Chapter 3
Pagkauwi ko sa bahay namin wala akong ibang ginawa kundi kumain habang nakatingin sa kawalan. Ewan ko ba. Ano bang nangyayari sakin? Napaisip ako. Yung kanina, may kuryente talaga nung hinawakan ko yung kamay niya. Hindi ko maexplain eh. Ngayon lang to nangyari sakin. What's up with me?
Chineck ko ang oras at mageeight o'clock na. Nakaramdam ako ng antok at napahikab na parang leon. Unti unting dumilim ang paningin ko. And all went black.
• ● •
Playground
Sigaw ng mga batang naglalaro ang mga naririnig ko. Umupo ako sa isang swing dito. Ramdam ko ang malamig na hangin sa balat ko. Pumikit ako saglit at minulat rin ang mga mata. Ilang sandali lang, parang bumagal lahat ng nasa paligid ko nang nakita ko siya. Ang lalaking nasa panaginip ko.
Tumigil ang oras. Pati na rin ang galaw ng paligid nung time na nakita ko siya ulit. Tumingin siya sakin at saktong sa mata pa at ngumiti siya ng napakatamis na dahilan kung bakit may naramdaman akong kakaiba.
Dugdugdugdugdugdug
Bakit? Bakit ganito? Naramdaman ko din ito nung time na sinabi niyang 'wag akong matakot, yung time na pinakalma niya ako.
Biglang naglaho ang lahat. Parang isang bula lang.
Naalimpungatan ako ng may kumalabit sakin. Napamulat ako. Panaginip nanaman.
"Shey! Kain na tayo! Tumayo ka na diyan." Si kuya lang pala. Grabe sumigaw eh. Tumayo na ako sa kama ko. Nang lalabas na ako, naalala ko ulit ung panaginip ko. Bakit ba siya laging nagpapakita sa panaginip ko?
Dugdugdugdugdugdug
Napahawak ako na dibdib ko. Ano ba 'to? May sakit na ba ako sa puso?
Ang OA mo naman! Hindi yan sakit sa puso. Tawag diyan INLOVE! Inlove ka na noh. --nagsalita ung utak ko.
Inlove? Anong sinasabi mong inlove diyan? Hindi ako inlove.
Eh hindi mo pa naman kasi alam ang pakiramdam ng inlove. --umeksena nanaman si Utak.
Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan noh. Pero...
"Hoy Hershey! Kanina pa kita tinatawag!" Sigaw ni kuya mula sa kusina. Hay. Nevermind.
Tuluyan na akong lumabas at bumama na para kumain.
• ● •
Isang malalim na buntong hininga ang tanging nailabas ko. Pansin kong medyo umiinit na rin dito sa kwarto ko kaya naisipan kong lumabas muna at maglakad-lakad lang.
"Ma, alis muna po ako. Diyan lang po ako sa Park," paalam ko at tuluyang umalis.
Matawagan nga muna si Nova.
Dialing...Nova...
"Oh, napatawag ka?"
"Grabe, hindi uso mag-hello? Nga pala, free ka ba ngayon?"
"Ay sorry! Papunta na kami sa probinsya eh. Bakit? Anong meron?"
"Ah ganun. Sayang, may ikukwento sana ako sa'yo eh." Alam kong hindi palalampasin ni Nova yung kwento ko eh. Hehe.
"Uy! Ikwento mo na, dali! Ano ba yan, hah?" Excited much ah.
"Diba... kilala mo si-"
"Sino?!"
"Ay grabe, patapusin mo muna kasi ako! Si ano... si Orion Cruz." Nanginginig ung mga labi ko nang sabihin ko ung pangalan niya. Bakit ganun?
"Oo naman! Si kuya pogi un. Oh, bakit un?"
"A-h kasi... ano.. kapitbahay naman sila-"
"Omyghad! Talaga? Halla sayang, wala ako diyan ngayon! Peste babalik ako diyan kung pwede lang eh!" Grabe, ang lakas ng boses niya. Mabibingi ako neto eh.
"Hinay hinay lang sa boses, uy! Alam mo kasi pinadala sa'kin ni mama ung cake para sa familiy ni Orion. Kaya nagkita kami."
"Uy! Gwapo ba sa personal?"
"Sakto lang! At, alam mo ba?"
"Hindi ko alam, bakit?"
"Nahawakan ko yung kamay niya--"
"Omygahd! Omygahd! Anong nangyari?"
"Ang OA mo! Nakipagshake hands lang siya! Oy, alam mo ba kung bakit may naramdaman akong kuryente nung nagdikit yung kamay namin?"
"Halla, te! Spark ang tawag dun! Pati ba naman yun hindi mo alam? Yie! Kinikilig ako. Uy, ibaba ko na. Aalis na kami. Bye! Mamimiss kita bruha!"
Binaba niya na. Hay. Mag-isa nanaman ako ngayon. Naalala ko... sa tuwing mag-isa ako...
Dugdugdugdugdugdug
Sa tuwing mag-isa ako... nagpapakita siya--
"Excuse me, miss."
Dugdugdugdugdugdug
Heto nanaman ung puso ko pag nakikita siya..
"May kilala ka bang...
Hershey Ocampo?"
×|×|×|×|×
A/N: Sorry, short update lang~ Hehe. Naspace out kasi ako.
Read.Vote.Comment.
BINABASA MO ANG
Escaping My Dreams - [Under Revision]
Teen FictionNasubukan mo na bang ma-inlove sa isang taong panaginip na lang? a/n: updates for this story are cancelled because of school. bruh, I need patience.