Chapter 1 (KL)

17 0 0
                                    

Authors note: please take note lol, lahat ng character, places, happenings na mababasa nyo sa story na to ay pawang kathang isip lamang po. Uulitin ko, imaginary lang ng author. Kung may instances man na maihahalintulad ang tao,bagay, o pangyayari sa istoryang ito. coincidence lang po yun o nagkataon lang. Wala po akong pinag gagayahan. inspiration at hugot lamang. Salamat po :)
Read at your own risk!! :

Kl's POV
First day second sem. November 5, 20xx
Nandito kami sa classroom katabi ko syempre ang bestfriend ko si annie, so far hindi pa present lahat ng classmates namin. Karamihan sa nandito kilala ko na kasi block section ako at halos lahat ng nandito eh kablock ko nung 1st sem. Pero base sa nabasa ko sa group chat namin sa facebook, may 3 bago daw kaming kaklase pero wala pa naman akong nakikitang bagong mukha.

After ilang minutes, dumating na yung prof namin. sa 1st at 2nd subject. Puro introduction lang. Eh 2 subjects lang naman kami ngayon. At first day pa hindi nga present lahat e, as usual may mga may hang ove pa pang sembreak.

"Bestie san tayo?" Tanong ni annie sakin ang aking bff habang magaayos kami ng gamit.

"Edi uuwi! wala naman na tayong klase diba? Tsaka 11:00 am pa lang naman!" Sagot ko naman sa bff ko.

" Eh ayun na na bestie! 11:00 am pa lang! Uuwi na agad tayo? Ayaw mo man lang bang mag stroll muna sa mall at dun na maglunch? dnt tell me nagtitipid ka? ah uh hindi uso sayo yun para lang maalala mo" sagot naman ng bestie ko with matching taas pa ng kilay na kunwari nagataray.

"Tinatamad ako!" pang aasar ko naman. Alam kong pipilitin nya ako.

"KJ mo!" medyo naiinis ng sagot ng bff ko. HAHAHA ganyan lang yan pero di nyan kaya magalit sakin dahil lang sa maliit na bagay.

" Joke lang syempre! matitiis ba naman kita na di samahan sa gala mo! lez go!" pagyaya ko matapos namin ayusin gamit namin.

Habang naglalakad kami palabas ng school hindi matigil sa kakadada tong bff ko hanggang sa makasalubong namin yung mga kaibigan namin. Tekaa blckmates namin tong 3 to ah, bat di ko nakita sa room to? tsk.

"Tekaaaa! hoy jose,fernando at benjamin first day na first day absent kayong 3? At talagang nagtakip pa kayo ng mukha nung makasalubong nyo kami ah!" Bulyaw ni annie sa 3 naming kaibigan. Ako naman natatawa lang sa gilid nya, hahaha kaya nagtatakip yang mga yan e. alam nilang di sila tatantanan ng bibig ni anniebels hahaha. At ayaw nilang tinatawag sila sa mga pangalan nilang yan kasi alam nyo na. Boys are boys hahahaha.

"Ang ingay mo naman kasi. Kaya nung nalaman namin na blockmate ka ulit namin tinamad kami pumasok!" Natatawang sagot naman ni jose. Calvin jose Torres ang full name nya. Calvin ang tawag namin sa kanya pero pag naiinis kami sa knya jose ang tawag namin HAHAHA.

"Bwiset talaga kayo! bahala kayo sa buhay nyo, di kayo invited sa birthday ko!!!" bulyaw naman ni annie, kahinaan ng 3 itlog na nasa harap namin ang food at alam nilang kapag birthday ni annie bumabaha ang food kaya naman.

"Sorry na po ateng maganda!" sabay na sabi ng tatlo kay annie.

"Yan! dapat ganyan." sagot naman ni annie.

"Teka san ba kayo pupuntang dalawa?" tanong naman ni fernando, Aaron fernando Rivera naman ang full name ng isang to. Ivan pag mabait sya at fernando kung hindi lol.

"Sa mall kakain ng lunch" sagot ko naman para naman ma feel nila na andito ako Diba. Jokes

"Uyyy KL! kakain kayo? Libre nino?" Tanong naman ng pinakamatakaw saming 5 na magkakaibigan si benjamin, Marc benjamin Leandre ang full nya benj ang tawag namin sa kanya kapag mabait sya at benjamin kapag hindi.

"KKB! wag kang kuripot kung gusto mo kumain!" Sagot naman ni bff ko.

"Ay sayang naman, di ako kuripot! Mas masarap lang talaga pag libre. masyado ka naman!!" sagot naman ni benj.

Alam kong hindi matatapos ang bangayan nila, dahil alam kong namiss nila ang isat isa, kaya naman nauna na akong maglakad papuntang sakayan ng jeep kung san sasakay kami papuntang mall at alam kong susunod din sakin yang mga yan! at hindi naman ako ngkamali dahil pagsakay ko ng jeep kasunod ko na yung 4 na magulo.

" bestie sabi sakin nitong 3 itlog na to may bago daw tayong blockmate na kamukha ni james reid na meet daw nila kanina " sabi sakin ni annie.

"Bestie hinaan mo nga boses mo, andaming tao oh at nasa jeep tayo" sagot ko naman. Hindi ko muna pinansin yung sinabi nya kahit gigil na gigil na akong magtanong dahil love na love ko si jame reid. Like duh janes reid oh my golly. mamaya ko nalang sila tatanungin pag nasa mall na kami.

Malapit lang ang mall sa school namin 7 pesos nga lang pamasahe e. kaya di nagtagal nakarating na din kami sa mall at kumain sa Good Food resto.

Habang hinihintay namin yung order namin, di na ko nakatiis na magtanong.
"Oy kayong tatlo! totoo ba na may bagong kaklase tayo na.." di na ko nakataposa sa sasabihin ko nung sumingit si calvin

"Kamukha Ni james reid? oo totoo!" sagot ni calvin

" Weh! baka naman iniechos nyo lang ako ah, wag nyo akong paasahin. kahit sanay na akong umasa masakit pa din" sagot ko naman

"Wow hugot! Magtatanong ka nalang ng tungkol sa papabol may hugot pa!" singit naman ni Aaron

"Ano ba! totoo ba kasi?" medyo naiirita kong tanong

"Hay nako sagutin nyo na yan si bestie. di kayo titigilan nyan" sagot naman ni annie

Napatingin naman ako sa kanilang tatlo at nagkwento naman si Aaron.

"Oo totoo! kaibigan na namin sya. Kasi nakalaro namin sya sa basketball sa subdivision namin at naikwento nya na bagong lipat sila at lumipat sya ng school which happens to be our school din kaya tinanong namin sya anong section nya at ayun nalaman namin na ka block natin sya! At kaya sya absent ngayon ay dahil tinatamad pa daw sya pumasok kaya nisipan din namin na wag muna pumasok hehe. Okay na?" Pagkwento naman ni aaron

Teka kung transferee sya edi dapat iregular sya at hindi sya pwedeng masali sa block section? Hmmm.

"Eh bat nakablock sec sya? Eh transferee sya?" Tanong ko naman

"Duhh, (paggaya sa way ng pagsabi ko) since hindi naman sya nagshift ng course edi credited lahat ng subj nya at saka connections you know?!" sagot naman ni aaron

"Wow ritskid (richkid) connections" sagot naman ni anne

"Hindi naman ganun ka rich. May kaya oo pero di mayaman to the point na imposible na gets?" Sagot ni Aaron

"EDI wow" tanging sagot ko nalang.

At saktong pagdating naman ng order namin.

" Wow akala ko kuya bukas pa to e. jokes!" pagbibiro ni benj sa waiter na nagbigay ng order namin. At iniabot nya yung byad namin kay kuyang waiter.
"Keep the change" dagdag pa ni benj nung maiabot nya yung bayad.

"Kung maka keep the change ka naman kala mo ang laki ng sukli, eh 5 pesos lang naman" pag angal ni calvin

"Atleast may sukli pa. Kumain ka na nga lang! ang dami mong hanash (hanash means salita o sinasabi)" sagot naman ni benj.

Napailing nalang ako. Makukulit man yang mga yan. Loves ko yan as a friend ah. Hmmm wag issue after namin kumain nagsiuwian na din kami dahil maaga pa pasok bukas at papasok na yung tatlo mehehe. Kahit naman barkada namin sila di namin itotolerate pag mali.

Nakauwi ako sa bahay ng buhay at kompleto. Iriready ko naman ang sarili ko para bukas.

--------------------------------------
All rights reserved
Written by: ayedreamer

I've been waiting for thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon