Salamat Sa'yo.

15 0 0
                                    

Salamat sa'yo

Sa pagpasok ko sa sinasabi nilang ‘Highschool’
Ang tanging nasa isip ko ay mga tanong
Tanong na ako rin ang makasasagot
Tanong na kaylangang paghirapan sagutin

Habang patagal nang patagal ako sa yugtong ito
Mga tanong ko sa isip ay tila unti-unting nasasagot
Ngunit may bumagabag sa’king isip
Ang tanong na ‘May bago ba?’at ang ‘ Mararamdaman ko na ba?’

Nang ako’y sumali sa grupong kinabibilangan mo
Ako’y natuwang nakilala kita, ika’y mabait at masiyahin
Ang loob ko’y masigla pagdating saiyo
Ngunit hindi ko alam ang dahilan nito

Mga linggong nagdaan ng ako’y may naramdaman
Ito’y saya kapag ika’y nandiyan at lungkot kapag wala naman
Ito na nga ba ang simula ng pagsagot ko sa aking mga tanong?
May bago ba akong mararamdaman?

Habang tumatagal napagtanto ko na,
Napagtanto kong ako’y nagdadalaga na
Na Nararamdaman ko na nga
Ang dapat na maramdaman

Subalit ng ako’y tumiwalag sa grupo
Bigla kang nagbago,Nakilala mo ang kaibigan ko
Kaibigang kasabay na sumali sa grupo ninyo
Mas nakilala at nakasama mo siya

Noong panahong ika’y nanligaw sa kanya
Ako ang nagging katulong mo upang makuha ang loob nya
Ilang beses ka niyang inyawan ngunit ipinaliwanag ko sakanya lahat
Mga bagay na hindi mo mabanggit sakanya

Sa mga pagkakataong iyon,ang pakiramdam ko’y hindi ko maintindihan
Tila nagdedebate ang mga ito
Nais iparating na parang ako’y naninibugho
Bakit kaya?sa sagot ako’y nangungulila

Makaraan ang buwan nasagot ko ang tanong na iyon,
Na ang naramdaman ko ay,ay,ayyyyyy
Na ako’y may pagtingin saiyo
Tama ba ito? Ngunit mahal mo ang kaibigan ko,

Ngunit nang ako’y nagtapat sa iyo,Hindi maganda ang balitang natanggap ko
Nakamtam mo napala ang  matamis na ‘Oo’ ng kaibigan ko
Ako’y nawalan ng pag-asa sayo kaya itinago ko na lamang ang naramdaman ko
Kinimkim ko lahat…Nasaktan

Dumaan ang taon,masayang taon para sainyo ngunit masalamuot para sakin.
Ngunit dumating ang araw na ika’y aking kinalimutan
At akoy namuhay na nang payapa,
At nandiyan ka ngayon nagluluksa dahil kayo ay tapos na

Huwag kang mag-alala hindi na kita muling guguluhin
Kaya ang huling masasabi ko sayo,
Salamat, Salamat sa'yo
Dahil pinatunayan mong tama ang mga desisyon ko!











A/N:
Thoughts? Tweet me @dyinsel_ with #SalamatSayo.
Thanks for reading. Next week I'll post another poem.

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon