Summer
Hindi ko inakala na magiging magkaibigan kame.. Nung time na yun were totally stranger, galing siyang ibang school..
First year, second semester kame nun nung makita ko siya.. Dahil sa sobrang friendly ko, ang dami kong nakilalang kaibigan, kasama na siya dun..
Pero hindi pa kame close nung time na yun, hanggang tunguan lang kame pag nagkakasalubong..
Hanggang sa dumating na ang summer.. Bumagsak ako sa isa kong subject nung 1st yr. ako kaya kinuha ko yun nung 2nd sem at sa awa ni Jesus pumasa na ako.. Kaya kailangan kong magsummer para pag napasa ko yun regular na ko pag 2nd yr. na ko..
Late na ko naka-enroll nung summer kasi naghanap pa kame ng pera, ang mahal din naman kasi ng tuition ko umabot ng 12k at 5 subjects pa yun na puro math..
Pagpasok ko sa room, late na pala ako kaya sa dulong row ako napunta pero nabigla ako nung makita ko siya, two seat apart lang ang pagitan namen..
Tahimik lang siya.. walang masyadong kinakausap, nakatutok lang talaga siya sa lesson..
Ganun lang lagi ang routine ng isang Michael Iñaki araw araw ...
Nung una si Anne lang ang ka-close ko kasi siya lang yung naging classmate ko nung inulit ko yung binagsak kong subject.. Katulad ni Michael isang tahimik na tao din ni Anne
Habang tumatagal nakikilala ko na yung iba ko pang classmate, sila Nine, Kuya Emes, Hell, Brian, joyce at siya, si Michael..
Grabe ang kulit nila kasama, ang saya saya pag nagkukwentuhan kame.. Hanggang sa unti unti nag.uusap kame, tanung tanung lang ng kung anu anu..
Napagdesisyonan namin na kaming lahat sabay sabay uuwi dahil pareho lang daanan namin kaya nung nasa jeep kame siya lang ang hindi umiimik samin, nakikinig lang, nakalagay yung panyo sa bibig niya yung parang tinatakip niya lang.. yung ganun..
Nung oras na yun nanglumo ako pero hindi ko pinakita, nakangiti lang ako nun, nakikitawa sa pinag-uusapan nila..
Habang tinitignan ko siya ng palihim napapabuntong hininga na lang ako.. Mas mahinhin pa siya sakin, kaya that time nawala yung pagka-crush ko sakanya..
Pero okay na din yun para hindi ako naiilang sakanya pag magkakasama kame..
Madalas na din siyang nakikisama samin pero nandun parin yung Maria Clara peg niya..
Then one day mag.isa lang ako uuwi kasi hindi ako sumama sa gala ng barkada pero habang naglalakad ako may tumawag sakin..
"Rean!" napalingon ako para makita ko kung sino yung tumatawag sakin..
"Michael? bakit may kaylangan ka?" tanung ko sakanya. Hingal na hingal na lumapit siya sakin.
"S-sabay na t-tayo umuwi."hingal na hingal niyang sabi.. medyo naka-bent pa yung tuhod na, makikita mo sa itsura niya na tumakbo dahil tagagtak na ang pawis nito.
"Okay.." yun na lang ang nasabi ko.. nagtataka ako kung bakit siya nandito, hindi ba siya sumama kila Nine? naputol lang ang pag-munimuni ko nang masalita siya.
"Alam mo ba naiinis ako kay ma'am Jacinto in-inc niya ko sa algebra nun pero yung isa kong classmate dinaldal lang siya pinasa niya na agad.. blah blah blah..." at madami pa siyang sinabi sa prof namen, terror prof kasi ng engineering yun kaya naiinis siya. Nagulat talaga ako na madaldal pala siya pero nandun parin yung Maria Clara peg niya. Pero okay na din nakakatuwa siya kausap..
Natutuwa ako kasi nag o-open up siya sakin. Na yung dating tahimik at loner na Michael nagiging makulit na din, na nakakasabay na din siya sa trip namen..
BINABASA MO ANG
TALK LIKE BEST FRIEND ACT LIKE lOVERS
Non-FictionSabi nila mahirap magmahal.. The pain, hurt, sadness.. Lahat yan mararamdaman mo. Pero pagnagmahal ka nagiging masaya ka na naman diba? na kahit masaktan ka atleast sumaya kanaman.. Ako.. takot ako magmahal, takot na takot.. Cause love, they say, is...