Bakit Ikaw Pa?

5 1 0
                                    

A/N: I am back on track! Sana magustuhan nyoooo! Tweet me @dyinsel_ for your thoughts!!!

Spoken Poetry Entry # 1

Bakit ikaw pa?

Sa dinami dami ng tao sa mundo,
Bakit sayo pa tumibok ang puso ko?
Sa dinami dami ng lalaki sa paligid ko
Bakit ikaw pa ang nakapukaw ng atensyon ko?

Ano bang meron sayo,
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko.
Anong meron sayo?
At sa madaling panahon ay nahulog ako.

Nang makilala ka nang lubusan,nasagot ang katanungan.
Napagtanto ko ang iyong kaibahan.
Na hindi ka katulad ng aking inaasahan.
Kakaiba ka.At ika'y nagparamdam din saakin ng kakaiba.

Sa matatamis mang salita.
Matatalinhagang tula.
O di kaya sa magagandang talata na ang mga labi mo ang bumibigkas.
Hindi na ako magtataka.Kung bakit sayo ako'y nahulog na nga.

Sa bawat tula,may galak na nadarama.
Sa bawat talata ay may ngiting sa labi koy pumoporma na para bang sirang makina na bigla nalang gagana.
Ang saya sayang nasasabik akong umuwi dahil alam kong makakausap na naman kita.
Ang sarap mabuhay dahil anjan ka.

Lahat ng bagay ay tila ba gumagaan.
Sobrang saya sa pakiramdam.
Ngunit hindi ko inaasahang,panandalian lang pala ang saya.
Na hanggang dito lang ang dulo ng lahat.

Na ang nakasanayan ay tila ba matutuldukan,mawawakasan ng ganon ganon nalang.
Na ang lahat pala nang iyon ay walang katotohanan.
Na parte lang ng palabas.
At sadyang mahusay kang maglaro ng mga salita.

At sa iyong paglalaro ng salita,may babae na naman na ang mga lalaki'y isusumpa.
Mahihirapan makaahon
Mahihirapang huminahon
Sakit at sugat na matagal bago humilom.

Kaya bakit ikaw pa?
Ang napukaw ng aking mga mata,
Bakit sayo pa?
Nakaramdam ng kaba.

Kung ako'y pinangakuan mo lang,
Pero iiwan mo ding sugatan.
Ako' nagsisisi na,
Kung bakit ikaw pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon