"ano ba, ibalik mo nga yan"
"paulit ulit na lang to nuh"
"paki mo ba eh maganda yan eh. Aist ibalik mo na"
Andito ako sa room at nakatingin kila rica. Always bangayan ang dalawang to pinag aawayan kasi nila yung laro sa phone.
Napailing na lang rin sila trixie at Jake. Absent si Xavier ngayun ewan ko kung bakit kahit na nagmumukha akong martir pinagpapatuloy ko pa rin.
"buti hindi ka na umaawat alyssa"-sabi ni trixie sa akin.
"tapos ano? Sisigawan lang nila ako nuh "sabi ko remember dahil lang sa french na yun. (sa chap. 14)
"hahaha"tawa ni trixie,napailing na lang ako sa kanya.
Pag ganitong mag isa ako at walang kausap si xavier lagi ang pumupunta sa upuan ko at kakausapin ako pero ngayun wala siya baka kasama yung girlfriend nya.
Haist,sinasaktan ko talaga yung sarili ko
Natapos na rin ang klase. Lumabas na sila Jake,malamang sila na eh syempre laging magkasama. Sila kevin? Ewan nawala bigla. Palabas pa lang ako nung makita ko si James sa harap ng room namin. Pinagtitinginan sya ng mga istudyante na dumadaan sa room namin. Gwapo naman kasi tong si James pero hanggang kaibigan ang talaga tulad ko nagiging martir na rin kahit na nasasaktan na
"yow"-masayang sabi ni James.
"anong ginagawa mo dito?"-tanung ko
"Sabay tayung lunch? "-masayang sabi nya. I think i have no choice.
***
Nakarating na kami sa canteen. Rinig na rinig ko ang boses ni rica at kevin,bangayan na naman ata silang dalawa. Lagi naman eh."Ang ingay nila rica kahit kilan nuh? Dahil kay kevin mas lalong dumadaldal si rica. Iba talaga si kevin hahaha"-sabi ni James,habang nakatingin kila rica at nakangiti.
Ako pa ata ang magiging dahilan ng pagiging malungkot nya
"hmm? may gusto ka ba?"-tanung niya sinabi ko lang na juice na lang at spaghetti ,meron kasi dito eh.
Tumayo na sya at nag paaalam para bumili. Nagbabasa lang ako tungkol sa news ng mga kpop world hobby ko na to ang alamin ang mga ganap sa mga asawa ko hahaha.
Nang may naramdaman akong kamay na humila sa akin,nung una di ko sya nakilala pero nung tumigil sya at humarap. Nalaman ko na si.....
"xavier"-yun na lang sinabi ko at bigla nyang ginulo yung buhok nya. Nagtaka ako, teka may kuto ba sya? Ok im funny right? umoo na lang kayo hehehe.
"aist,bat kasama mo yun?"tanung nya,teka diba absent to? Bat andito sya? Ano teleport lang? Ang galing naman.
"a-ano akala ko absent ka?"-sabi ko,piro mukhang nainis na sya.
"wag mong ibahin ang usapan, just ughh ...just don't go with that guy"-sabi nya. Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako. Bigla na lang nya akong niyakap. Now mas lalong gumulo. Napakamysteryoso talaga ni xavier.
"Please,don't give up.... Malalagpasan natin to ok?"
***
Buong gabi gising lang ako iniisip ko kasi si Xavier yung binigay nyang salita ..nagtxt ako kay James at nagsorry dahil bigla akong nawala,nag ok lang sya kaso tinanung ko paano yung binili niya ang sabi lang niya binigay niya kila rica at tinanggap naman niya yun dahil inubos ni kevin yung binili ni rica.. At pag tapos nun hindi na ako nagreply iniisip ko parin si Xavier.Yung sinasabi ba ni Xavier yung mommy nya? Kung ganun kaylangan ko ba magpagood shot? Para maimpres yung mommy nila? O hindi? Ang gulo.
Nakakalito talaga si Xavier at nakapamysteryoso. Di mo alam kung ano yung iniisip nya bigla na lang yun kung minsan magugulat ka na lang.. Iba talaga sya,ibang iba kaya ata nagustuhan ko sya.
"Bat di ka pa natutulog yssa?"-sabi ni ate. Nakabukas pala yung pinto di ko namalayan dahil sa pag iisip ko kay xavier.
"may iniisip lang ate"-sabi ko
"yung bang iniisip mo ay nagngangalang Xavier?"
Pagkasabi nya nun,napatayo ako at napatingin sa kanya. Teka paano nya nakilala si Xavier eh,wala naman akong kinukwento sa sanya tungkol kay Xavier.
" Naikwento kasi nung magsyota, tungkol kay Xavier. Dalaga ka na yssa. Buti di ka naging tomboy nag-alala tuloy sila mama buti na lang. Last boyfriend mo i mean online boyfriend mo eh nasa ibang lupalop ng bansa nang pinas buti kay Xavier ka gwapong lalaki nun. Eh anong ikinamumukmok mo jan,andito ako kung di mo alam. Ate mo ako"-sabi nya,mukha syang nagtatampung bata kahit gurang na siya, sige bata na nga.
"Ate,ayaw sa akin ng mommy ni xavier dahil kay kila mama, you know company issues"-malungkot na sabi ko. Tumulo tuloy luha ko,ganito kasi ako simpleng bagay mabilis akong umiyak.
"Sila mom kasi eh hayaan mo na baka ito na nga ang unang test o obstacle mong haharapan. Kung baga level 1 ka pa lang. Sorry kung walang advice ah di naman ako si Rica na biglang nag pop out sa utak nya at nagagawa ng solution agad "-sabi ni ate. Napakamasayahin talaga ni ate,ako naman ang pinagkaiba napakaemo ko sa totoo lang.
"ok lang ate,thank you na rin"-sabi ko at least gumaan ng kunti ang loob ko dahil may naka-usap ako at may kasama kahit papaano pero ang daldal ng magsyotang yun sino pa ba edi sila Jake lang naman naku,pag buhulin ko sila eh hahaha.
"sya tulog ka na at may pasok ka pa"-sabi nya at saka lumabas sa kwarto to.
Hay,mas mabuting itulog ko na lang to malay mo may biglang maisip ako. Mag-ala jimmy neutron kung baga, wala lang ang cute kasi niya hahaha.
![](https://img.wattpad.com/cover/33049604-288-k497526.jpg)
BINABASA MO ANG
Puzzle piece
Teen FictionA life is full of discovery, we can never know if it will change or we have to change. Sa buhay natin lagi nating iniisip na magbabago ang tadhana natin kung willing tayong isugal ang dapat na hindi. Life is full of empty Bumuo ka man nang mga bagay...