Yung chapter po ngayon is about sa Libro. Bale nag-start si Dhominiqua magbasa ng 2:30am hanggang 7:00am. Mabilis siya magbasa parang kayo mabilis lang natapos yung kalandian niyo. Joke.

Enjoy reading!  :>

👾

THE DEEP SECRET'S OF RIVERDALE

THIS BOOK IS ONLY FOR THE ONE WHO WILL BE SOON SACRIFICE TO STYX. THE LORD OF STYX ELAD GROUP.

YOUR ABOUT TO READ THE SECRET INFORMATION ABOUT RIVERDALE. THIS CONTAINED A LOT OF SECRET'S OF RIVERDALE.

NO ONE MUST KNOW ABOUT THIS. ONLY YOU WHO WILL BE THE NEXT SACRIFICE.

Ang Riverdale ay isang gubat lamang noong nobyembre 1 1895. Ang mga tao dito ay kakaunti lamang ang populasyon mahigit 20 lamang na tao ang nakatira sa Riverdale. Ang mga bahay dito ay magkakalapit lamang. Parang nasa isang bilog lamang sila na napapalibutan ang isa't-isa.

Hanggang sa dumaan ang maraming taon, bigla silang nakakita nang isang kweba. Matagal na silang nakatira roon pero walang kweba na nakatayo roon. Kaya sa kuryosidad nila ay pumasok sila sa loob ng kweba.

Kagimbal-gimbal ang nakita nila sa loob ng kweba. Isang malaking bato na hugis tao na may pakpak, may pangil na parang pang-oso , may sungay na parang sa toro, ang mga kuko neto ay matutulis. Nakakatakot.

Habang nasa harap neto ay may mga patay na hayop, maraming duguan at walang laman loob ang mga hayop. Ang iba sa mga ito ay nasuka dahil sa nakita nila at naamoy nilang masangsang. Ang iba ay napa-upo dahil sa gulat at takot. Napatakbo naman ang iba palabas ng kweba.

Hanggang sa biglang namatay ang apoy na nanatiling ilaw nila sa loob ng kweba. Dilim. Wala silang makita kundi dilim. Biglang nagsara ang daanan palabas ng kweba. Wala silang malalabasan kundi iyon lang.

Bigla silang nakarinig ng isang boses na nagbabanggit ng salitang di nila maintindihan. Para bang isa itong chant. Pangtawag sa isang nakakatakot na kaluluwa. Isang diyos. Isang makapangyarihan na nilalang.

EMAD UT ATISCO YA YA

EMAD UT ATISCO YA YA

EMAD UT ATISCO YA YA

Tatlong beses mo dapat ulit-ulitin ang chant na ito upang mapalabas mo ang nilalang na tinatawag mo. Isa itong napaka-pangyarihan na chant. Isang delikadong chant. Isang sikretong chant na kakaunti lang ang taong nakakaalam neto. Ang mga kasali sa kulto lamang.

Habang kinakanta mo ito dapat sumayaw ka. Kailangan mong i-angat ang katawan mo at maglakad ng tatlong beses pa-abante. At ganun din kapag sa ibang direksyon ka sasayaw. Ang sunod na step ay yumuko ka at igalaw ang beywang mo paharap habang ang kamay mo ay parehas na naka-angat at pagkumpas neto.

Pagkatapos mo ito gawin lahat titigil kayo bigla at biglang mangingisay. Titirik ang mga mata. Ilang minuto kayong ganun hanggang sa sabihin niyo nanaman ang chant ng tatlong beses.

Makikita niyo ang itim na usok na mangagaling sa bato na pinangalanan niyong diyos na si Styx. Magbubuo ito ng isang hugis na parang tao. Kulay itim ang balat niya. Habang may mga matutulis na kuko, may mapupulang mata, may mga pangil at may pakpak. Wala siyang bibig at wala rin siyang ilong o tenga. Pero maririnig mo pa din ang tinig niya.

Pinangalanan nilang Styx ang diyos na nakilala nila sa Kweba noong araw na iyon. At simula nang araw na iyon sumasamba na sila dito simula noon hanggang sa mapasa nila ito sa mga pamilya nila.

Simula noon na may kinikilala silang diyos na nagngangalang Styx umunlad ang Riverdale. Dumami ang Populasyon ng Riverdale. Marami nang bahay na nakatayo sa Riverdale. May eskwelahan na nakatayo, may aklatan na ang nakatayo,may mga kainan,palengke at iba pa. Umunlad ng umunlad ang Riverdale hanggang sa nakilala na ito.

Noong taon na 1950 ay nagkaroon ng pulitika. Nagkaroon ng botohan kung sino ang magiging governador sa Riverdale Town. Mga opisyal sa Riverdale Town.

Si August Clarkson. Ang Apo ng naka-diskubre sa Kweba noon. Siya ang naging governador sa Riverdale Town. Habang patuloy ang pagiging governador niya ay nagkaroon ng tradisyon.

Na bawat taon na dadaan ay may dalagang babaeng isasakripisyo sa Diyos nilang si Styx. Tuwing sasapit ang piyesta may dudukutin silang dalagang may mabuting kalooban. Dahil sinabi ni Styx na ang dudukutin nila na may mga babaeng may mabubuting loob lamang dahil ang mga ito ang pinagkukunan niya ng lakas. Kapangyarihan.

Kaya simula noon ay may nawawala na babae tuwing dadaan ang piyesta. Ang piyesta kung saan ang araw na iyon ay duon nila nadiskubre ang diyos nilang si Styx. Ngunit kakaunti lamang ang nakaka-alam kung anong ibig sabihin ng piyestang iyon.

Bawat taon may naisasakripisyo silang babae kay styx. Bawat taon unti-unting umuunlad ang Riverdale town. Nanatili sa posisyon ang pamilyang Clarkson. Nanatiling Angat sila sa Riverdale. Sila ang pinaka-mayaman sa Riverdale hanggang sa kasalukuyan.

Pero pwede parin maagaw ang posisyon ng Clarkson kung may tatakbong pamilya na gusto mapunta sa posisyon ng Clarkson. May paraan pa. Kung mapapatay nila ang mga taga-pagmana ng bawat pamilya na nasa angat na posisyon sa Riverdale. Kung mapapatay nila ito sila ang papalit sa posisyon ng mga ito , sakanila mapupunta ang pagiging angat nila sa Riverdale Town. Sila ang magpapatuloy ng Tradisyon sa Riverdale. Sila ang makakakuha ng Kayamanan na ibinibigay ni Styx, mga kaswertehan sa buhay.

Walang nakaka-alam tungkol sa tradisyon ng Riverdale, ang mga makaka-alam lamang neto ay ang mga may posisyon sa Riverdale. Walang nakaka-alam kahit ang mga taga Zayden Town o mga taga syudad.

Ang mga taong magpapatuloy ng tradisyonal sa susunod na henerasyon ay ang mga pangalan na nakasulat ang sumusunod:

•Zyron River Clarkson
•Cara Ashwell
•Owen Carl Verde
•Wendy Ashwell
•Celestine Verde
•Marky Evans
•Cedric Lawson
•███████████████████

Nawa'y magtagumpay kayo at magpakarami para manatili ang tradisyon sa ating bayan!

Dugo para sa kayamanan.
Dugo para sa kaunlaran.
Dugo para sa swerte sa buhay. Dugo para sa posisyon.
Dugo para kay Styx.

Mabuhay si Styx! Ang Diyos ng Riverdale!

👾

Lt ako sa chant 😂 i love you sa mga makakagets 😂 sa mga nakaka-alam nun😂 dapat talaga yung chant sa Love you to the stars and back yun eh. Kaso diko pa masyado alam. Yun lang talaga alam kong pwedeng i-chant. With sayaw pa😂 yun yung na-imagine ko guys😂so yun lang😂

Sorry for the gramatical erros and typos😂 tanga lang.

VOTE•VOTE•VOTE•

The Diary Of The Dead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon