-RIRI-
Bakit ba ayaw ng mga tao ng veggies? I mean , really. THEY LIKE, MAKE OUR LIVES LONGER. Andito ako ngayon sa supermarket. Specifially, Fruits and Vegetables section.Guess what? ang konti lang namin dito. Most people here are obviously health-freak. Alam ko dahil isa ako sa mga iyon.
Walang may alam na may extra credit cards akong tinatago. Dad may have confiscated all my credit cards. Pero ang hindi niya alam, Lolo and Lola's been giving me credit cards. At mabuti sinekreto nila yun. Binawalan kasi sila ni dad non kasi spoiled na daw ako. But no, Im actually not. Marami lang talaga akong kailangan bilhin para makontento na ako sa buhay ko.
Like Bikes, Things for work outs. Hehe, everything. Don't blame me. Blame the things i like. Laking temptasyon eh.
"Wow, his hot. Alam mo girl, konti nalang lalaki ngayon ang iniingatan ang kanilang health. Yung iba kasi maskulado pero ang dumi naman ng katawan. Tingnan mo siya oh. Sheet. Ang linis niya tingnan.. Type ko.. hihi" sabi ng babae sa likod ko. Sabay tawa nila ng mga kasama niya. Tss
Alam niyo girls, konti nalang din ang babaeng na nagbabalance diet para sa sarili nila. Yung iba pakitang tao na.
Tiningnan ko ang lalaking pinagnanasaan nila.
"papansin" bulong ko. MAG SHADES BA NAMAN SA LOOB NG SUPERMARKET! Sarap lang bilhan ng payong.."wow oh! hihi ang dami niyang kinuhang veggies." Tiningnan ko naman yung cart ng lalaki. Shit madami nga.
Damihan ko nalang din kaya? Pang one month na 'to.
Kuha ako ng kuha ng kahit anong prutas at gulay. Damn, I'm craving for grapes. Dinami ko talaga. SAGAD!
"omygosh, omygosh, ang sexy nung girl. Is she a model? Tingnan mo oh! ang dami din niyang binili. Woaahh. nakakainggit." Ano ba 'tong mga babaeng 'to!? Are they here just to check out on people!?
"OMYGOD! mas lalo akong nainlove sa kanya. Tingnan mo yung cart niya! Ang Gwapo na nga, ang healthy pa. Hihi akin ka nalannnggg" aba ha aba ha. pasimple kong sinilip ulit ang cart nung lalaki. Dumadami nga
I'm craving for orange. Kumuha ako ng halos 20 oranges. And added some more lettuce.
"WOAAHH, d'you see that? did you? No wonder she has a figure to die for. Nakakatomboy siyaaaa" pssshh
"Yeah yeah! Ang ganda diiinnn!" I know right!
Tiningnan ko ang lalaking katabi ko. Wala naman pala 'to eh. Ramdam ko pa ngang nakatingin siya ng masama sakin behind those sunglasses. Loser!
I smirked at him and started walking away. Ewan ko kung ba't ko ginawa yun. I feel like he's challenging me. And how i love challenges.
Nandito na ako sa counter ngayon. Pumili ako ng linya kung saan konti nalang. I have to go home early. Baka pag-uwi ko sa haunted house na yun, andun na naman yung white-lady na madaldal. Oh how i hate her.
"Lexy, watch and learn. Paaalisin ko lahat ng taong nakalinya dito." Rinig kong sabi nang babaeng nasa likod ko. BAKIT BA ANG DAMING PAPANSIN SA MUNDO!?
"Hey missy, You're blockin' my way. Get out of my sight" now why the hell would i follow her.
Kapag ako nainis, gagawin ko siyang comedian. PROMISE.
"Hey! can't you hear me?! I said get out of my sight!" Since nakatalikod ako ay humarap pa ako sa kanta. Wew, she's lucky i turned to her. Kadalasan kasi pag ganito. Dinideretso ko pagsuntok sa mukha. But when i found out that all eyes are on us. Malakas kasi boses nitong hinayupak na'to. GAGAWIN KO TALAGA SIYANG KATAWA TAWA .