Chapter 1Hershey's Point of view
"Hershey..." That voice. That voice sounds familiar.
Teka nasan ako? Bakit puro puti lang ang nakikita ko dito? Nasa langit na ba ako?
"Hershey..." May tumatawag sakin na kung anong boses. Boses lalaki siya. Hinanap ko kung saan galing yung boses na yun pero walang ibang tao dito kundi ako lang. Napa-upo na lang ako at pumikit. Baka sakaling pagmulat ko ay panaginip lang ang lahat.
Panaginip lang ito, Hershey.
"Hanapin mo ako pagkatapos nito... hanapin mo ako, Hershey..." Muling nagsalita ang nagmamay-ari ng boses na narinig ko. What does he mean? I don't know but there is something that's forcing me to find him. Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Why is this happening to me?
Hershey...
Hershey...
Hershey...
Hanapin mo ako...
Ugh! That voice keeps on echoing in my mind. It's so loud.
Tatayo na sana ako nang biglang nagdilim ang paligid. Nilibot ko ang paligid ko nang napansin kong wala na akong tinatapakan.
Bigla akong nakaramdam ng paghulog. Nahuhulog ako ng parang walang katapusan. Napakalakas ng pagkahulog ko na parang tumataas na yung puso ko. Napapikit ako sa sobrang sakit na nadarama ko.
Panaginip lang ito...
"Hershey.."
"Hershey!"
Narinig ko ang boses ni Nova na tumatawag sakin.
"Hoy bruha, gumising ka na dyan!"
Napamulat ako sa sobrang lakas ng boses ng bruhang si Nova. Bumangon na ako mula sa kama ko at inaalala ang mga nangyari. Panaginip nga lang ang lahat.
"Shey! Maligo ka na at may pupuntahan pa tayo!" Teka ano nga palang ginagawa ni Nova dito?
"Huy Nova, anong meron? At saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang siya naman ay nangangalkal ng damit sa kabinet ko.
"Hershey, summer na oh! Hindi ba pwedeng gumala-gala din tayo?" Hmm. Sabagay tapos na rin ang graduation.
"Oh yan, sige na maligo ka na!" sabi niya at tinulak ako papuntang banyo. Hay.
May bigla akong naalala..
"Hanapin mo ako, Hershey.." Nagecho ang mga katagang iyon sa isip ko.
Oo, hahanapin kita...
~×~
"Huy teka nga! Saan ba talaga tayo pupunta?" naiinip kong tanong kay Nova. Paano eh puro 'basta' na lang ang sinasagot.
"Basta~" Oh, kita niyo na.
"Anong klaseng lugar naman ang 'basta'? Meron ba yan sa google map?" Full of sarcasm ang pagkasabi ko nun. Tumawa lang ng parang baliw si Nova.
Nandito kami sa loob ng kotse niya at siya ang driver. Buti sumipag na 'tong bruha na 'to. Tumingin muna ako sa relo ko at tinignan kung ano oras na. Nine o'clock na pala? Ganun ba ako katagal matulog?
Pagkalipas lang ng ilang minuto, nakarating na din kami sa 'basta' na sinasabi ni Nova.
"Andito na tayo. Tara na!" Pagkalabas namin ay isang sky ranch agad ang bumungad sakin. Parang may naramdaman akong kakaiba.
Nilibot ko ang tingin ko, marami din palang ibang rides dito.
"Naghihintay na si Clover satin. Tara na sa sky ranch!" Nandito din pala si Clover? Well, pinsan siya ni Nova na close friend ko rin.
Sa 'di kalayuan, nakita na namin si Clover na kumakaway sa direksyon namin. Binilisan na namin ang paglakad or rather say tumakbo na kami papunta sa kanya.
"Clover! Nakabili ka na ng ticket natin?" Tumango at ngumiti lang si Clover kay Nova. Alam niyo kasi, tahimik lang yang si Clover. 'Di katulad ni Nova na napaka-mabunganga.
"Tayong tatlo lang ba ang magkakasama?" tanong ko sa kanila. Minsan kasi kapag gagala kami eh halos kalahati ng klase ang kasama namin.
"Ay, hindi yata. Dalawa lang kayo. Picture lang ako, picture," sarkastikong sabi ni Nova. Bruha talaga yun.
"Tara na. Naiinip na ako dito noh." Nagulat kami nang magsalita si Clover. Pumunta na kami sa entrance ng sky ranch. Buti nauna kami sa pila.
"Dalawahan lang po ang ride. Sino po sa inyo ang magkasama?" sabi ng cashier.
"Kayo na lang ang magkasama," sabi ko sa kanila. Okay lang naman sakin eh. Sanay na akong maiwan. (Ang deep nun ah.)
"Sure ka bruha?" Tinanguan ko lang sila at sumakay na. I guess mag-isa na lang ako.
"Miss, hindi po pwedeng mag-isa lang kayo. May iba pa ba kayong kasama?" sabi ulit ng cashier. Ano? Eh sinong kasama ko?
Umiiling lang ako sa tanong niya. Tumingin naman siya sa likod ko. Tumingin din ako sa likod ko at merong isang lalaking mukhang mag-isa lang.
"Ah, sir! Pwedeng kayo na lang po ang magkasama sa isang ride? Hindi po kasi pwede ang mag-isa lang," sabi niya dun sa lalaking nasa likod ko.
"Ah ganun ba. Sige okay lang sakin." Hindi ko masyadong narinig yung sinabi ng lalaki dahil may nagplay ng napakalakas na music. Ano ba yan, ang sakit sa eardrums!
Pansin kong mukhang pumayag si kuya stranger. Wala na akong choice. Nakasakay na kami eh. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo. Takot ako sa heights. Ang galing lang, diba?
Naramdaman kong umandar na yung sky ranch. Buti nga mabagal pa eh. Thirty minutes kaya ito! Edi thirty minutes din kaming nakasakay dito? At itong stranger pa ang kasama ko? Hay. Destiny nga naman oh.
Habang papataas kami, hindi ko maiwasang mapapikit. Sumilip lang ako saglit at tumingin sa may labas. Nakaramadam agad ako ng kaba. Pumikit na lang ako ulit.
"Wag kang matakot.."
Yung boses na yun. Magkaparehas sa boses ng nasa panaginip ko. Napamulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko. Totoo ba 'to? O panaginip nanaman ba 'to? Tumingin ako sa labas at ang taas na ng sinasakyan namin. Nakaramdam ulit ako ng kaba.
"Hey.. tumingin ka lang sa'kin," kalmadong niyang sabi. Tumingin naman ako sa kanya, nakatingin din siya sakin. Nawala ang kaba na naramdaman ko. Ang weird, pero bakit ganito? Kinakabahan ulit ako. Pero hindi dahil takot ako. Dahil sa narinig kong boses ng kasama kong lalaki ngayon.
Ramdam kong bumababa ang sinasakyan namin. It feels like I'm falling.
"Oh, diba. Hindi naman nakakatakot. Wag kang mag-alala nandito lang ako..." Tinignan ko ulit siya, nakatingin lang siya sa labas.
Yung boses niya. Magkaboses na magkaboses talaga sila nung nasa panaginip ko.
Hershey...
Muling nagecho ang boses niya sa isip ko. Siya na ba? Siya na ba ang hinahanap ko?
×|×|×|×|×
Author's note: Hello sa'yong nagbabasa nito! Anong masasabi mo sa chapter one ng story ko? Please comment ka na lang sa comment box para alam ko. Tapos kung nagustuhan mo naman ito, just tap or click ☆vote! Salamat kasi binasa mo ito. Ciao~
BINABASA MO ANG
Escaping My Dreams - [Under Revision]
Teen FictionNasubukan mo na bang ma-inlove sa isang taong panaginip na lang? a/n: updates for this story are cancelled because of school. bruh, I need patience.