Drunk (One shot)

128 7 5
                                    


Ring.... ring.... ring...


Hello*hik* james......

Ann lasing ka nam---

Shhhh hindi ako lashing bat ba*hik* ang manhid mo paasa!! Alam mo ba mahal na mahal kita kaso ang *hik* ang manhid mo nga....

Teka lasing ka na talaga nasan ka ba----

Toot.. toot... toot....

****

Ahhhg anong oras na ba...

Oras na para gumising ka tumayo ka na nga....

Teka pano ko nakauwi sa bahay.....

Wala ka bang naalala??

Wala nga.... Sabay hawak sa ulo ko


Hinatid kani james dito sinukahan mo pa nga sya dis Oras ng gabi biglang may kumakatok nako.


S-si ja-james hinatid ako lalagot baka kung ano na sinabi ko sa kanya..

Oo tumawag ka nga daw eh hindi kaya nag tapat kana sa kanya....

Hoy wag ka ngang ano dyan kinakabahan na ko.....

Asus kunwari kapa inom ka kasi ng inom  hindi mo naman kaya....

Manahimik ka na nga wait tatawagan ko lang si james.....

Ring ... ring.... ring....

He-hello James

Oh napatawag ka... natatawa nyang sabi lalo lang tuloy akong kinabahan

Ah ano kasi....

Masakit ulo mo no inom pa Hahaha....

Ahm james may sinabi ba ko sayo na weird....

Weird?? Wala naman hahaha sige bye...

Teka wait ser--

Toot... toot... toot

Leche binabaan ako bwiset... sabay bato ng cellphone ko sa sofa

Hahahaha ang epic ng mukha mo.... sabi ni Christine

Shut up di ka nakakatulong ahhhg ang tanga ko talaga nakakainis....

Hayss bat kaba kasi nag inom....

Nag kayayaan lang kunting inuman....

Konti niloloko mo ba ko ha? Konti ba yung limang case ng red horse sinong niloloko mo....

Ano ba Chris manahimik ka na....

Oo na titigil na ano kaya kung ilibre mo sya tapos kulitin mo....

Haysss wala na kong mukang ihaharap sa kanya....

Buti alam mo sige na aalis na ko ikaw Hindi Papasok....

Hindi! Wala ako sa mood....

Oh sige bye...  paglabas ni Chris tumayo agad ako At pumunta sa CR para maligo dahil gagawin ko yung sinabi ni Chris na ilibre ko si james Ewan ko lang kung hindi maging awkward yung usapan namin sana hindi...

*Ligo*
*Ligo*
*Ligo*
*Bihis*
*Bihis*
*Bihis*

Ring.... ring ... ring...

James! Sigaw ko

Huy ang sakit sa tenga ah bakit ba... natatawa naman nyang sabi

Ahm la-labas tayo libre ko....


Oh bat nauutal ka.... nangiinis talaga sya

Manahimik ka!!!!

Ah oo na sige San ba tayo pupunta...

Basta .....

******

Wow mamahalin yung pagkain dito nakain mo....

Tsk tumigil ka nga umorder ka lang ng kahit ano ako mag babayad....


Bakit ba kasi anong meron....

Libre ko yan ok malaking abala yung nagawa ko sayo kagabi....

Hahaha buti alam mo sige saglit lang oorder ako ikaw ano gusto mo....

Tubig na lang...

Ok.... Pag kaalis nya nag punas agad ako ng pawis juice colored kinakabahan ako agad naman syang dumating.....


Bakit parang wala ka sa sarili may problema ba.... concerned nyang sabi

A-ako ano kasi.... sabay kamot sa ulo ko

Ano!



Ano ba y---


Mamaya na kakain na ko ito nga pala tubig mo... bad timing naman oh habang nakain lang sya nakatingin lang ako sa kanya

Wag mo nga akong tignan nakakailang...

Opo na po... nilibang ko na lang sarili ko sa cellphone hanggang sa natapos sya...

Ok tapos na hayss ang sarap.....

Oh sige saglit lang babayaran ko lang....

Ah sige aantayin kitA...
Umalis na ko at nag bayad pag balik ko nakangisi lang sya.. 

Anong nginingisi mo dyan....

Wala high blood mo!

Tsk....

Oh sige na tara na alis na tayo..... akmang tatayo na sya ng bigla ko syang pinaupo

Saglit lang!

Huh? Bakit?

Ahm ano kasi gusto ko lang tanungin Kung ano yung sinabi ko sayo kagabi....

Ah yun ba wala yun naintindihan naman kita lasing ka nun...

Hindi mo sinasagot tanong ko hmmp....

Tsk oo na ikekwento kona....

Good.... maya maya nagulat ako sa ginawa nya ginagaya nya boses ko at nag kwento


Hello*hik* james......

Ann lasing ka nam---

Shhhh hindi ako lashing bat ba*hik* ang manhid mo paasa!! Alam mo ba mahal na mahal kita kaso ang *hik* ang manhid mo nga....

Teka lasing ka na talaga nasan ka ba----


Oh bat mo hininto ituloy mo

Binabaan mo ko...

Ga-ganun ba... biglang namula yung pisngi ko


Oh yung pisngi mo....


Tsk...


Nga pala naintindihan naman kita lasing ka nun siguro nag kamali ka lang ng pundit siguro yung ex mo yung tatawagan mo sino ba yun si Jake yung tatawagan mo eh magkasunod kasi yung name namin eh nalito ka lang...

Ha ah oo nga siguro... napaisip ako buti nalang may pag ka manhid tong kaibigan ko hu nakahinga ako ng maluwag sa totoo lang sya talaga ang tatawagan ko Hindi si ex wala na kong pakealam dun si james talaga pero Bakit na dissappoint ako sa sagot nya--


Huy ok ka lang...



Ha ah oo ok lang ako...

Tara na ....



Ah oh sige....






Ito po ang pangalawang one shot story ko sorry medyo maiksi tinatamad kasi hahaha panget no hahaha

Drunk (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon