"anong ginagawa mo dito?" panimula ko. Saka nagpatuloy sa paglalakad,naramdaman kung nakasunod siya.
"look" sabay hila niya sa akin
paharap.Shit,rica. Wag muna please.
"smile naman jan,sorry na. Alam ko ang rude dahil hindi ako nagsabi mismo sayo na uuwi na agad ako and to think na dalawang araw na nagtagal and para patunayan na totoo yung sinasabi ko,magdate tayo bukas" well,alam ko kilala niyo na kung sino.
"may pasok bukas"
Sus,gusto lang umabsent ng ugok na to. walang klase i mean,basta.
"edi after. So bati na tayo?" ngiting sabi niya. Childish.
"sino ka nga ba uli?" biglang nawala yung ngiti niya napalitan ng pagkabusangot .Hahaha.
"rica naman"
Tumawa na lang ako. Di ako oa para biglang uminit ulo. ginulo ko na lang buhok niya. Though ayaw niyang ginugulo yung buhok niya.
"rica naman" tampurorot na sabi niya.
Hinila ko na lang siya. Papunta kung saan man. Wala lang trip ko lang.
***
Since sabi niya babawi siya. Bumawi naman talaga siya. Pagkalabas na pagkalabas ko. Andun na agad siya naghihintay sa labas and sarap lang sambunutan. Why? I wont tell kasi alam kong alam niyo na. God,bat gising siya nung nag ulan kayo ng kagwapuhan -_-
When he saw me, he just smile and wave at me. I just smirk. Look what we have here. samang tingin.. but sorry girls,this jerk is mine only.
"Lets go" aya niya, tumango na lang ako. San naman kaya kami pupunta?
nung kahapon kasi pumunta kami sa secret place (ep. 11). nakakamiss lang dun. Nung mga nag daang taon. Wow,nagdaang taon talaga eh nuh -_-. i mean,sa tagal ngayun na lang uli ako nakapunta duN. Although may nagbago kunti. Dahil yung ilang bulaklak wala na. Dahil di na gaanong inaalagaan kaya naghanap si kevin na magcaretaker para dun. Sayang kaya.
it takes time nung makarating kami sa.... Cafe ni ate andrea? bat kami dito? last time na pumunta kami dito nung naging sila na uli nila trixie at jake eh.(chap. 27)
napaharap ako kay kevin to see na may gagawin o may meeting sila ni ate andrea. Sinabi kasi ni kevin na nagkaroon ng business related sila ni kevin.
"lets go"
pagpasok namin nakita ko si kuya at ate andrea na nag uusap. Halatang nakakatuwa yung usapan nila dahil tawa ng tawa si ate andrea. Mukhang napansin kami ni ate andrea kaya kinawayan niya kami at ngumiti naman si kuya.
"kamusta,tagal niyo na ring di pumunta dito ah" masayang sabi ni ate andrea.
"busy lang kami sa school ate" sabi ko. Kumuha naman ng dalawang upuan si kevin para apat kami sa iisang table. Since break time ni ate kaya nagpapahinga lang siya ngayun.
"kamusta naman si alyssa? pansin ko mas nagiging sweet si aly" nakakahawa talaga yung ngiti ni ate. Swerte talaga ni kuya. Tsk tsk.
"nakakaumay na nga ate eh. Lagi niyang sinasabi na miss niya na si xavier eh ilang segundo lang ang tagal" sabi ko. Umorder pa kasi si kevin pati si kuya.
"and what about the two of you?" alam ko yung ibig niyang sabihin. Well,literal naman talaga.
"ok lang kami ate. Stay strong" this is not me. Di ako sweet.
"hehe,mabuti naman"masayang sabi niya.
"kami ba pinag uusapan niyo?" mayabang na sabi ni kuya.
"kapal talaga ng mukha mo rico" medyo tawa ni ate.
Kevin handed me a burger and a lemon juice. Simple lang.
"ano pala ipinunta niyo dito?" tanung ni kuya saka umupo katabi ni ate andrea. Yun nga rin gusto kung itanung eh.
May hinalungkat si kevin and handed an invitation? wait, invitation ng ano?
"hmm,gusto mo bang isama sila alyssa?"
Tumango na lang si kevin ,at ako nakain na lang. Di ako paranoid para isiping may iba siya. Pero.... Haist,wag na nga
***
"ang tahimik mo" sabi ni kevin,hinatid niya kasi ako pauwi. Di niya na ginamit kotse niya para makapag usap daw kami nang matagal."ano yung invitation na binigay mo kila kuya?" di namang masama magtanung diba? since girlfriend niya ko. May kinuha siya sa jacket niya At yung invitation na katulad kay ate andrea.
"hm,sorry kung hindi kita pwedeng pabasahin sa loob nang invitation na ito ah"
Pinakita niya lang sa akin yung labas at may nakasulat na alvarez. May problema ba,papa niya? or mama niya?
hindi ko na kasi matandaan kung nameet ko na mommy or daddy niya eh.
"ikakasal ba mommy at daddy mo?"
nabigla ata siya sa sinabi ko,why?.
"ah,hindi. This is something special for us" tinutukoy niya atang "us" yung family niya at siya.
"So, bawi na ba ako?" Pang ilang tanung na niya yan. Mula kotse tinatanung niya palagi. Ako naman dahil nainis binabara ko siya.
"In a million times,who are you again?" Sabi ko,sabay talikod. Alam na.
"Rica naman"
---------------
Namali po ako nang pag publish,mian. Ito na po.
BINABASA MO ANG
Puzzle piece
Teen FictionA life is full of discovery, we can never know if it will change or we have to change. Sa buhay natin lagi nating iniisip na magbabago ang tadhana natin kung willing tayong isugal ang dapat na hindi. Life is full of empty Bumuo ka man nang mga bagay...