Chapter 2: Too late

5 1 0
                                    

Cayenne's POV

Pag gising ko,naligo at kumain ako agad. Kagabi ko pa inisip kung ano ang sasabihin nya sa akin, hindi ako maka tulog ng maayos. Nang lumabas ako ng bahay at naglakad papuntang sa kotse ko, may napasin akong isang matandang babae na nakatingin sa dereksyon ko. Hindi ko nalang pinansin at patuloy lang ako sa paglakad, bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse pero may humawak sa kamay ko. Pano agad sya nakarating sa kinaroroonan ko?

"Magandang umaga po Lola, anong maitutulong ko sa inyo?" Naka ngiting bati ko sa kanya, pero honestly na weirdohan ako sa mga tingin nya sa akin.

"Iha, may nakikita akong kakaibang aura sayo. Kakaiba ang magiging hinaharap mo."
Ano raw? Kinabahan naman ako kay Lola.

"Lola pasensya na po pero nagmamadali po talaga ako." Hindi ko na sya hinintay pang magsalita at pumasok na agad ako sa kotse.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga coffee shop na pagtatagpuan namin ni Cherry, hindi ko alam pero talagang kinakabahan ako, hindi ako mapakali. Ang tagal naman ng batang yun. 18 years old palang si Cherry, nasa second year college na sya ngayon sa parehong paaralan na pinaskuhan namin ni Kieth noon. Close kasi sila sa kapatid ni Kieth na si Kristie at classmate sila sa school. Na alala ko tuloy noong nasa college pa ako at crush ko palang si Kieth, varsity kasi sya ng school namin kaya marami rin ang humahanga sa kanya pero hindi ko inakalang mapapansin nya ako. Loner kasi ako, hindi ko kasi kayang makasalamuha ang mga ka klase ko doon, masyado silang pasosyal. Hindi kasi kami mayaman at scholar lang ako sa school, isa yun sa mga dahilan kung bakit nag trabaho ako abroad naging swerte naman ako at nakapag ipon. Kung hindi nga lang dahil kay Rina eh baka mag isa lang talaga ako sa school for four years, naging kaibigan ko sya nung nasa fourth year na kami. Gusto nya akong sumali sa Miss Commerce since isa sya sa mga nag organize ng event, eh sa ayaw ko. Para lang naman yun sa mga magaganda, kahit pinilit nya ako ng sobra halos gabi gabi syang pumupunta sa bahay, hindi talaga ako pumayag baka ma pahiya lang ako at wala akong confidence masyado sa sarili ko. Si Trisha ang nanalo noon, sikat din naman ang bruhang yun. Maganda sya, sexy at mayaman, hindi nga lang maganda ang ugali. Hindi ko inakala na hanggang ngayon may gusto parin pala sya kay Kieth, alam kong matindi ang galit nya sa akin dahil naging girlfriend ako ni Kieth kaya ayun, palagi nya akong binu-bully sa school.

After 15 minutes dumating na si Cherry.

"Cherry, umorder ka muna. Anong gusto mo?" Seryoso ang mukha ni Cherry, umupo sya sa harap ko. Alam ko nang hindi maganda ang ibabalita nya sa akin ngayon.

"Ate Yen, I really waited for you to call. Ayokong makialam pero hindi tama na maghiwalay kayo ni kuya Kieth na wala kang alam sa mga nangyayari" hindi ko sya maintindihan.

"I don't understand you Cherry, anong walang alam? Ano bang nangyari?" Nalilito kong tanong.

"I know magagalit si tito pag sinabi ko sayo to pero wala akong pakialam, alam kong mahal mo pa si kuya at ganon din sya. Naiipit lang sya sa sitwasyon nya ngayon kaya hindi nya alam kung ano ba ang dapat gawin lalo nang nakipaghiwalay ka sa kanya."
Alam kong ayaw sa akin ng Daddy ni Kieth kasi nga hindi naman kami mayaman, gusto kasi ng Daddy nya na magpa kasal si Kieth sa isa sa mga business partner nya para lumawak ang negosyo ng mga Montejo.

"Wait, wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Nasaan ba si Kieth? Gusto ko lang naman sya makausap, mahal ko sya siguro naman maiintindihan ko kung ano ang paliwanag nya." Naiinis na ako dahil wala talaga akong maintindihan.

"Nasa Macau ngayon sina kuya Kieth at Trisha kasama ang pamilya nila, may sakit kasi si tito at hiniling nya na magpakasal sila ni Trisha since hiniwalayan mo na sya wala na syang nagawa at sinunod ang gusto ng Daddy nya" halos gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ni Cherry, hindi ako makagalaw. Bakit? Bakit hindi sinabi ni Kieth sakin lahat ng 'to? Kasalanan ko ito, hindi ko sya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag, hindi ako nakinig sa kanya. Napaka maka sarili ko, sarili ko lang ang inisip ko.

"Kasalanan ko ito Cherry" na iyak na ako, ika kasal na sa iba ang taong mahal ko dahil sa maling desisyon ko.

"Ate Yen, hindi pa siguro huli ang lahat. Nasaktan ng masyado si kuya Kieth nang hiwalayan mo sya at mahal kapa nya kung makikita ka nya ngayon at mapigilan mo ang kasal. Alam kong hindi nya itutuloy yun!" Positive lang si Cherry, tama sya siguro nga kailangan kong subukan.

"Kailangan ko syang puntahan." Pinahid ko ang luha ko at saka tumayo, kung pwede lang gusto kong lumipad agad papuntang Macau para pigilan si Kieth. Hinawakan ni Cherry ang braso ko at napa tingin ako sa kanya.

"Ihahatid na kita papuntang airport." Nagtaka ako sa sinabi nya, may inilabas syang plane ticket sa bag nya. Napayakap nalang ako kay Cherry.

"Thank you for everything Cherry" umiyak na naman ako. Lumabas kami ng shop at nag drive ako papuntang airport, she took my car home and dumeretso na ako sa departure area.

After 5hrs nasa Macau na ako, Sumakay agad ako ng taxi. Binigyan ako ni Cherry ng address kung saan gaganapin ang kasal. Sana lang hindi pa huli ang lahat, sana maabutan ko pa sila. Sana e delay nila ng konti, Kieth mahal na mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka sa akin, pinangako mo sa akin na ako lang ang ma mahalin mo, tayo ang dapat Ikasal katulad ng mga binubuo nating mga pangarap noon. Naiyak na ako, hindi ko kayang mabuhay na wala ka Kieth, hindi ko kaya. Ikakamatay ko.

Dumating na ako sa lugar kung saan ikakasal si Kieth. Walang Tao doon, nakikita ko lang ang mga silya at mga decorations. Garden wedding pala and kulay white lahat ng designs, ang ganda. May nakita akong lalaki sa gilid hindi ko sigurado pero may inaayos sya o mas tamang sabihin na nagliligpit na sya. Lumapit ako sa kanya, parang Pilipino naman sya.

"Excuse me" sambit ko at napalingon naman sya. Pinoy nga sya.

"Hi, Pilipino din po ba kayo? Anong maitutulong ko?" Naka ngiti nyang bati sa akin.

"Itatanong ko po sana kung nasaan ang mga Tao dito at anong oras po gaganapin ang kasal?" Tanong ko sakanya, parang ang tahimik naman dito siguro nag aayos pa ang mga tao, puntahan ko nalang siguro si Kieth. Tatawagan ko nalang si Cherry kung saang hotel siya ngayon.

"Aaah, isa po ba kayo sa mga bisita dito ma'am? Tapos na po kasi yung kasal at magliligpit na po kami, maya maya dadating narin yung mga kasamahan ko dito." Ano? Parang na bingi ako sa sinabi ni manong. Hindi, hindi maaari to. Bakit ang aga naman? Nan lamig ang mga kamay ko at napaupo sa damuhan habang pumapatak ang mga luha ko.

Wala na, huli na ako. Ikinasal na si Kieth, tuluyan na akong iniwan ng taong pinakamamahal ko...

*****************

A/N: how's chapter 2? Please comment and vote po, maraming salamat! Labyooo 😘

Back to the future ⬅️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon