Aminan

17 1 0
                                    

Sa buhay hindi maiiwasan ang away ng magkakaibigan.Hindi ko kayang magsalita ng harapan kaya ito nalang yung ginawa ko.

Hindi ko alam kung kayo ba'y kaibigan,
Sabi nila'y kayo raw ay aking layuan,
Ngunit hindi ko alam kung sino bang dapat pakinggan,
Pakisabi nga? Totoo ba ang ating pagkakaibigan?

Sa mga nagdaang araw,ako'y masaya,
Pagkakaibiga'y ayaw nang mawala,
Ngunit may isang taong saaking nagalala,
Kayo raw ay hindi ko pa kilala.

Isang taong saakin ay may malasakit,
Kayo raw ay mapanlait,
Saakin ay kanyang sinambit,
Mga katotohanang na sa puso'y kay sakit.

Ang hirap tanggapin ng inyong nagawa,
Ngunit ako' y nabigla,
Nang pakikitungo nyo biglang nag-iba,
Ito kaya'y totoo o pagpapakitang tao lang?

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan,
Kung sino ba ang dapat samahan,
Peke nga lang ba itong pagkakaibigan,
O sila'y sadyang kayo'y nais sinisiraan?

Maiiwan na namang blangko,
Isip koy naninibugho sa sagot nyo,
Nais kong malaman nyo,
Sana'y pakinggan nyo.

Sainyo ako'y totoo,
Hindi man ako perpekto,
Pero sinisigurado ko,
Lahat ng pinapakita ko'y totoo.

Hi guys! Feel free to message me. Hahahahhha Thank you

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon