Piña,
*Yaaaawns!* Grabe, napasarap yata ang tulog ko ah! Minulat ko ang mata ko at nakita siya na naglalaro ng xbox. Napatingin ako sa wrist watch ko 5:30 na!!
"HALA!" napa sigaw ako ng wala sa oras, bigla namang naout si Red sa nilalaro niya. Narinig ko siyang nag 'tss' pero di ko nalang pinansin.
"Mag gagabi na pala! Di mo man lang ako ginising?" sabi ko sakaniya.
"It's not my fault that you sleep there at the first place." pinagpatuloy niya ang paglalaro niya. Napa irap ako, kahit naman crush ko siya napaka sungit niya pa din. Para siyang may mens. -_-
"Uuwi na'ko. Thank you." tumayo na'ko at kinuha ang bag ko saka lumabas ng bahay. Paglabas ko ay sobrang dilim, wala man lang dumadaan na kotse o mga motor. Paano na'ko niyan?! Napakamot nalang ako ng ulo ko. Saan ba ko dadaan? Left o right?
"Jusko, baka may slenderman pa dito." bulong ko sa sarili ko
"I should drive you home." napalingon ako kay Red na nagsusuot na ng helmet.
"Nako, nakaka abala na'ko. Wag na." sa sinabi kong yun, tinanggal niya ang helmet niya at papasok na ng bahay, ha?! sineryoso niya? nagpapakipot lang naman e!
"Uy, joke lang. hehe" inirapan niya ako at sinuot yung helmet niya, hinagis niya sakin ang helmet na susuotin ko at umangkas na sa motor niya.
**
"Saan ka ba galing?! Hindi ka raw pumasok ng hapon ah?!!" yawyaw sakin ngayon ni Mama. Kinakamot ko lang ang ulo ko, wala po akong kuto.
"Sino naman nagsumbong niyan?" i rolled my eyes.
"Aba, baka nakakalimutan mo magkaklase kayo ng kapatid–" hindi ko napigilan ang sarili ko,
"Oh! Kaya naman pala galit na galit kayo, kasi nagsumbong siya! Eh siyempre paborito niyo siya diba? And you," tumingin ako sakaniya na nanunuod lang "Tapos ka na ba sa eksena na ginawa mo? Napaka childish mo 'no? Ke tanda tanda mo na, nagsusumbong ka pa. Inggit ka ba? Edi mag cutting class ka rin!"
"So inamin mong nagcutting class ka!"
"E ano naman pong pake niyo?!"
"CUT IT OUT!" napasigaw si papa sa ingay na ginagawa namin ni mama.
"Piña, go to your room!!!" tiningnan ko si papa, umuusok siya sa galit ngayon, "NOW!" tiningnan ko si mama bago ko kinuha ang gamit ko atsaka pumunta sa kwarto ko.
She sucks!
Wala ba siyang magawa sa buhay niya kaya ako ang inaano niya? Masiyado naman yata akong cool 'no! Inggitera. Kulang ba siya sa pansin.
*knockknock!*
Pumasok siya, with her annoying face. Nakakainis talaga, nagsumbong na nga, pumasok pa dito. Helloooo? Welcome ka ba? Duh
"Mag eexplain lang sana ako."
"Explain? Explain what? Ieexplain mo kagagahan mo? Could you please go away. Nakakairita ka." sabi ko.
"Sinabi ko lang naman yun dahil nag aalala na sila Mama na hindi ka pa umuuwi."
"No! Sinabi mo yun kasi you wants attention! Di pa ba sapat na nasayo palagi ang atensyon nila? Papansin ka rin e 'no? Nanahimik ako at nagpapakasaya. Minsan nga iniisip ko na wag na umuwi rito, pero di ko ginawa diba?" sarkisto kong sabi, yumuko na lamang siya.
"Could you please leave this room na? Your face is so disgusting!" i rolled my eyes. Lumabas din naman siya at sinaradong pinto.
*ringggg! ringggg!*
BINABASA MO ANG
Dream of (CQK2)
FanfictionIisa lang naman pangarap namin. Pero sa huli, isa lang mag wawagi. -Clash Of Queens & Kings 2- THIS IS IT PANCIIIT :'>