3

48 0 0
                                    

Miguel,

Nakita ko ng kasama na ni Beatrice si Piña, kaya hindi na ako nag bother na puntahan pa yung mga yun. Atsaka ano pang gagawin ko doon? Diba? Puro mga babae. Nakakasawa.

Nakita ko si Kisses na nandoon lang sa likod, naka tingin. Nakita ko siyang nag buntong hininga at nag lakad paalis. Ewan ko ba dyan kay Piña, ang laki ng problema.

*flashback!*

"Sa tingin mo Miguel, bakit ang bigat bigat ng loob saakin ni Piña?"

Dahil iniwan ako ni Piña, si Kisses na ang kasama ko na mag break. Sabi ko na at hindi talaga papayag yon.

"Hm, ewan? ano bang ginawa mo?"

"I'm just trying to be nice with her. Gusto ko, despite of leaving them... especially her.. ay magiging okay na ang lahat."

"Pero hindi yon ang mangyayari eh."

"I know. I regret that."

"Okay lang yan Kisses," tapik ko sa balikat niya, "Space at time lang yan. Makaka realize din si Piña."

"I hope so, osige. Mauuna na ako. Thanks"

*

Hay nako Piña, ano bang gagawin ko sayo!

"Hoy Migs! Saan ka?" lumingon ako sa tropa kong kasamahan ko sa banda,

"Ah, kahit saan. Bakit?"

"Practice naman tayo oh! Top 15 na next week!"

Sabi ko na nga ba.

"Ah hehe. Sige mauna ka na roon!" tumango tango siya at tumakbo palayo.

Paglingon ko ay may nabangga akong babae. Nahulog naman yung mga gamit niya, kaya tinulungan ko siya. Nakita ko yung ID niyang may nakasulat na Willford.

"Taga Willford ka ate?" tanong ko, inangat nya yung tingin niya sakin.

PUNYEMAS! Ako ba, o kayo din? ANG GANDA OH!

"Uh, yes! I'm here para sa interview ko sa students here, project lang." kaya pala may hawak siyang laptop, mga papel at camera.

"Ah ganon ba, mag vovolunteer ako!" syempre chix to eh.

"Oh my god! Are you sureee?!" sigaw niya pa, ang cute eh.

"Oo naman! Mamaya pa naman yung practice ko."

"Ah, so you're a singer?" englishera, hayuff

Kinuha ko yung mga gamit niya, at tumayo kami, "Hindi. Taga drum lang. Banda kami."

"Oh, Nag audition din ako."

"Ikaw lang mag isa? Sample sample!" tukso ko

"Nope. I'm with my barkada din, we just tried it, at ready na kami sa Top 15." she smiled, pucha nahulog shorts ko!!

"Are you okay?" sabi niya, ay jusko, noooo! yung shorts ko kasi ehh

"Ha?–Oo naman! Tara, dito tayo." offer ko sakaniya sa bench.

Kinuha niya yung Camera niya, pati papel niya,

"Okay, mag stastart na tayo ha?" sabi niya pa, tumango ako.

Stinart niya na ang pag rerecord, "Uh hello Mister...?"

"Hi guys! Miguel is the name!" kumindat pa ko sakaniya at ngumiti naman siya

"Well, hello Miguel! How's Highfield?"

"Hm, okay! Sobrang okay."

"Ilang years ka na ba dito, Miguel?"

"Since elementary."

"Wow! Sobrang tagal na pala, masyado mo yatang minahal ang highfield ha." she joked, "Okay, so paano mo madedescribe ang Highfield?"

"Well, since eagle talaga yung logo namin. Highfield is like an eagle. You know, may kahinaan at may kalakasan din kami. Ang highfield, nababagsak talaga yan, nahuhulog, natatalo. But despite sa mga failures na yan, bumabangon kami at lilipad uli ng mataas."

"Wow again Miguel, that is so nice of you to describe your school, siguro mapagmahal ka talaga. Kamusta love life mo?"

Bingo!

"Wala akong love life eh, pwede ka ba? Hahaha, joke!" tumawa siya, pero mukhang nahiya.

"Um, how can you encourage other people to enroll here?"

"Okay. So guys, this is not may be the best school. But! Ito ang school na para sainyo, para makilala nyo ng husto, at para mahalin nyo katulad ko."

"Yeyy! Thank you Miguel for sharing this with us! See you soon pips!"

"Bye!!" wave ko pa ng kamay ko

Pinatay niya na yung cam tapos tinago na yung mga papel tsaka cam sa bag niya, "Thank you Miguel, sobrang laking bagay na to sakin. See you soon?"

"Bye rin, thank you din." kamot ko pa sa batok ko

"Osha, mauna na ko. Take care." kinuha niya na yung bag niya at nag lakad palayo. Hayyys, ang ganda talaga!

Naglakad na din ako papuntang practice namin kaso parang may mali..

OH SHIT, DI KO ALAM PANGALAN NIYA!

Lumingon ako para makita pa siya, pero wala na. Puro mga estudyante nalang. Malas malas!

Nabadtrip ako kaya dumiretso na ko, punyetang buhay.

Unknown,

He is a cute guy. I dont even know his real name, Miguel lang alam ko.

Lumingon akong muli para makita siya, pero nakita kong naglalakad na siya. He doesnt even know my name. Pero baka, mas okay na yon.

He shouldnt know my name.

*****
OH PA EXTRA AKOOOO! wiiiieeeee! Someone suggested the name of Miguel's chic, so you will meet her soon!

Thank u pips ❤

Dream of (CQK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon