Saturday ngayon at walang pasok, naglinis at gumawa ng homework lang ang inatupag ko buong araw. Pagkatapos naming maghapunan ni mama at ni Chris, may ipinabibili si mama sa convient store naubusan kasi ng gatas si Chris.
Habang naglalakad ako sa kalye, nakita ko si Rico sa tapat ng isang restaurant. Napahinto ako, may tinitignan sya sa malayo kaya hinanap ko kung sino o ano. Galit ang mukha nya at napapaligiran sya ng maitim na aura. Nakakapit naman sya sa kanyang bike at may hawak syang helmet, ang cool naman ng dating nya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sa may restaurant ako dumaan kasi katabi yun ng convenient store.
"Mister Santiago, saan po tayo?" Tanong ng isang driver sa lalaking mga nasa mid 40's na yata, may kasama syang babae na sa tingin ko ay nasa 20's.
"Sa Grand Hotel tayo." Sagot ni Mr. Santiago sa driver.
"Pilyo ka talaga babe, masyado pang maaga para gawin natin yun." Sabi nung babaeng kasama nya at sumakay na sila sa kotse. Kinalibutan ako sa mga narinig ko, naman oh hinaan nyo kaya boses nyo.
Santiago, diba surname ni Rico yun? Napatingin ulit ako kay Rico, pinaandar narin nya ang Bike nya at mabilis na nagpatakbo.
Teka lang? Hindi kaya nya tatay yun?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Monday morning, sanitary ang subject namin ngayon and may gagawin kaming activity.
"Class cosmetics ang activity natin ngayon, that's why I asked you to bring a make up kit. Choose one partner and follow the steps that I wrote on the board. After that show me the result and I'll give you your score as partners. Everybody starts now."
Make up? Hindi ako nag me-make up. Sino naman ang magiging ka partner ko? Wala namang may gusto sakin, pwede naman sigurong ako nalang ang mag ayos sa sarili ko? Ay di pala ako marunong haha eh kung lipstick lang ilagay ko?
"Excuse me Yen? Pwede ba kitang maging partner?" Si Rina, ang mahal kong kaibigan huhu buti napansin mo na ako.
"Sure! I mean sige." Masyado akong excited makasama ka.
"Sige simulan na natin." Nakangiti nyang sabi.
Mga 1hr yata bago kami natapos, ako ang nilagyan nya ng make up dahil maganda daw ang kutis ko and sa tingin nya mas mapapaganda nya ako dahil di daw ako naglalagay. Ganun ba ako ka panget?
After class magkasama parin kami ni Rina, kwento lang sya ng kwento. Natutuwa naman ako sa kanya, hindi na ako nag adjust since alam ko naman ugali nya.
"Noon pa talaga kita gustong maging kaibigan, alam ko naman na mabait ka eh kaso parang gusto mo palaging mapag isa." Nakangiti nyang sabi habang kumakain kami ng lunch dito sa canteen.
"Alam ko." Medyo nagulat sya sa sagot ko."I mean ako rin, gusto kitang maging kaibigan." Tumango tango lang sya.
Nakita ko sa kabilang table sila Kieth at mga kasama nya, masaya syang nakikipag kwentuhan sa kanila. Na miss ko tuloy yakapin sya at makasamang kumain.
"Hoy, sinong tinitignan mo?" Tanong ni Rina at tumingin din sa kabilang table. "Si Kieth?"
"A-ah h-hindi, wala." Pagkakaila ko.
"Ahsus! Okay lang naman kung may crush ka sa kanya, gwapo naman talaga sya. Kaya lang di ko type ang mga ganyang habulin ng babae haha." Nakakatuwa talaga tong babaeng to.
"Gusto mong manuod ng practice nila mamayang hapon?" Suhestyon nya.
"Wala rin naman akong gagawin, cge." Sagot ko sa kanya, makikita ko na rin ulit maglaro si Kieth.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Yen, naiihi na talaga ako. Mauna kana sigurong lumabas, hintayin mo ko aah." Sabi ni Rina, nasa gym kami ngayon at hindi na nya ako hinintay na sumagot at tumakbo na sa corner ng gym.
Natapos na ang game at ang galing pa talaga ni Kieth halos sya ang nagpanalo sa team nila.
3mins later wala parin si Rina, nasan na kaya yun? Sundan ko nalang siguro. Naglakad ako papunta kung nasan yung CR, wala nang masyadong tao dahil nagsilabasan na pagkatos ng game. Pumupunta naman ako dito pero di ko familiar yung bandang dito sa gym.
"Rina, nandyan ka pa ba?." Sigaw ko sa may hallway pero wala namang sumasagot. May mga pinto dito pero wala namang nakalagay na signs, wala naman sigurong nangyaring masama sa kanya?
Binuksan ko ang isang pinto, mukha kasi syang CR. May mga locker doon, siguro magtatanong nalang ako kung saan ang CR. May nakita akong lalaki na nagsusuot ng sapatos.
"Ahm excuse me?" Napatingin sya sa akin at di ko inaasahang sya pala.
"Yen, naligaw ka yata?" Nakangiti nyang tanong.
"Aah a-ano kasi." Nubayan! Ba't ako nauutal, maghunusdili ka Yen! Nakakahiya naman. "Kieth, saan ba dito ang CR?"
"Sabi na nga bang naliligaw ka." Natatawa nyang sabi. "Paglabas mo, pangalawang pinto sa kaliwa."
"S-salamat." Tumalikod na ako at nagmadaling lumabas, ang init pala doon? Pinagpawisan ako ngayon eh.
Pag check ko sa CR "out of order" naman kaya lumabas na ako ng gym.
"Yen! San ka galing? Kanina pa ako naghihintay sayo sito." Bungad ni Rina sa akin.
"Hinanap kasi kita. Ikaw saan ka naman galing?" Tanong ko.
"Nag Cr nga. Out of order kasi doon kaya tumakbo ako papunta sa kabilang building, sorry talaga." Napakamot lang sya sa ulo nya.
"Okay lang, uwi na tayo?"
"Cge tara, libre kitang kwek kwek sa labas pambayad sa kasalanan ko." Natawa ako at hinila na nya ako palabas.
Pagkatapos naming makabili ni Rina ay nakita kong naglalakad papunta sa amin si Kieth.
"Aah Yen, pwede ba kitang makasabay sa pag uwi? May sasabihin sana ako." Sabi nya sabay hawak sa may batok nya. Parang nag aalangan sya.
Napatingin ako kay Rina. "Sige na Yen, sumabay kana. Susunduin din naman ako ng daddy ko eh." Ngumiti lang si Rina at umalis na.
Napatingin ako kay Kieth. "May problema ba?"
************************************
A/N: ooooy Kieth may pagnanasa kana kay Cayenne noh? Hahahahah jk lang
Ano kaya ang sasabihin ni Kieth? Yung Mission Possible no.10 naba? Hahah jk ulit.
Vote ang Comment. Thanks!
BINABASA MO ANG
Back to the future ⬅️
Teen FictionLove is full of mystery. Totoo yan, there's a lot of unexpected things that will happen when you are in love. Love is happiness, love is magical and it includes pain and sacrifices. Hindi sa lahat ng panahon ay masaya ang pagmamahalan ng dalawang...