Chapter 5: Cold Compress

1 0 0
                                    

Papasok na ako ng classroom nang may humarang sa dinaraanan ko. Napatingin agad ako sa kanya, as I have expected.

"Hoy, asan na ang notes ko?" Tanong ni Angel. Ang bait ng pangalan nya pero kabaliktaran ng ugali nya.

"Pasensya na pero nakalimutan ko." Malamang, ikaw ba naman ang bumalik sa nakaraan.

"Anong nakalimutan? Are you just making an excuse? May exam bukas kaya kailangan ko ng notes!" At sya pa ang may ganang magalit? Kapal talaga.

"Angel masakit ang ulo ko kaya wag ngayon." Nilagpasan ko na sya. Halatang nagulat sya sa inasal ko, hindi kasi ako sumasagot sa kanya at ako mismo ang nagbibigay ng notes every morning para di nya ako singilin.

"Aba't sumasagot ka na ha! Wag mo nga akong talikuran!" Hinawakan nya ako sa braso.

"Angel, let go of her." Napalingon kami sa nagsalita. I know he would do that, sa ganitong eksena kami nagkakilala. Nililigtas nya ako parati, siguro naman sa ganitong paraan parin ako mapapalapit sa kanya.

"Kieth" halos pabulong kong sambit.

"Pero K-Kieth.." Hindi natuloy ni Angel ang sasabihin nya nang tinanggal ni Kieth ang kamay nyang nakahawak sa akin.

"Alam mo Angel, wag kang mandamay ng ibang tao dyan sa katamaran mo. Kung ayaw mong magsulat eh di sana hindi kana nag aral." Ang cool nya talaga, kaya nainlove ako sa taong to eh. Sya ang knight in shining armor ko.

At iniwan namin si Angel doon na naka nganga, literally. Hawak hawak pa ni Kieth ang kamay ko nang makarating kami sa likod ng canteen nang bitawan nya ito, namiss kong hawakan ang mga kamay nya.

"Hindi ka sana pumapayag na tratuhin ka nya ng ganun." He's concern.

"Okay lang, ayaw ko lang ng gulo kaya ginagawa ko ang gusto nila." Sagot ko sa kanya.

"Ang bait mo yata? What's your name by the way?" Nakangiti nyang tanong.

"Cayenne Ramirez, Yen nalang." Ang gwapo nya talaga, kaya alam kong maraming umaaligid sa kanya since MVP din sya ng basket ball team ng school, isa na ron si Trisha at Angel.

"Ang cute naman ng nick name mo, bagay sayo. Well Kieth nga pala, Kieth Montejo." Nakipagkamay sya sa akin. "See you around yen." Yun lang ang huling sinabi nya at naglakad na palayo.

Gagawin ko ang lahat Kieth, alam kong nakatadhana tayong dalawa kaya nandito ako ngayon para makasama ka sa hinaharap at hindi si Trisha.

I know! I'll make a list kung paano ako mapalapit ulit sa kanya, gagayahin ko lang ang mga nangyari noon. Teka, possible kayang mag iba ang mga pangyayari noon sa mangyayari ngayong taon? Ay basta susundin ko lang ang lahat at magiging maayos rin lahat ng ito.

Bumalik ako sa may garden at nagtambay doon, wala akong ganang pumasok sa araw na ito. Swear, ngayong araw lang talaga ako aabsent.
Kumuha ako ng ballpen and notebook mula sa bag at nagsimula ng magsulat.

Mission Possible
1. Make him save you atleast 3 times.
2. Have something that he owns.
3. Help him on anything that you can offer.
4. Make him trust you.
5. Make him tell you a secret.
6. He'll gonna ask you out.
7. Make him enjoy your company.
8. Share something private about you.
9. Make him fall for you.
10. Make him ask you to be his girl.

"Ayan tapos na!" Ito lang ang mga natandaan kong mga pangyayari noon. Sana makipag cooperate sa akin ang panahon at maging successful ang magiging plano ko.

*POK!*

"Araaaay!" Ang sakit naman, hinimas ko yung balikat ko kung saan dumapo yung bagay na yun, pinulot ko.
Lata ng softdrink?

"Akala ko pusa, ang ingay kasi." Napalingon ako sa nagsalita, sya na naman? Nag inat pa sya ng katawan at kinusot ang mata nya.

"Seriously?! Ano bang problema mo? Kung wala kang magawa sa ibang lugar ka maghanap ng pagtitripan mo!"
Inis kong sabi sa kanya.

"Sa pagkaka alam ko ay ikaw tong naligaw ng lugar, pusang gala. Ayaw mo ng gulo diba? Eh di wag ka nang tumambay dito. Get lost." Ang sama ng ugali ng lalaking to. Tumayo nalang ako at inirapan sya, mas marami pa akong importanteng gawin kesa patulan ko pa itong kumag na'to.

Naglakad nalang ako papuntang library , kailangan ko ring aralin muli ang mga lessons ko. Nakalimutan ko na nga kung paano ako pumasa, ngayon nandito na naman ako at nag aaral parang umabot ako hanggang 5th yr. haaaaaay...

Nakahawak parin ako sa balikat ko, gago talaga yung lalaking yun. Aba't bayolente pala sya, nananakit na sya ng kapawa. Tsk masakit parin, I hope it will not leave a mark.

"Excuse me miss, may nagpapabigay po." Napatingin ako sa kanya, mukhang first yr yata, di ko sya kilala at may inaabot sya sa akin. Tinaggap ko naman, cold compress?

"Kanino naman galing ito?" Tanong ko.

"May nagpapabigay po, para daw di kayo magka bruise." Ngumiti lang sya at umalis na.

Loko tong batang to ah, iba ba naman ang isagot sa tanong ko? Napatingin ako sa cold compress, kanino naman kaya galing to?

************************************

A/N: Kanino galing yoooown?? Hahaha di ko rin alam eh. Pag iisipan ko pa hahaha 😆😆😆

Please VOTE and COMMENT!
Para ganahan naman akong mag update hihihi thank youuuu mwaaa 😘

Back to the future ⬅️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon