Chapter 8 (Gabby)

0 0 0
                                    

Chapter 8 (Gabby)

KL's POV

Tok.tok.tok
Nagising ako sa katok sa kwarto ko, tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong 9:30 am pa lang at sabado naman.

Pero binuksan ko pa din.
"Day sorry kung nagising kita. May naghahanap kasi sayo sa baba?" Sabi ni ate len.

"Po?" Na alimpungatan kong sagot.

"Si ano si aaron nasa baba hinahanap ka" sabi ni ate len.

Si aaron? Anong ginagawa nun dito.

"Sige paki sabi po sandali lang" sabi ko kay ate len at pumasok sa loob at nagayos na.

Pag baba ko. Nakita ko si aaron na nasa sala at napansin kong may hawak syang car key.

"Oh aaron? Bakit?" Sabi ko kay aaron.

Tumingin sya sakin.
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong nya.

Naguluhan naman ako sa inaasta nitong kaibigan ko

"Oh sige." Sagot ko at nagtaka ako nung hilahin na nya ako papuntang sasakyan. Sa family nila tong sasakyan na to. Dinadala nya lang to pag importante.

Pag pasok nagtaka ako kasi di naman nya pinatakbo yung sasakyan. Inistart nya lang. Kaya naman tinignan ko sya.

Bumuntong hininga sya at tumingin sakin.

"Aaron? Aaron may problema ba?" Tanong ko kay aaron. Pero tinignan nya lang ako. Kaya naman kinabahan ako.

"Aaar..." Magsasalita pa sana ako kaso naunahan nya na ako.

"1st yr college 1st sem 3rd day kita nakilala KL. naging magkaibigan tayo dahil kay calvin. Pero yun ang akala mo. High school pa lang tayo kilala na kita. Naalala mo nung may nagchat sayo na unknown ang name sa fb nung 3rd yr highschool ka, at sinasabi sayo na ang ganda mo. Pero blinock mo sya, kasi ang last reply mo sa kanya ang creepy nya" tumigil sandali si aaron at tumingin sakin.

Kumunot ang noo ko. Totoo iyong mga sinasabi nya.
Pero bakit nya sinasabi sakin to? Hindi ako nagsalita kasi alam ko g itutuloy nya ang kwento nya.

"Sobra syang nasaktan KL nung blinock mo sya. Nawalan sya ng pag asa, pag asa na makausap ka pa nya ulit. Bukod sa magkaiba na kayo ng school, nalaman nyang may sakit sya alam kong naging kaklase mo sya nung 1st yr highschool ka sahil tranferee lang sya sa scho namin nung 2nd yr highschool at dun kami naging mag bestfriend. Hindi ko alam kung bakit hindi sya nagpakilala sayo. Ang alam ko lang gusto ka nya " ngumiti si aaron ng mapait.

"Cancer stage 4. Cancer sa utak, may taning na buhay nya. At ang last na hiling nya ay makita ka. After kasi nyang magkagusto sayo hindi na sya nagkagusto sa iba kasi ikaw daw ang one great crush nya. Ang tindi diba? " naiiyak na si aaron at hindi ko alam ang gagawin at irereact ko.

"Nung nalaman ko na may gusto sya sayo. Nagalit ako sa kanya, kasi bata pa lang tayo crush na kita. Sabi ko noon ikaw papakasalan ko. Nakita kita sa park noon. Kasama mo ang papa. Naka pink ka na dress Ang ganda ganda mo nun. Nagalit ako sa kanya nung nalaman ko na ikaw yung tinutukoy nya. Hindi ko alam nun na may sakit sya kasi tinago nya. Pero sabi nya sakin may the best man win nalang daw. Pero sabi nya if ever na matalo sya at manalo ako. Wag daw kita sasaktan. At kung sakali man daw na may makipaglaban sakin sa puso mo bukod sa kanya, wag daw ako magpapatalo. KL 1 month nalang sya. Gusto ka nyang makita. "Umiiyak na sabi ni aaron sakin. At tumingin sya sakin na sobrang lungkot.

Samantalang ako, ni hindi ko alam kung anong irereact ko. Di ko alam anong dapat kong maramdaman. All this time naghahanap ako ng love life samantalang may tao na nagmamahal sakin ng patago.

" bestfriend ko sya. Pwede mo ba syang puntahan KL? Pls" pagmamakaawa ni aaron sakin.

Tumango ako at niyakap si aaron. Ngayon lang ganito si aaron. Ngayon lang.

"Thank you" bulong nya sakin.

"Mamayang hapon. Punatahan natin sya, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ko kay aaron.

Tumango sya " dadaanan nalang kita. Itetext kita pag papunta na ako." Sabi pa ni aaron.

Bumaba na ako sa sasakyan nya at nagpaalam sa kanya.

Pumasok ako sa bahay ng lutang ang utak. Buti nalang walang tao. Pag pasok ko tumulo yung luha ko.
Siguro kasi naaawa ako.
ang nasa isip ko ngayon. Kailangan ko syang makita at magpasalamat.

Dumating ang hapon at natanggap ko ang text ni aaron at di naman nagtagal at dumating na sya. Kaya pumunta na kami sa bestfriend nya.

Pag dating namin sa hospital. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pagtapat namin sa room nya, nasilip ko agad, nakita ko yung mga apparatus na naka kabit sa kanya. Hindi na daw sya nakakapagsalita dahil kumalat na ang sakit nya, tanging senyas nalang ang kaya nyang gawin.

Hinawakan ko ang kamay ni aaron. Tumingin sya sakin at ngumiti ng mapait.

Pag pasok namin
"Hi tita" bati ni aaron sa babaeng medyo mag edad na.

"Hi ijo" bati naman nya kay aaron at tumingin sakin.

Kitang kita ko yung lungkot sa mga mata nya. Sya lang ang tao nagbabantay sa pasyente.

"Tita si KL po. sya si tita marga ang mommy ni gabby" pagpapakilala ni aaron samin.

"Hello po" bati ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin at niyakap ako "salamat. Salamat kasi pinuntahan mo sya. Alam kong magiging masaya si gabi"
Ngumiti ako sa kanya ng bitawan nya ako.

Inaya akong lumapit ni aaron sa dun sa gabi.

At habang papalapit ako sa kanya lalong lumalaka ang dibdib ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yung nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilang kila ko sya.

Yang mga matang yan, sya yan. OH MY GOSH.

Namamalikmata lang ba ako? Yung totoo? Panaginip ba to? Niloloko nya lang ba ako ulit?
Sya yun? naguguluhan na ako.

----------------------------------------

I've been waiting for thisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon