Chapter 9 (letter)

4 0 0
                                    

Chapter 9 (letter)

KL's POV

"I...ikaw?" Ang tanging nasabi ko ng makita ko ang mukha ng lalaking nasa harap ko. At unti uti ng tumulo ang luha ko at naramdam ko nanaman yung sakit.

May sinenyas ai gabby kay aaron kaya tumingin ako kay aaron.

"Masaya daw sya na nandito ka" sabi ni aaron
Hindi ako makapag salita. Hindi ko alam yung dapat kong ireact.

Tumingin si gabby sa mommy nya at may sinenyas sya. Tapos may iniabot na papel sakin ang mommy nya.

"Sinulat nya yan nung nalaman nyang malala na ang sakit nya. At nahihirapan na syang magsalita para sayo yan basahin mo daw" sabi ng mommy nya.

Dali dali kong binuksan ang letter at tinignan si gabby bago basahin iyon.

"Hi KL :) my TOTGA (the one that got away)

Alam kong galit ka sakin dahil sa ginawa ko noon. Ako ang first love at first heartbreak mo. Sorry kung nasaktan kita. Mga bata pa tayo nun pero alam kong nasaktan kita. Gusto kita noon pa. Noong pinahiya kita sa harap ng klase, noong sinabi ko na niloloko at pinapaasa lang kita. lahat yun? HINDI TOTOO. Naglaro kami nila marc noon. At pag natalo ako kailangan kitang saktan. Hindi ako pumayag nung una, pero dahil mga bata pa tayo hindi ko alam na ganun ka maaapektuhan sa gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit yun ang hiningi nilang kapalit sakin. Sana KL mapatawad mo ako. Sana patawarin mo ako. Lumipat ako ng school para di mo na ako makita at makalimutan mo na yung sakit. Pero bumalik sakin yung ginawa ko. Kasi nung hindi na kita nakikita unti unti kong narealize yung ginawa ko at ang tanga tanga ko para pakawalan ka. Hanggang dito nalang. Im so sorry kl. ngayon na ako magpapaalam sayo. Salamat sa pagiging inpirasyon ko :) sana sumaya ka sa lalaking mamahalin mo at sana wag ka nya pakawalan at saktan gaya ko. Gusto kita at alam kong mahal na kita. Wag mo akong alalahanin, mapatawad mo lang ako masaya na ako. Take care prinsesa ko :) GOODBYE! Salamat sa lahat.
Love gabrielle"

Tumutulo ang luha ko habang binasa ko ang sulat nya. Nung matapos ko magbasa tumingin ako sa kanya. At sabi nila pwede ko sta kausapin kasi naririnig nya ako pero hindi na sya makakapagsalita.

Lumapit ako sa kanya at nakita kong ngumiti sya. Nahihirapan akong makita syang ganyan.

"Gabrielle" umiiyak kong sabi. Nakatingin lang sya sakin.

"Pi..pinapatawad na kita. Wag mo ng iisipin yun ha" nakita kong tumango sya ng marahan.

"Salamat :) salamat sa lahat" yun nalang ang nasabi ko kasi sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

Nakita kong sumenyas sya kay aaron at tumango lang si aaron.

Maya maya pay inaya na ako ni aaron umuwi.

Buong byahe tahimik lang ako. Balak ko na dalawin sya ulit next saturday.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ang bigat ng pakiramdam ko dahil naaawa ako sa kanya.

Pababa na ko ng sasakyan ng pigilan ako ni aaron.
Nilingon ko sya
"Salamat :) " sambit nya. Nginitian ko lang si aaron at pumasok na sa loob. Ng bahay para makapagpahinga. Masyado ng mahaba tong araw na to para sakin.

----------------------------------------
AN: maiksi dahil medyo mabigat. Move on na tayo sa next chapter :)

I've been waiting for thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon