EPILOGUE

24 1 2
                                    

Dumating na ang huling kabanata. Yes tapos narin hahaha!

Enjoy reading!

👾

Last entry

Dear Diary,

Sa wakas at nakapagsulat narin ako sayo. Ilang araw, linggo, buwan at taon ang lumipas? Dalawang put pitong taon. Dalawang put pitong taon bago ako makapagsulat muli.

Sa dalawang put pitong taon na nangyari sa akin Ilang taon din daw ako tulog sabi ni Zyron. Si Zyron ang nakakuha sa akin sa ilog habang palutang-lutang ako pagkatapos ako itapon ni Yohan sa ilog. Mabuti nalang talaga at nakuha niya ako.

Akala ko mamatay na ako dahil sa ilang buwan kong walang malay nanaginip ako. Nasa isang madilim na kwarto ako. Walang ilaw at mag-isa lamang ako duon. Iyak ako nang iyak sa loob nang madilim na kwarto na iyon.

Pinagsisihan ko lahat nang kasalanan na ginawa ko. Sa pagpatay ko sa mga kamag-anak namin sa syudad. Nanalangin ako sa diyos na patawarin niya ako lahat nang ginawa kong kasalanan. Sana mapatawad niya ako . Sana tulungan niya akong linisin lahat nang kasalanan ko, lahat nang masasamang nagawa ko.

Bigla na lamang bumukas ang pintuan. Iniharang ko ang braso ko sa mga mata ko dahil sa pagkasilaw ko. Sobrang liwanag. Para bang may nag-aaya sa akin na lumabas duon.

Tumayo ako at naglakad palabas nang pintuan na iyon. Nakita ko sila Mom and dad. Kasama ang mga kamag-anak ko na napatay ko. Mga nakangiti silang lahat.

"Anak napatawad kana nila dahil sa ginawa mong pagpatay. Matagal ka na nilang napatawad anak kaya wag ka nang mag-alala. Matagal ka naring pinatawad nang diyos sa kasalanang ginawa mo. " Sabi ni Mom habang nakangiti. Hindi ko na napigilan ang humagulgol dahil sa mga sinabi ni Mom. Niyakap niya ako pati nadin si Dad.

"Anak sumama kana sa amin. Magiging ligtas ka sa pupuntahan natin. " Sabi ni Dad. Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. Gusto ko nang sumama sakanila. Gusto ko na silang makasama muli.

Lalakad na sana kami papunta sa liwanag na nagmumula sa dulo nang bigla akong may marinig na boses.

"Dhom ako ito si Zyron.. Wag ka muna aalis ah? Kailangan kita. Hindi man tayo magkakilala nang matagal pero natutunan ko na makilala ka nang husto kahit sa sandaling panahon lamang. Sana gumising kana para makapag-simula tayo muli nang bagong buhay. Bagong alaala. Gumising ka na please kailangan kita. " Rinig kong boses. Si Zyron? Napatingin ako kay Mom nang hawakan niya ako sa balikat.

"Anak ikaw lamang ang may karapatan para magdesisyon. Hindi kami magagalit sa desisyon mo. Kung hindi man kami ang piliin mo ayos lang hihintayin ka namin sa pupuntahan namin. Iintayin ka namin nang daddy mo. " Sabi ni Mom at ngumiti sa akin kasabay nang pagbagsak nang luha niya. Nanlalabo nanaman ang mga mata ko. Napaka-iyakin ko talaga.

"Anak siguro hindi muna ito ang oras mo. Hindi mo pa oras para sumama sa amin. May misyon ka pa siguro sa buhay. Sige na anak gumising ka na. Hahayaan ka muna namin nang Mom mo sa piling nang lalaking iyan. Dahil sakanya buhay kapa. Dahil sa pagligtas niya sayo pinatunayan niya samin na mabuti ang hangarin niya sayo. " Sabi ni Dad at tinapik ang balikat ko. Tumango ako at pinunasan ang luha ko.

The Diary Of The Dead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon