CNCP Part 2 ~> Flashback

1.2K 34 5
                                    

A/N : salamat sa paghihintay ^__^

eto na po ipo-post ko na ang Part 2.

sana magustuhan nyo.

Comment | Vote | Follow

see the multimedia part

CNCP : Part 2 (Flashback)

2 years ago ..

Pagkapasok sa University, agad na tumakbo si Morris papuntang SU lagoon.

Naupo sya sa bench, kung saan araw-araw syang naghihintay sa pag-daan ng kanyang crush.

Long time crush nya si Rhiona, isang Campus Princess sa University. Elementary palang crush nya na ito, love at first sight kumbaga. Sa yaman at ganda ni Rhiona maraming nagkakandarapa sa kanyang lalaki, pati babae lumalapit sa kanya para maging close lang nya. Pero para sa kanya sapat ng nakikita nya lang ito araw-araw, buo na ang araw nya. 2nd year na sila ngayon, nasa section 1 si Morris nasa section 3 naman si Rhiona. May tatlong section kasi sa 2nd year.

Habang naghihintay, kinuha nya ang suot nyang salamin at pinunasan ito. Kinuha nya ang gitara nya at nag-umpisang mag-strum ng kantang Gitara by parokya.

Pagkatapos nyang tumugtog, maya maya padaan na nga ang hinihintay nya. Gandang ganda talaga sya kay Rhiona lalo na pag nakangiti ito, pero hanggang tingin nalang talaga sya. Nakadaan na si Rhiona pero nakatitig padin si Morris sa kanya, hindi nya namalayan na huminto yung tatlong kaibigan ni Rhiona. Sila LJ , Mia at Lea.

"Hey Nerdy boy, titig na titig nanaman sa prinsesa?" sabi ni LJ

Nilingon naman sila ni Morris, pero tahimik lang sya.

"Patay na patay kaya yan kay Rhiona, araw-araw ko ngang napapansin yan na nag-aabang dito at tititigan lang si Rhiona hanggang sa makalagpas" sabi ni Mia

"Nangangarap ka ba Nerd? Look at you, sa tingin mo papansinin ka ni Rhiona? Gumising ka nga" sabi naman ni Lea.

"Ang gandang love story nun kung sakali, A Campus Nerd inlove with a Campus Princess" sabi ni LJ

"Mai-post nga sa wattpad" sabi naman ni Mia

"Alam mo kahit kalian sira ka talaga Mia, edi anong kalalabasan nun? Hindi happy ending? Dahil ang Campus Nerd hanggang tingin nalang sa Campus Princess, Asa pa sya!" sabi naman nung Lea

Nagtawanan ang tatlo bago umalis para habulin si Rhiona at sabayan itong pumasok sa classroom.

Wala ng bago kay Morris, sanay na sya sa tatlong yun. 'Tama naman sila' sino nga ba sya para pangaraping mapapansin sya ni Rhiona. Mas maraming gwapo kesa sa kanya.

*

breaktime..

Naghahanap ng mauupuan si Morris bitbit ang tray nya ng pagkain, ng may pumatid sa kanya yun pala yung mga varsity ng soccer na nagtatawanan dahil sa pagkatumba nya. Sa hindi inaasahang pangyayari may natapunan pa sya ng pagkain nya, tinignan nya kung sino iyon. Isang babae.

"Oh my god Rhiona, your uniform is a mess" sambit ni Lea

Nanlaki ang mata ni Morris at agad naming tumayo para punasan at humingi ng pasensya kay Rhiona.

"S-sorry Rhiona, hindi ko sinasadya" kumuha ng tissue si Morris at agad ipinunas yun sa natapunang bahagi pero napaatras si Rhiona kasi sa bandang dibdib iyon mapupunasan. Hindi napansin ni Morris sa sobrang pagkataranta

Campus Nerd To Campus Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon