusin.

Vengeance Upshot; Destiny's CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon