Dhominiqua POV

Narinig ko ang katok sa pintuan ko. Ano bang meron at kinakatok ako ni mom ngayon?

"Niqua! Gising na mamimili tayo para sa Party mo! Kasama Tita mo at Si Yrish."

Shet. Lalabas ako kasama sila. Baka makita ako ng mga iyon na nagala sa labas. Baka kunin nila ako. No eto lang ang safe na lugar para sa akin.

"Let me talk to her."

"Sige ikaw na kumausap. Anghirap talaga kausapin iyang batang yan simula nang nakalipas na araw. Baba na muna ako."

"Pakisabihan si Yohan at Yrish na mag-intay."

"Osige."

"Iha? Gising na aalis tayo ngayon Diba malapit na birthday mo? You want a pool party right? Mamimili tayo ngayon. "

"Ahm.. Tita pwedeng kayo nalang? "

"No iha! Kasama ka kaya magbihis kana okay? Hihintayin ka namin sa baba. Magtatampo kami sayo sige ka."

Baka magtampo sila pag di ako sumama kaya no choice na ako. Ngayon nalang aman ako lalabas eh.

"Okay Tita magbibihis na ako."

"Good dear! Intayin ka namin sa baba."

"Okay po."

Kumuha ako ng damit at nagpalit. Ngayon lang to, Ngayon lang ako lalabas ng bahay. Ang safe place ko.
Sana lang at hindi ko sila makita.

Bumaba na ako at nakita ko sila Yrish,Mama,Tita at si Yohan na nakaupo sa sala. Ngumiti si Tita at mama at naunang lumabas.

Si Yrish naman ay humawak sa braso ko at hinila ako palabas. Nakasunod lang sa amin si Yohan.

Kwento lang ng kwento si Tita habang naglalakad. Nasa likod lang kami Ni Yohan. Mukhang ayaw niya rin na mamili ngayon.

Walking distance lang ang mga Market,Mall, at iba pang pinupuntahan ng mga tao dito sa Riverdale.

Nang marating namin ang Wet market nagpunta agad kami sa meat section. Luminga-linga ako sa paligid kung nandyan lang sila sa paligid pero wala naman.

"Para kang may tinataguan dyan ah."

"Ha?Ah wala wala."

Kailangan kong mag-ingat sa taong ito dahil kakilala niya ang mga taong dapat tinataguan ko ngayon. Ang taong dapat iniiwasan ko , Isa dapat siya pero hindi ko magawa dahil kay Tita at kay mama pati narin kay Yrish.

Bukas na bukas talaga di na ako lalabas. Ngayon lang talagang araw nato ako lalabas.

Inabot kami ng gabi ngayon sa labas. Madami-dami narin kaming nabili para sa party ko. Kung ano-ano lang ang tinuturo ko para lang matapos na ito.

Sagabal talaga ito para sa plano kong makatakas dito sa Riverdale. Ayoko na dito. Gusto ko ng lugar kung saan makakakilos ako freely.

The Diary Of The Dead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon