Chapter 4 (revealed)

5 0 0
                                    

Chapter 4 (revealed)

Kl's POV

Ilang araw na din ang nakalipas simula ng magstart ang 2nd sem. Ang bilis talaga ng panahon.
Saturday ngayon at wala kaming pasok.
Tetext ko na nga lang si ANNIEbels

To bff anniebels: hoy bruha musta?

At nagreply naman agad

From bff anniebels: otw na ko sa inyo. Dyan ako maglalunch.

Whut the. Di ko na sya nireplyan at naligo na ako. 10 am na kasi pero nakahiga pa din ako kasi wala namang pasok e. bat kaya puounta yun dito.

Sakto paglabas ko ng cr, nandun na si annie sa baba kasi may note sa pinto ko galing kay ate len. Kaya naman pagkabihis ko inaya ko na si annie umakyat.

"Bat ka andito?" Tanong ko kay annie pagpasok nya sa kwarto ko.

"Wow bestie! Wala man lang goodmorning bestie or hi bestie dyan? Alam mo for a bff? Youre rude" sagot naman ni annie

"Wow kung makapagsalita para namang naghello ka man lang sa text eh otw nga agad txt mo (otw-on the way) " natatawa ko namang sagot.

Hayy nako talaga tong bff ko.

"Nandito ako kasi bored ako gets?" Sagot naman ni annie

"Yeah right" sagot ko naman. Nang may bigla akong maalala

"Bestie bakit ang init ng dugo mo kay jack?" Tanong ko kay annie.

Nagulat sya sa tanong ko kaya mula sa pagkakahiga nya sa kama ko eh napatayo sya. At tumingin sakin ng nakakunot ang noo.

"Oh bakit? Baka gusto mo sagutin yung tanong ko." Sabi ko kay annie.

"Wa..wala ah. Di ko naman sya sinusungitan ah!" Sabi ni annie.pero nagiwas sya ng tingin sakin at kinuha yung box ng cookies sa side table ko.

Binawi ko yun sa kanya kaya inirapan nya ako.

"Sagutin mo muna" sabi ko

"Sinagot ko na ah" -annie

"No ope" ako

" oh sige. Ganito kasi yun, pano naman pag ikikwento ko sayo may humaharang. Juskoo!!" Naiiritang sabi nya at bumuntong hininga.

"Tuloy! Pabitin e " sabi ko naman

Tumingin sya sakin at nagsimulang magsalita
"Naalala mo bestie nung tinext kita 2 weeks bago magpasukan na magkita tayo sa mall kasi nandun ako at wala akong kasama?" Sabi ni anne

"Oh? Tuloy lang!! " sagot ko naman pabitin e .

"Kaso buong araw ka nagtulog kaya nabasa mo yung text ko 11 na ng gabi, kaya no choice ako nung araw na yun kundi mag gala mag isa. Pumunta ako ng bookstore dun para bilhin yung book na gustong gusto ko. Kaso isa nalang, sabay naming kinuha yun nung jack! Kaya nag agawan kami kasi in 2 months pa dadatin yung bagong stocks. Eh sa sobrang hila ko sa libro nung bigla nyang bitawan tumalsik ako. At imbes na tulungan nya ako tinawanan nya lang ako at iniwan!! Antipatiko yun. Pero binili ko yung book at nagikot bumili ako ng ice tapos habang kumakain ako ng ice cream nakita ko na makakasalubong ko sya kaya pagkatapat nya sakin sinadya ko na matapon yung ice cream sa kanya kaya ayun! Para makaganti ako. Pero naiinis pa din ako sa kanya." Natapos magkwento si annie ng nakabusangot ng mukha. At tinignan ako.
I swear pinilit kong pigilan pero natawa talaga ako e.

"HAHAHAH grabe ka bestie! Nagawa mo yun? Sya nga natapunan ng ice cream ikaw pa yung galit hanggang ngayon? Tindi mo ah" sagot ko naman

"Bat ka tumatawa? Pinagtatawanan mo ako ? Ako bestfriend mo kaya ako dapat kinakampihan mo!" Sagot naman nya ng pataray

I've been waiting for thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon